Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 14

10.7K 337 18
By MCMendoza21

"Buset talaga yung dalawang yun!"

Parang ngang gusto ko rin magsalita ng pagkainis. Me and Mami were the first to arrive at the front of PMA(Philip Moore Academy). Nagmamadali pa akong nagpahatid dito kasi ayokong ma-late and yes, time conscious ako. Kahit lumagpas lang ng one minute or few seconds na male-late ako, nanggigigil na ako sa sarili ko. I'd rather be early than to be late. Alam na alam ko kasi ang pakiramdam ng pinaghihintay at paasahin sa wala.

Naramdaman ko namang may hangin na dumapo sa kamay ko. I look at Leira's direction, whose trying to hold my hand. Alam niyang impossible pa sa impossible na mahawakan niya ako and vice versa.

"Calm down.. baka maging highblood ka na naman. Di ba masama yan sa'yo?" He worriedly said.

Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong-hininga at medyo nagtaas ang sulok ng labi ko. Napangiti naman si Leira sa tinuran ko at pumunta na siya sa pwesto niya, which is to my right side.

We've been here for 30 minutes. Si Mami kung anu-ano nang cursed ang naririnig ko sa kanya kaya I put my hand to her shoulder. She immediately look at me na nakakunot. "Kumalma ka jan Mami. Nagiging makasalanan ka dahil lang sa pagiging late nila. Tawagan mo nalang sila. Tutal hindi mo pa ginagawa yun, di ba?" I flashed her my smile.

Agad-agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at naririnig ko na nga ang biglang pagtatalak niya sa kabilang linya, na ayon sa narinig ko ay tinawag niyang 'Tatang'. Iisang tao lang naman ang tinatawag niyang ganyan kaya alam na alam ko na kung sinong kausap niya. No need to mention his name.

"Ano?! Nasa loob na kayo kanina pa?!........... buset kayo! Hindi man lang kayo magtext na nasa loob na pala kayo tapos....... sorry ha, sorry kung wala akong load! Gago!............ yun nga ang pino-point ko, paano kung wala pala akong load, ano, maghihintay lang kayo, tapos pati kami, ganun? Edi sana naghintay nalang pala ako ng pasko! Buset!............. oo na, papasok na kami. Lagot ka sa akin tatang ka~! Pati jan sa buset na may-ari. Magsama kayo! Bye!"

Hingal na hingal na pinatay niya yung tawag tapos nakasimangot siyang hinarap ako at naglakad papasok sa gate ng PMA. I blinked twice at kiming sumusunod lang ako sa likuran niya. Nagulat ako eh! Nagulat ako kasi ngayon ko lang nakita ang side ni Mami na ganitong mataray at talagang galit na galit. Sa liit niyang yan, mukha siyang harmless, pero pag nakita mo na yung expression ng mukha niya, you would think otherwise. Like you wouldn't wish to see her when she's not in the mood.

Ngayon ko napagtatanto na hindi ko pa pala siya ganung kakilala bilang kaibigan. Ang alam ko lang ay masayahin siya, parang bata siya hindi lang dahil sa height kundi dahil sa kilos niya, siya ang student council president for 2 consecutive years ng PSA at ang president ng mystery club. Bukod dun wala na. Kung tutuusin wala pa yun sa talagang kailangan kong makilala sa kanya kasi yun na yung pagkakakilanlan sa kanya ng lahat eh. Wala akong sikreto niya na kaming dalawa lang ang may alam. Bukod sa alam niya ang ability ko. Wala nang iba.

I want to know her more and to make that happen, I need to use every opportunity na magkasama kami. She's my very first friend and it will be useless not to know her.

"Kayla, are you okay? Nakatulala ka?"

"W-wala lang ito. Anyway, ayun na sila oh." Sabay turo ko sa dalawang lalaking nakatahimik lang at nagtitingin-tingin sa paligid. Napadaan ang tingin ng isa sa kanila sa direksyon namin at naka-smirk siya..... sa akin. Inaasar niya ba ako? Pwes, I don't have time. Bakit kasi kailangan pa nilang sumama eh. Porke siya may-ari?

