Not That Intricate Love Affai...

נכתב על ידי JulNielMontadilla

35.7K 1.3K 319

Julia Montes was just once a simple working student, doing everything to provide the needs of her family. Da... עוד

Not That Intricate Love Affair
Chapter 1: First Meeting
Chapter 2: Weird Man!
Chapter 3: Who.... to choose?
Chapter 4 : Is He Confessing?
Chapter 5: Not Lovers' Quarrel
Chapter 6: First Real LQ and Date
Chapter 7: He Tries So Hard
Chapter 8: Julia's First Love (Short Update)
Chapter 9: Feels Like A Girlfriend
Chapter 10 : Our Daily Routine
Chapter 11: Month-Oops.Kiko's Birthday
Chapter 12: Confused Heart
Chapter 13: My New Housemate
Chapter 14: Words of Wisdom
Chapter 15: All Lovey-Dovey & Never-Ending Jealousy
Chapter 16: Night of Truth & Tears
Chapter 17: The House
Chapter 18: Cuddling & Attacks
Chapter 19: Not the first love
Chapter 21: Hidden Story (DANIEL'S POV)
Chapter 22: Early Wedding Surprise
Chapter 23: List of Love; List of Responsibility
Chapter 24: Engagement Party
Chapter 25: Off the Road
Chapter 26: Believe me, I know you
Not That Intricate Love Affair: End of Part 1
Chapter
2x01: Present Situations
2x02: Memory Bank
2x03: Welcome Back
2x04: She's His
2x05: First Meeting
2x06: Birthday Together
2x07: Workmates
2x08: Workweek
2x09: Secret
2x10: Weddings and Proposals
2x11: Confrontation
2x12: The Break-Up
2x13: What Happened in the Past
2x14: House Triangle
2x15: Stolen
2x16: Deja vu
2x17: All Out
2x18: Turning Point (Part 1)
2x18: Turning Point (Part 2)
2x19: End
Not That Inticate Love Affair: The Ending
NTILA

Chapter 20: Love Letter

726 29 9
נכתב על ידי JulNielMontadilla

"Kala mo hindi ko malalaman ha" kausap ko si Kiko thru skype. Nalaman niya na nag-apply ako for a job sa Korea. It seems like ang magaling kong kaibigan na si Shai ay nachika kay Jae na nachika niya kay Kiko.

"So ano ngayon?"
 

"Sira ulo ka alam mo ba? Eh bakit hindi ka nag-apply dito? Mas malaki kaya ang sahod. Lalo na kung sa firm namin..." klarong-klaro naman ang pag-iba ng titig niya. Kaloka...paglaruan ko nga 'to. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nagkunwaring may tinatawagan.

"Oh sino yang kausap mo?"
Tanong ni Kiko.

"Si Daniel...sasabihin kong nilalandi mo ako" pambabanta ko. 

"Tabs naman!" Sigaw niya mula Canada. Hahahahaha

"Hello? Daniel?" Pinagpatuloy ko pa.

"Oo...si Kiko kasi...-TABS!"
Hahahaha. Eh di natakot ang mokong na 'to.

Binaba ko na agad ang phone.

"Hahahaha. Hindi ako magtatrabaho sa isang working place na kasama ka no. Mapatay pa lang tayo ng boyfriend ko..." half joke, half true yun. Siyempre naman, Daniel na yan eh.

"Hoy tabs wag ka ngang assuming dyan. Naka move-on na ako sa iyo"
sabat niya.

"Haha. Alam ko no. Anyway, nagbabalak din talaga akong mag-apply in one of the firms dyan sa Canada. Isesend ko sa iyo ang resume" i am very open sa possibility magtrabaho sa Canada. Tama naman talaga ang sinabi ni Kiko, mas malaki ang sahod dun. Well, depende na yun sa kung saan ako matatanggap. 

"Basta not in your firm or company, Kiko. I tell you"
paalala ko ulit sa kanya.

"Sure sure!" Sagot naman ni Kiko. 

After nung tawagan namin ay bumaba na ako ng kwarto para mag-almusal. Sobrang free ako ngayong araw at next week pa ang balik ko ng Cavite. 

"Nak, nagkasakit daw yung Tita Theresa mo. Pupunta kami sa probinsya bukas. Sasama ka ba
?" -mama

"Ah. Hindi na siguro ma. Marami po kasi akong gagawin eh"
actually, palusot ko lang yun. Gusto ko kasing magpahinga. Lately kasi sobrang dami kong ginagawa na halos wala na akong panahon para sa sarili ko at mas lalo na kay Daniel. Dumadaan na lang siya kada gabi dito para maghapunan. Eh mas nababawasan pa ang oras kasi it's either makikipaglaro siya kay Paulo or magbobolahan sila ni mama. 

"Oh sige. Kami na lang ni Paulo. Aalis kami bukas ng maaga"

Tumango na lang ako habang kumakain.

-----------------------------
Nagmukmok lang ako buong araw dito sa kwarto ko. Kung hindi soundtripping, nagreresearch lang about some ideas sa interior at iba pa. 

Alas tres ng hapon nang bigla na lang akong nakarinig ng busina mula sa labas ng gate namin. And that sound was very familiar...from a car of someone more familiar.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Daniel na naka-casual lang. Eh? Where's the suit?

"A-anong ginagawa mo dito?"
Ang alam ko kasi mamayang gabi pa siya bibisita.

"Bibisitahin si... miss at Paulo"
ngumisi siya pagkasabi niya nun. 

"Ah ganun ba? Pwede ka nang umalis kung ganun.  Wala sila dito eh"
isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito. Kasi eh, loloko-lokohin pa ako.

"Wait! Haha. Nawala na ba sa vocabulary mo ang humor? Haha"
patawa-tawa lang siya. Inirapan ko naman at umupo ako sa may sofa habang si Daniel ay nakatayo at patingin-tingin sa may hagdanan.

"So nasaan si mama mo at si Paulo?"
Unang tanong niya.

"Binisita yung tiya kong may sakit"
tipid na sagot ko. Ewan ko ba. Wala ako sa mood makipaglambingan ngayon. Hahahaha

"Wait, ikaw? Why are you here? Wala ka bang trabaho?"

Umupo siya sa tabi ko at nilagay ang bisig niya sa may batok ko. "Nope. We have something to do today"

I looked at him and he just smirked at me. Napataas tuloy ako ng kilay. Ano na naman ang naiisip nito?

"Saang website mo na naman yan sinearch? Patingin nga?"
I always tease him with these things. Nakakatawa talaga kasi yung dati niyang self na may bond paper na tinatago-tago sa bag niya para gawin sa akin.

"Stop it, Julia" ayan. Seryoso na yung tono niya. Fine fine. Eh di tigil.

"Magbihis ka na lang"
dagdag niya pa. 

Tumayo na ako. "Hindi, okay na ako. Let's go" sabi ko naman sa inyo tinatamad talaga ako kaya hindi na ako magbibihis. Decent naman ang shorts kong 'to at tshirt.

Umiling-iling naman si Daniel.

"Hindi ka lalabas na suot yan"
nakatingin siya sa pambaba ko.

"Ugh. Dali na kasi. Aarte pa eh"
sabat ko naman. Oa kasi talaga. Ano bang gusto niya? Mag-muslim woman outfit ako? Yun bang mata lang ang nakikita. Hayy

Tumayo na siya at nakaharap sa akin. Nasa pockets ng cargo shorts niya ang mga kamay niya.

"Baka gusto mong ako pa magbihis sa iyo" ah talaga? Tine-threaten niya pa ako ngayon? Wow. Grabe. Tinablan talaga ako.

"Well, that's not a bad idea" i said in my playful tone. I smiled back to him. Medyo pa-sexy lang, once in a while. Hahaha

Bigla naman siyang lumapit at hinugot ako sa bewang. Sobrang lapit ng mga katawan namin. I can smell his scent, he was holding my waist so tightly. And all i can think of is ....his manliness.