Napalingon ako kay Mami na agad-agad na tumakbo at tinalunan niya si Thomas at pinagpipingot niya nito. Napapatingin nga sa kanila yung mga students na napapadaan pero mukhang hindi naman nila alintana at tuloy lang sila sa pagpapatayan nila. Well, that's what I see from them.

"Aray!... Tulong! Nire-rape niya ako!, help!!" Sigaw ni Thomas. Pero may ngiti siya sa labi.

"Kapal mo! Walang magtatangka sayo!" Asar na asar lang talaga si Mami.

Nakakatuwa silang tignan, they seem to be comfortable to each other. I felt a little bit of envy on their friendship. Kahit sinong makita kong ganyan na magkaibigan, naiinggit ako minsan. Kaso lang, iniisip ko nun na hindi ako magkakaroon ng ganyan kasi parang hindi ko naman ata kapalaran magkaroon ng kaibigan. Given the fact that I'm an introvert, not sociable and all. Kaya nga siguro nagiging close nalang ako at nakukuntento pag kaming dalawa lang ni Leira eh.

I startled when someone grabbed me and pulled me from where I am standing. I look at that 'someone' and it was none other than, the jerkiest guy(if there is a word like that) that I've ever meet-----Rodney.

"Pabayaan mo silang mag-eskandalo dun. Let's start the tour?" He give me his jerkiest smile. Bigla nalang akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha at parang may nag-growl sa stomach ko na hindi ko alam kung ano.

Feeling ko hindi ako humihinga. Parang na-out of oxygen ako. Why's that?

I tried to pull back my hand pero katulad ng dati, mahigpit ang pagkakahawak niya. Kaya huminto ako sa paglalakad. Nahinto rin siya at tinignan ako. "Hmm? You okay?"

"Bitiwan mo ko." Matigas na pagkakasabi ko. Pero ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

"Kung ayaw ko?"

"Kakagatin ko ang kamay mo."

He smiled. "Try me." Jerk!

Wala nalang akong nagawa at nung nahalata niya yun ay naglakad na siya. Hindi ako kumportable sa pagkakahawak niya ng kamay ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko at parang gusto kong ngumiti at pabor ito sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. This is all new to me. And sometimes nakaka-overwhelm sa pakiramdam. But in a good way.

"Woot woot~ mukhang nagkakasundo ang mag-irog ah?"

"Gusto mo lang ata makipag-date, rodney, kaya ka sumama dito eh."

Napahinto ako dahilan para huminto rin ang may hawak ng kamay ko. Nung lumuwag ang pagkakahawak niya ay hinila ko agad ang kamay ko at tinignan pa ako ng sira ulong lalaki ng masama. Akala niya masisindak niya ako niyang masungit niyang tingin. Tinignan ko naman yung dalawa na nagsalita at tinapunan ko sila ng mala-yelo kong tingin at nanahimik sila.

Kahit na minsan ayaw ko ng mala-walking dead kong expression, mukhang useful naman siya. Lalo na sa ganitong pagkakataon

****

Nandito kami sa loob ng principal's office, sa isa pang room sa loob na may mini library at mga archives ng school history ng PMA. Hanggang ngayon ay hind namin alam kung ano ba talaga ang hinahanap ng dalawang babaeng ito kaya pinabayaan nalang namin sila sa loob at pumunta muna kami sa office of the principal.

Nung umupo kami ng tomas na ito sa couch ay sinipa ko siya sa paa na nakapagpaigik sa kanya. "Bakit ba?!" Tinignan niya ako ng masama pero hindi ko yun pinansin. I gave him a knowing smile. Unti-unting nakukuha niya ang kinaiinis ko.

"Nakaistorbo ba kami sa munting holding hands while walking moment niyo? Sorry po~ haha!" Ginaya niya pa yung ginawa ni kathryn bernardo dun sa palabas nila ni daniel padilla, yung got to believe ata yun? I'm not sure and I'm not a kathniel fan. Nalaman ko lang yun sa mga tsismosa kong kaklase.

I gave him my most dagger smile. "Tumahimik ka o papasak ko sayo itong rubiks cube ni ate Rye."

Tinakpan niya naman ang bibig niya pero tumatawa pa rin siya. Tss. Bahala ka, sana mabilaukan ka!

Maya-maya tumikhim siya at tinignan ako ng seryoso. "So seryoso ka na sa kanya?"