"I'd do it if you want me to"
he said in his deep, husky voice while looking straight into my eyes. Aaah. Kailangan ko nang umalis sa posisyon ito dahil for sure, talo ako. 

Itinulak ko siya ng mahina at umayos nang pagtayo.

"Joke lang yun. Ikaw ang seryoso mo. Eto na magbibihis na"
umakyat na agad ako habang natatawa naman siya nung iniwan ko.

"You need help?" Pahabol niya pa.

"Ulol!" May pagka-manyakis din ng slight yung mokong.

"Julia!" Tawag niya.

"Ano?" Bumaba ako ulit. 

"Suotin mo nga 'to..."
ay may costume? 

May kinuha siya sa paper bag na dala niya. Nilabas niya ang isang puting t-shirt...wait. alam ko yan...the couple shirt!!!!

"Oh" abot niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya na may 'wtf' face.

"Seriously? Buhay pa 'to?" Nung kinuha namin ito mula sa shop, grabeng kaba ko talaga dahil baka ipasuot niya sa akin. Pero, days, weeks, and months after that, hindi ko na 'to napansin dahil hindi niya naman binibring-up yung topic. Shems. I never thought na maaalala niya pa na may gamit kaming ganito.

"Malamang"
nilagay niya sa palad ko ang shirt. Kumuha siya ulit ng shirt na it seems like his. Omg. Seryoso nga talaga siya.

"Pabihis" saka tumalikod para maghubad. Nuxxx. Anong naisip niya at hindi siya naghubad sa harap ko? Heol. Well anyway, wala na akong nagawa. Umakyat na ako at nagbihis.

--------------------------

Katatapos lang namin kumain. Ni hindi ko mataas ang ulo ko sa hiya dahil sa couple shirts na 'to. Kailangan matago ko 'to after nang sa ganun ay hindi niya na maisipang ipasuot ulit sa akin. 

Bigla na lang kaming tumigil sa isang bookstore.

"Anong meron dito? Bookworm ka na? Panerd-nerd, ganun?" I asked him while eating my ice cream. 

"Look around"
utos niya habang kinakain din ang ice cream niya.

"Bookworm ako dati pero hindi na ngayon kaya pwede umalis na ta-"
hindi ko napatuloy ang gusto kong sabihin. Dahil... i saw a magazine... with a very familiar face sa cover nito. A very very very familiar one. In fact...kasama ko ngayon!!!!!!!

Tiningnan ko si Daniel na ngayon ay nakangiti nang sobrang laki. Habang patuloy na nilalapa yung ice cream niya. Tiningnan ko ulit ang magazine. Shems, siya nga. At talagang ang daming babaeng nakalinya para bumili nun. 

"What the- hey, is that Daniel Ford"
natigil na naman ang pagmumura ko dahil may nakakilala na kay Daniel. 

Omg. Is my boyfriend famous now? 

"Mr. Ford!" Tawag pa ng isa at nagsimula nang kumuha ng picture.

"What the-Julia"
i am again interrupted by Daniel now.

"I think we have to go"
kumaway siya sa mga (should i call them 'fans') niya saka hinablot ang kamay ko at umalis.

"Mr. Ford!!" Sigaw pa nang mga babae habang tumatakbo na kami palabas ng mall.

------------------------
"One of the most eligible bachelors of this generation. Daniel Ford conquers the competitive world of business." Binabasa ko ang nakalagay sa cover ng magazine. Talaga naman. Meron naman pala siyang kopya, pupunta-punta pa kami doon.

"So, hindi ka na pala engineer turned COO ngayon. COO turned cover model ka na pala"
Nasa loob kami ngayon ng sasakyan. Pauwi na, actually. Nagpahatid din kami sa driver niya so nasa likod kaming pareho ngayon.

"At kailangan mo talaga akong papuntahin sa bookstore? Wow. Nagyayabang ka ba?"
For sure, gusto niyang ibandera sa akin ang mga babaeng nagkakadarapa sa kanya. Ano ba kasi itong magazine na ito. Dapat ang finofocus, yung pagiging businessman. Bakit pinagwapo nila dito si Daniel na may suit na ito at buhok at aurang ganito at okay...ang hot ng boyfriend ko.

"Eh gusto kong bumili ka ng sarili mong copy"
paliwanag niya.

I flipped through the pages. And saw the interview section. 
"One? Nakailang girlfriends ka na? Isa lang?" Lumaki ang mga mata ko. Ay gago lang.

"Ano 'to? Si Julia childhood friend Barretto lang? So ano mo ako? Heol. Grabe ka!"
Hinampas ko sa kanya ang magazine. 

"Tumigil ka nga. Julia!"
He's using his hands to shield himself. Ugh kainis.

"Ano mo ako? Sumagot ka!"
Hinahampas-hampas ko pa rin siya hanggang sa hinawakan niya ang dalawang pulso ko. 

"Ikaw lang" 

"Huh?"

"Isa lang dahil ikaw lang. I never considered Julia as a real girlfriend and neither did she. Alam naming act lang yun"

"Ah... talaga.."
homaygod lord please. Nakakahiya ako talaga kahit kailan. Napayuko ako. Palagi na lang ako ang nakaganito sa tuwing nagtatalo kami. 

He lifted my chin up. "Look, you're my first real girlfriend"

Ayan na naman ang mga mata niya.

"And definitely...my last, too"
 

E-eh? A-ano daw? Anak ng kambing ano daw? 

Ngayon naman ay mas lumapit siya sa akin. His fingers are still holding my chin and he leans for...a kiss? Parang nga. But... i moved away. At sumandal sa upuan. He looked a little unhappy about it. Sumunod din siya at umupo na nang maayos.

"He-hehe. Maka-last ka naman. Bakit? Mamamatay ka ba?" I think faked the laugh too much.

Hindi siya sumagot at seryosong nakatingin lang sa labas. So, galit siya. Okay galit siya. Hindi na ako nagsalita. So in short, dead air ang loob ng sasakyan.

After some while ay napadaan kami sa isang crowded na street? Ano bang meron dito? Na-curious naman ako. Ayy ang daming streetfoods. Tapos parang may bazaar dahil may mga damit na binebenta. 

"Manong Marlon, itigil niyo po muna!"
Tawag ko sa driver ni Daniel. Nagulat si Daniel sa biglaang request ko pero sorry siya. Eh close din kami ni manong kaya pinara niya. 

Lumabas na ako ng sasakyan at pinagbuksan si Daniel. Nakatingin siya sa akin na may nalilitong mukha.

I grabbed his hand this time.

"Wag ka nang suplado diyan. Sulitin na natin ang araw na 'to"

"Julia.. let's go-"
i kissed him on his cheek causing him to stop talking. Magrarason pa eh.

"Halika na kasi!" I smiled and pulled him out.

Pinakain ko siya ng kwek-kwek, tempura at isaw. Naku naku. Ang eligible bachelor ninyo, ang OA OA! Ang dami niyang na-formulate na rason ha. Busog daw siya, unhealthy daw, dapat hindi daw ako kumakain ng ganito kasi marumi daw. At sa bawat talak niya, walang katapusan din naman ang pagsawsaw ko at pagkain.

"Alam mo, dapat sinasanay mo ang sarili mo na kumain ng marurumi. Nang sa ganun, maging familiar ang mga antibodies mo sa mga virus at madali na lang nila malabanan kung ano mang sakit ang makuha mo in the future" naglecture na ako in my.. i think 10th stick of isaw.

"Julia..." tinuro ni Daniel ang gilid ng labi niya. Tsss. Hindi niya talaga ako matinong kakausapin. Pwede niya namang sabihin na "Julia, yung sauce". Ang suplado nga talaga!

Ah bahala ka! Kumuha ako ng isang stick at binigay sa kanya. Para siyempre patas kami. Dapat magka-sauce din siya.

Hindi niya ito tinanggap. He sighed heavily and pulled me towards him. And in just a second, his lips are on the side of my lips now. 

DANIEL!

Humiwalay din agad siya while i was left frozen. What did he just do? I then saw him use his thumb to wipe the side of his lips.