Seryoso? More like, kinikilala ko siya. Hindi na ako magpapauto sa mga babaeng ang alam lang gawin ay manloko ng mga lalaki. Hindi nila alam kung bakit nagloloko ang mga lalaki, eh dahil din naman sa kanila kung bakit kami nagche-cheat. Hindi kami magloloko kung hindi rin sila.

Pero nararamdaman ko pag hawak ko ang kamay ng isang yun, nawawala yung doubt feeling at napapalitan yun ng magaan na pakiramdam. Yung parang at east ako lagi whenever I touch and hold her. And my heart starts to beat fast whenever I see her. Pero ayokong pangalanan ang nararamdaman ko. Not yet. Its too early.

"Hoy. Ano na? Seryoso na ba?"

I look at him, grinning. "Secret."

Hinampas niya ako ng unan na naabot niya. "Hayoop! Ang bakla mo!" Tinakpan ko ng unan na hinampas niya sa akin yung bibig niya kasi ang ingay niya.

Napalingon kami pareho sa pintong bumukas, si Ate Rye yung pumasok. May kasama siyang lalaki na matangkad, moreno at naka uniform ito ng pang teacher. May hawak pa siyang mga libro.

"Rodney, thomas, umayos kayong dalawa jan. Mr. Cervantes, please have a sit." -ate Rye

Ate Rye is my older sister, siya rin ang nagpapatakbo ng PMA for two years. Bukod sa pagiging principal ng school ay katulong rin siya nila mama at papa sa pag asikaso ng business namin kaya busyng-busy siya. Halos di na nga siya umuuwi sa bahay kaya mag-isa lagi ako. Ako lang kasi sa pamilya ang walang ginagawa. Kumbaga aral, uwi lang ang inaatupag ko.

Close naman kami ni ate, pero hindi ganung ka-close. She's an overprotective and loving sister, kaso nung naging busy na siya ay hindi na kami nagkaka-bonding ng madalas.

Umupo na yung lalaki at tinignan niya pa kami ni thomas bago binalik ang tingin niya kay ate Rye. "It's okay. Don't mind them. So tell me, bakit ka magle-leave for a month?"

"Alam mo naman na i'm engage, right?" Tumango naman si ate. Kaya nagpatuloy yung lalaki. "Ikakasal na kami ni Eli next week kaya naman humihingi ako ng one month leave. Ngayon ko na kukunin yung mga leave na yun."

"Oh, congratulations, then. Best wishes. Sige pagbibigyan kita. Pero inayos mo ba muna ang mga maiiwan mong klase? Ang advisory class mo?"

Tumango yung lalaki. "Yes, I already gave to Mr. Arellano at Ms. Kata yung mga hina-handle kong students. They willingly accepted it."

"Well, then. Pwede ka na mag pass ng letter mo na magli-leave ka. I will be here early in the morning lang, so better make one and submit it to me first thing in the morning. Do you understand, mr. Cervantes?"

"Yes, I understand. Thank you ma'am." Nginitian lang siya ni ate pagkatapos ay umalis na rin ito.

Biglang nawala ang pagkaka-straight at mukhang profession na dating ni ate Rye at napahawak siya sa sentido niya and gently massages it. She looks really tired.

"Oh kayo, tapos na ba yung ginagawa niyo sa loob ng mini library ko?" She said.

"Hindi pa, pero patapos na rin. Salamat talaga ate at pinayagan mo kami." I said.

Napasimangot si ate sa akin. "Hindi mo dapat ipagpasalamat yun. By the way.. whose the one? Whose your girlfriend between those two? is it Mami?"

Ako naman ang napasimangot at napangiwi. Hindi ko lang ma-imagine na girlfriend ko ang talakerang babae na yun. Kung anong kinaliit sa height, siya namang kinalakas ng boses at kinadaldal niya. Don't get me wrong, pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Me and her? It will never happen.

Oo nga pala, nag-aalburoto na yung katabi ko dito. "Hindi ate Rye! Ako lang ang magmamahal kay Nanang ko! Akin siya!"

"Oh edi sayo na! Jusko, nagtatapat ka ng ganyan sa akin, tapos sa kanya tuloy di mo masabi yan. Sana maunahan ka ng iba jan! Hahaha" ang ate ko talaga. Lagi nang inasar itong isa at ito naman asar talo.