"Hmmm. Masarap pala talaga ang sauce" 

WTF! "Daniel!" Sigaw ko. Napatingin ako sa paligid at kitang-kita ko ang reaksyon ng tindera at ng mga dumaan. 

"Sabi ko nga diba may sauce. I wiped it off for you"
Aaaaaah. Aaaaah. Wala talagang patawad ang lalaking ito!

"Daniel!!" Sigaw ko ulit.

"What? You rejected me earlier.."
sabi ko na nga ba. Ibibigay ko naman sa kanya yun pero dapat mamaya pa! Ugh hindi dito!!

Lumapit siya ulit at bumulong "but babe, nakukuha ko kung anong gusto ko" saka siya naglakad paalis. argh. Dinagdagan niya pa ng 'babe' na iyan. Nakakahiya! Ngumiti-ngiti pa ang loko kaya ginamit ko na lang ang mga palad ko para takpan ang mga mukha ko at sinundan siya. 

"Hoyy!" Tawag ko sa kanya. After ng ilang minutong paglalakad kasi, may nakita ako sa gilid. 

"What now?"
Iritadong tanong niya at lumakad na sa akin.

Tinuro ko yung nasa gilid.

"Manghuhula? Naniniwala ka sa mga ganyan?” –
Daniel

“Hindi naman. Curious lang.”
hinila ko na lang siya papasok.

Ang weird naman pala talaga ng vibes sa loob. May kung ano-anong decorations, basta naka-focus ang lights sa gitna, sa may table kung saan nakaupo ang isang babaeng kulot ang buhok at may kung ano-ano ring nakalagay sa ulo niya. Jewels, etc.

“Magandang araw”
hoooo. Ang chilly nung boses ng babae.

“Julia, umalis na tayo dito”
hinahatak na ako ni Daniel palabas. Well true, ako din na ce-creepyhan na.

“Sus. Dali na” nagtapang-tapangan naman ako at umupo kami sa harap.

“Monthsary niyo next week?” tanong nung babae. Huh? Monthsary ba namin? Nagtinginan kami ni Daniel. OMG. OO NGA! Halos makalimutan na naming yun ah! AMAZING!

“Galing ah?” bulong ko kay Daniel. Hindi niya ako pinansin at humarap lang ulit sa babae.

“Tatlo” nilahad ng babae ang cards sa lamesa. Tiningan ko muna si Daniel who looked at me back with his ‘Oh-ano?-pumili-ka-daw’ face. So yun na nga, kumuha na ako ng tatlo.

Pagkabigay ko nun sa kanya ay bigla niya na lang kaming tinitigan ng malalim ni Daniel.

“Sobrang lakas…” saad niya.

“Sobrang lakas ng pagmamahalan niyo” Bigla na lang pinisil ni Daniel ang kamay ko.

Ako nama’y napangiti. Ene be.

“Pero...” she flipped the 2nd card.

“Masyado kayong attached sa career niyo” napalingon agad ako kay Daniel. Ha.

“Tama po kayo dyan. Lalo na sa iba dyan”
nag-iwas tingin si Daniel. Heol. GUILTY!

“Dun kayo magkakaproblema…yun ang kalaban niyo. At dahil dun…”
she flipped the last card now.

“May maiiwan…” mas diniinan na ni Daniel ang paghawak sa kamay ko.

“A-ano p-pong ibig sabihin n-nun?”
ano ba ito? Naging seryoso bigla.

“Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin”
That’s it. Binitawan na ni Daniel ang kamay ko at lumabas.

“A-ah. Hahaha. Ah thank you po!”
nagbayad ako at sumunod kay Daniel.

Dumiretso na ako ng sasakyan. Andun na din siya na busy sa cellphone niya.

“Hoy ano yan?” tanong ko. Agad-agad naman niyang tinago ito sa akin. Eh? Anong kaluluwa na naman ang sumanib sa lalaking ‘to at nagiging childish siya?

“Ano yan!?”
Inagaw ko ang phone niya. Hehe pa-childish din ako eh. Malay niyo tinetext niya pala si…heol. Never mind.

“It’s about work Julia. Ano ba!” mas nilayo pa niya sa akin ang phone. Work? Eh bakit ayaw na ayaw niya ipakita? Ako pa ang niloloko niya eh.

Hmmm? Ayaw talagang bumigay eh? “OMG! Ikaw ba yan sa billboard?” tumuro ako sa labas. Sumunod naman siya ng tingin.

Yun! At nanakaw ko ang cellphone mula sa kanya. “Julia!” sigaw niya sa akin.

“Julia, akin na yan!”
habang sinusubukan niyang kunin ang phone sa akin, I got the chance to see what was on screen.

“How accurate are fortune-tellings?”
Binasa ko ang nasa search box.

HAHAHAHAHAHAHA. Ito lang pala yun?

“Wh-what is this? HAHAHAHAHAHAHA”
humalakhak na ako. Mygad. Bata nga talaga ang lalaking ito.

“Give me that!”
inis niyang binawi mula sa akin ang cellphone niya. Napikon na ata siya HAHAHA. Umayos na ng upo eh at nakatingin na ulit sa labas.

“Bakit ka kasi pa-affect dun sa hula?”

“May maiiwan daw…” he said in his cold tone.

Then he turned his head and looked at me “If ever that’s true, hindi ikaw yun..”

“Daniel…” bakit seryoso ulit siya, ano ba yan?

“Dahil ako, hinding-hindi kita iiwan” and he sat straight again, now facing forward.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit niya sinasabi ang mga ganitong bagay? It hit me right in that spot where guilt resides, thinking that I have plans working overseas. Mahirap, mahirap nga siguro sa relasyon naming ang gusto kong mangyari.


Naging tahimik lang ang byahe naming hanggang nakarating kami sa bahay.

“Good Night na!”
I tried hard to bid goodbye in my bubbly voice. Siyempre, kung sasabayan ko ba ang mood niya, maba-bad-vibes lang kaming pareho.

“Hindi mo baa ko lulutuan ng hapunan” Yes! Medyo matino na ang tono ng pananalita niya. I can breathe now.

“Eh. Uhm. Sige! Pagsisilbihan kita ngayong gabi” ngumiti naman ako ng malapad.

“Pagluluto na lang kita ng Carbonara. Okay lang ba yun”
Nakaupo na siya ngayon sa may dining table.

“Mas okay yun. Mas matagal maluto”
he grinned. Oh, balik sira-ulo personality tayo. Parang yung kaninang umaga lang.

Nagsimula na akong magslice ng ingredients habang si Daniel naman ay may ginagawa sa may phone niya. I bet he’s checking his emails. Alam niyo naman, hindi niya maiwan-iwan ang trabaho niya. Habang inaayos yung pasta, bigla na lang may nagtext sa akin.

*From Kiko Estrada (I changed his name dahil ayaw ni Daniel nung tawagan. Meh)

Check your e-mail.

Well, speaking of e-mail. “Pakibantay muna ha” paalam ko kay Daniel at dumiretso na sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ay in-on ko agad ang laptop.

Nakalagay sa sinend ni Kiko ang mga requirements na kulang sa mga sinend ko. Now I have my doubts. Lalo na sa mga sinabi ni Daniel kanina. Dun sa hula. Naguguluhan na ako. I needed to chase my dream, though. And I need to talk through things with Daniel.

Bumaba na ako at kaharap pa rin ni Daniel ang cellphone niya. Itong boyfriend kong ito, hindi talaga maaasahan pagdating sa lutuan! Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto.

“Ayan! Paki-set naman ng table”
Kinuha ko na ang pan na pinaglutuan ng sauce. Paglingon ko, wala na si Daniel sa inuupuan niya. Eh? Masyado yata akong nag-concentrate sa pagluluto na hindi ko napansin na umalis siya. Ang tanong, nasa’n siya?

Napatingin ako sa hagdan. Ang lakas ng pakiramdam ko na nasa kwarto ko ang mokong na yun. So? Anong pakulo na naman ang hinahanda niya? Nagmadali akong umakyat. Pagbukas ko ng pinto... si Daniel ang nakita ko, nakaupo sa kama, nakayuko and beside him…is my laptop. P-A-T-A-Y

“Daniel…”
tawag ko.