Tumikhim bigla si Ate. "So, yung isa pala? Infairness, maganda siya kaso, baby boy, parang........ hindi siya yung tipo na.... magkakagusto sa iyo.. if you know what I mean.." Napakunot-noo naman ako.

"What do you mean?"

"What I mean is... parang hindi siya interesado sa'yo at nakikita ko sa kanya na hindi mo siya agad mate-tame. I think it'll be the other way around. Yan ang opinion ko. But anyway, I like her." She said.

Tawa naman sila ng tawa habang ako ay asar na asar dito kaya iniwan ko sila at pumasok ako sa loob ng mini library ni ate at nagtaka ako kasi naglalakihan ang mata ng dalawa tapos sabay pa silang ng nagsabi ng... "THAT'S IT!"

Anong "that's it!" Naman kaya yun?

Ayaw pa kasing sabihin eh!

****

Nagkalkal kami ng mga archives noong taon na nagturo dito si ma'am Elissa at hindi naman kami natagalan dahil nahanap namin agad ang name niya na may picture. She looks good and smiling big, as if she's really happy at that time. Siguro dahil graduation picture ito dahil naka-toga pa. May salamin siya at naka-braces.

"Maganda talaga si Ma'am noon pa.. kahit na naka salamin siya at lahat. Pero hindi ko pa ata nakitang ganito ang ngiti niya sa buong taon na nakikita ko siya at naging teacher.. But she has a gentle personality. Yung tipong wala sa hitsura niya yung gagawa ng masama against sa iba.." Nasabi ni Mami habang katabi ko siya at tinitignan namin ang picture niya.

"Siyempre naman! Mabait kaya 'yang Best friend ko!"

O__O

"Were you there the whole time?" Gulat na gulat talaga ako, swear! Sa likod ko pa siya nagsalita.

"Uy, Ma'am Abbigail!" Tawag sa kanya ni Leira. Inirapan lang naman ni Abbigail ito at nakitingin sa tinitignan namin.

Nag-flip ako sa next page, hoping na may makikita pa akong other information pero mga ibang teacher na yung nakita namin. I was about to flip to the next page pero...

"STOP THERE!!" Sigaw bigla ni Abbigail.

"Kayla, lipat mo na.. Baka makahanap pa tayo ng ibang info.." Sabi naman ni Mami. Pero hindi ko siya sinunod at tinignan ko si Abbigail na parang malungkot tapos unti-unting nanlalaki ang mga mata niya. Later on, she burst into tears. Tangka sana siyang hahawakan ni Leira pero umiling ako.

"Uy kayla! Kayla?" I look at her. "Umiiyak siya." Yun lang ang sinabi ko at nanahimik na naman siya.

Tinignan ko ulit si Abbigail at umiiyak pa rin siya habang parang may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil nakatakip ang bibig niya ng kamay niya. Ang malinaw ko lang narinig ay ang mga salitang 'sorry' , 'Eli, sorry' , at ang nakapagpalito sa akin ay nung sabihin niyang 'I misunderstood everything..' Anong ibig sabihin noon?

Hinintay lang namin siya na kumalma hanggang sa medyo humihina na ang paghikbi niya at ipinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya. She look straight to me. "Alam ko na kung bakit.... hindi ako natatahimik... alam ko na..."

"Ano yun?" I asked. Aware ako sa matang nakatingin sa akin... Sino pa bang kasama ko?

"Bago ako namatay... naaalala ko na nanggaling ako sa bahay ni... ni Eli. Aayain ko sana siyang mag shopping kami for the last time, before ng graduation namin. Kasi alam kong after we graduate ay mawawalan na kami ng time para gawin yun gawa ng magiging busy na kami... pumunta ako sa bahay nila, pero imbes na siya iso-surprise ko.... ako ang na-surprise sa nakita ko... m-may boyfriend kasi ako that time, na kaibigan din namin before... si Lenard.. N-nakita ko ang best friend ko na nakikipag-halikan s-sa.... sa boyfriend ko.. Hindi ako nakapagtimpi at sinugod ko agad sila.. sinabunutan ko ang best friend ko at pati ang boyfriend ko.. sinampal ko sila parehas at tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na alam ang tinatakbuhan ko. Hanggang sa natauhan ako at hindi ko na alam kung nasan akong lugar... Then, 4 men approached me, mga amoy alak sila at nakangiti sila sa akin na hindi ko gusto... tapos dun na nga nagsimula... na-rape ako at pinatay..."