Inangat niya ang ulo niya and looked at me with those fiery-sad eyes. Napapikit ako, naglakad papunta sa laptop at sinara ito.

“Daniel..” Hinawakan ko ang braso niya pero inalis niya ang kamay ko.

Tumayo siya at humarap sa akin.

“Ano yun Julia?”
he was gritting his teeth. He was pointing my laptop.

“Daniel, makinig ka mun- SHUT UP!”
napa-atras ako sa biglaang pagsigaw niya.

“Wag kang sumigaw…”
ginagawa ko ang lahat para kumalma. Julia, wag mong sabayan. Wag mong sabayan.

“Paanong hindi sisigaw? Ano yun?! Pupunta ka ng Canada?!”
ngayon lang ulit siya nagalit ng ganito.

“Sa huli, si Kiko pa rin, ganun ba?!”
He was walking from left to right while pointing the laptop, again.

“What?! Daniel. Trabaho ang ipupunta ko dun!”
Wala na, sumabog na rin ako. How can he drag Kiko again here?

“Trabaho?! Ano bang tawag mo sa ginagawa mo, Julia? Hindi ba trabaho ang pagdedesign mo ng mga bahay?!” His laser-like eyes beamed through mine, which seemed like somehow insulting me.

“Trabaho yun…” I lowered my voice.

“Pero, I need a real job. I have dreams, Daniel”
pagpapaliwanag ko.

“Is it about the house?!” nagulat naman ako sa sinabi niya. H-house?!

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nung gabing naglasing ka! Sinabi mong gusto mong magkaroon ng bahay tulad nung bahay ko. Sinabi mong gagawin mo ang lahat para magawa mo yun! Sinabi mong sa unang pagkakataon, nagkaroon ka ng goal sa buhay!! Yun ba, Julia?!! Yun ba?!”
I was speechless. Ngayon, bumabalik ang ala-ala ko nung gabing yun.

“Julia. Let’s go. Julia! Lasing ka na, oh!” hawak na ni Daniel ang braso ni Julia. Habang si Julia naman ay nakayuko ang ulo sa may counter top nung bartender.

“Oh! My boyfriend’s here! Hahahaha” nagsalita na si Julia at klarong-klaro ang pagkalasing sa boses niya.

“Julia. Galit ako. Halika na” Diniinan naman ni Daniel ang pagkasabi nun at kinarga na si Julia.

“Hmmm. Bye bartender! HAHAHA. Secret lang natin yun ah!” Kumaway naman si Julia sa bartender dun.

“Hoyyy gusto mo bang malaman yung sekreto namin? Hmmm?” – Nagsalita ulit si Julia. Habang ang ulo niya’y nasa dibdib ni Daniel at ang mga kamay niya’y nakapulupot sa leeg nito.

“Hmm. Ang yaman mo kasi gago!” Napahinto si Daniel sa pagsigaw ni Julia.

“Ano?”

“Inggit na inggit ako sa iyo. Paano ka nagkaroon ng ganung bahay? Paano?! Hmmm? Sa edad natin ngayon?” napansin naman ni Daniel ang mga luhang lumalabas sa mata ng nobya.

“Julia…”

“After seeing it *hik naisip ko, *hik bibili rin ako ng ganun. *hik” may halong iyak ang mga pahayag ni Julia.

“It’s my dream now hahahaha” tumawa na naman ito. “At ikaw! You’ll see me… living in a house like that hahahaha. Matagal nga lang hahahahahahahaha. Ay p*cha. Nakaka-insecure ka talaga!”

“Oops.” Nilagay ni Julia ang palad sa bibig. “Hmmmmmm haha hmmm” napatawa ulit ito.

“Julia..” tawag ulit ni Daniel sa kanya ngunit hindi na ito umimik. Nalunod na ito sa tulog.


“YUN LANG?! YUN LANG BA?!”
bumalik ako sa katinuan nang pinuno ng boses ni Daniel ang kwarto ko. Ugh I had no idea na nasabi ko pala ito kay Daniel!