I show her the picture of the guy na nasa page na ni-flip ko kanina. "Is he... the guy?" Tumango siya.

"Then why did you say na na-misunderstood mo ang best friend?"

"Nung namatay ako.. dahil sa galit pa rin ako ay sinusundan ko lagi si Eli.. nalaman ko ang totoong nangyari. Hindi ako ang mahal ni Lenard kundi si Eli... pero ayaw ni Eli dahil inaalala niya ako at narinig ko... narinig kong sinabi niyang mahal na mahal niya ako... mahal ako ni Eli... sobrang pagsisisi ko nun nung nalaman ko... gustung-gusto kong hawakan siya, yakapin siya every time she cries, kaso too late.. Hindi ko alam kung bakit ko ito nakalimutan." She said.

"Anong sinabi niya, kay? Kwento mo naman!" Pangungulit naman ni Mami kaya I told her everything na sinabi ni Abbigail at naiyak rin siya sa kwento. Even Leira. Bakit ako lang ata ang hindi affected dito? Wala ba talaga akong pakiramdam?

Suddenly, an idea struck me.

"THAT'S IT!!"

"THAT'S IT!!"

Napatingin ako kay Mami at siya rin ganun. Mukhang iisa pa ata kami ng iniisip. We both smiled to each other at dun ko lang naramdaman na may pair ng eye pa ang nakamasid sa amin. And I know who that is.. hindi naman ako nagkamali ng tingin sa kanya. Naka-kunot pa siya. "Anong 'that's it' pinagsasabi niyo jan?"

"Wala ka na dun! Oo nga pala, alis na tayo. Tapos na kami dito." Tapos tumayo na kami pareho. Naunang naglakad si Mami kaya naiwan pa ako sa loob kasama ang nakatingin sa akin ngayon na si Rodney. Parang balak niya nga akong titigan hanggang sa matunaw ako eh. Alam kong may tanong siya sa akin at hindi ako magtataka kung ang itatanong niya ay tungkol sa pakay niya. Alam ko ang pakay niya kung bakit niya ako biglang kinaibigan at naging nice siya sa akin.

Thanks to Leira.

"What?"

"W-wala.." Tumalikod siya at aalis na sana kaso hinawakan ko ang braso niya. "Sandali lang." He look at me.

"Ano yun?"

"May gusto kang malaman sa akin. Sasagutin ko ang tanong mo..."

Mukhang naguluhan pa siya sa sinasabi ko. Pero eventually, little by little, nag-iiba ang expression niya. From being confused to being shocked. He look at me knowingly.

"May alam ka.. Do you?" He asked. I nodded.

He sighed. Then he look at me again. This time, sa mata ko talaga siya nakatitig. Medyo nakakailang pero sinalubong ko pa rin iyon.

"You cheated."

"No, I am not." Ako? Cheater? Ano bang gusto niyang palabasin?

"No, you are.. You're ability make you one. May kaibigan kang ghost at sinabi niya sayo.. right? Tama ako di ba?" He insists.

Kung ibang tao lang ako at sinabi niya yan sa akin iisipin kong nababaliw na siya. But I find him cute when he says 'ghost'. Parang pambata.

"So? Hindi ako cheater. At kung hindi ko malalaman yun, hindi pa rin matatapos ang pagiging nice mo sa akin, di ba? Nagtitiis ka lang na maging mabait at sweet sa akin when in fact galit na galit ka sa akin, di ba? Now jerk, tapos na ang pagpapanggap mo. Magalit ka sa akin all you want, I don't care."

Yung mga binitawan kong salita, parang nasaktan ako at parang gusto kong umiyak pero binalewala ko nalang yun at maglalakad na sana ako palayo sa kanya pero...

O___O .....

He hugged me from behind.

"Panano kung.... ayaw ko? Ayoko nang tumigil maging mabait sa iyo? Anong magagawa mo...? My little ghost detective?"

I smiled. And I don't fucking know why.

Continue Reading

You'll Also Like

23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
64.2K 5.4K 98
[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great p...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...