“Oo yun lang. ‘Lang’ lang para iyo. Pero para sa akin, hindi ‘lang’ yun. Oo, I realized my dream now. At gagawin ko ang lahat para makuha yun, tama ka. Dahil hindi naman ako parehas mo! Wala akong subdivision kung saan makakakita na lang ako ng bakanteng lupa para pagtayuan ng bahay! Sana maintindihan mo na sa mga taong katulad ko, pinaghihirapan ang mga ganung bagay!!”

“You could’ve honestly told me because I’ll give it to you, goddamit!”
Ibi-ibibigay?! Baliw yata ‘tong kausap ko!

“Daniel…”

“So I guess, totoo nga talaga ang mga manghuhula” It boils down to that manghuhula, again? Ugh ugh ugh

“But look, Julia. It won’t happen.” Huling sabi niya saka lumabas ng kwarto.

Hindi ko inakallang makakaharap ko ang ganitong Daniel ulit. It’s the least thing that I want to happen. Ang makita siyang ganito kagalit muli. But it already happened, ang pangit nga lang, sa ganitong paraan niya malalaman. At teka, ano bang ginawa niya dito sa kwarto, in the first place? Binuksan ko ang laptop ko at there I saw it…pinalitan niya ang desktop background…to our picture…yung picture na kinuha naming kanina nung kumain kami. A selfie, in fact while we’re wearing these couple shirts.
Naptingin ako sa may lampshade at nandun ang magazine niya. May note na nakapatong sa taas.

My Julia,

Hi. Uhm you must be proud to have me as your boyfriend, right? Kita mo naman ang mga babae kanina. HAHAHAHA. Actually, hindi ko nakalimutan na monthsary natin next week. In fact, may business meeting ako niyan sa Baguio kaya… alam mo na, wala na naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit sabay palagi sa mga special days natin ang mga pinaka-importanteng meetings ko. But anyway, the reason why I took you out today was to celebrate ahead of time. I’m looking forward to eating your carbonara, babe.

Advance Happy 13th Monthsary Julia! This magazine is for keeps. My gift to you. You know how much I love you.

- Ford

Hindi ko na napigilan. Pumatak na ang mga luha ko. Ang rason kung bakit lumabas kami ngayon, para matakpan ang absence niya next week. Habang ako’y nakalimot talaga. I guess I’ll be eating alone tonight. 13 is really unlucky, after all.

----------------------------------------------------

Katatapos ko lang idesign ang tatlong kwarto sa bahay dito sa Cavite. Oo, andito ako ngayon at isang linggo na ako hindi kinakausap ni Daniel. Well, I keep reaching out pero he kept on responding coldly. Heto na na naman ang phase ng relasyon namin. Malamang nasa Baguio na siya ngayon. I greeted him earlier but I received nothing back.

From: Kiko Estrada (I checked my phone and saw this message from Kiko)

Tabs. Hindi ako makatawag. You failed. Hindi ka natanggap dun sa kompanya nila Tito Jeph ko.

Hindi ko alam kung paano magreact sa nabasa ko. Somehow, I feel like siguro nga hindi para sa akin yun. Siguro, nagconspire na ang universe para hindi ako makaalis. So expected na rin ata kung anong mangyayari dun sa sinend kong resume kay Shai. Maybe I really lack in skills. Hayyy.

The funny thing is, sa bad news na ito, feeling ko naman good news ito kay Daniel. Okay! Move on! Let’s do this. Aayusin ko na lang ang sa amin ni mr. magazine cover.

Habang naglalakad ay napadaan ako muli dun sa bahay. Perfection, really.

“Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nag-aaway ng nagmamay-ari sa iyo. Bakit ka kasi nagpakita sa akin?” para na akong baliw dito, kinakausap ang bahay.

Maya-maya’t…

Daniel Ford calling…

“Hello?” – me

“Ba’t di ka pumasok?”


“Huh?”

“Come in, my Julia” I looked at the house again. Now stepping forward to go in.


המשך קריאה

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
181K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...