Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 10

10.4K 349 12
By MCMendoza21

"Bakit mo pinaabot sa ganito?! Why, Amarie?! Are you killing yourself to save that psycho?! Coz I'm telling you right now, even if we're friends.. That is stupid. Utterly stupid."

Umagang-umaga nung marinig ko ang phone ko, ayoko pa sanang sagutin dahil inaantok pa ako at wala naman akong pasok kaya ipagpapaliban ko pa sana pero parang nananadya talagang guluhin ang beauty rest ko kaya sinagot ko ang phone ko at walang habas kong sinigawan ang tumawag. Pero biglang nanigas ang katawan ko nang sabihin ng tumawag na nasa bahay niya si Amarie at parang mawawalan na ito ng buhay sa estado niya. I immediately fixed myself and ran out as fast as I can to reach Rodney's house, na naghihintay sa akin sa labas. Ni-hindi na nga ako nagbihis ng maayos kaya naka-pajama pa ako at tsinelas ko pa sa bahay ang suot ko. Buti tulog si mama kundi lagot ako dun.

Ngumingiti lang si Amarie pag kinakausap ko pero I know better than that. I know that she's just hiding the pain and the sorrow she feel. Hindi ako palamura na tao pero katulad ng laging sinasabi ni Tatang, hayup! Hayup yung baliw na yun! Buwisit siya, mamatay na sana siya! Tapos pabugbog siya kay kuya Fonse! Tss.

"Tapos ka na manermon? Oh pagkain.. " Rodney said.

Nilagay niya yung food sa mini table beside the bed. Porridge yung nasa isang bowl tsaka may glass of water tapos yung isa naman isang plate na may fried rice, egg and bacon tsaka one glass of juice. I smiled at him pero like the usual him, hindi siya ngumiti at lumabas lang ng room.

But I'm really thankful to him. Kunwari lang naman masungit yan eh. Pa-cool kasi! Haha joke.

"Amarie... bakit hindi mo sinabi sa akin na... ganito pala ang ginagawa sayo ni Lander-baliw? At tsaka... pano mo natitiis yun when in fact you know the crime he did to kuya Fonse.."

"Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi na magalit sa kanya. Gusto kong mag-sumbong, gusto kong magsalita pero... everyday, lumalala si Lander. I thought I could be his cure since I am the reason why he did that to his cousin, pero... parang... parang natuluyan na siya.. I couldn't approach him anymore because I was afraid to be near him. Hindi rin ako makalapit sa iba, lalo na sa lalaki dahil agad siyang nagseselos at dahil dun sinasaktan niya ako.. Pero... pag naaalala kong pinsan siya ng taong mahal ko, somehow gumagaan ang loob ko at dahil nalang sa kanya kaya ko ginagawa ito. Gusto kong tulungan si Lander, kahit na malinaw na malinaw ng impossible yun mangyari.."

Medyo nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. So, the main reason is to help that psychopathic guy?! Eh halata namang wala nang lunas yun eh! Kumbaga sa may sakit, terminal case na yun!

"Amarie, hindi ka santa, okay? My god.." Napahawak ako sa sentido ko at marahang hinihilot yun. "Sa ginagawa mong yan, hindi mo man lang ba iniisip yung nararamdaman ni kuya Fonse? Na kung nahihirapan ka ay mas nahihirapan rin siya? Na hindi siya matahimik dahil inaalala ka niya at gusto ka niyang iligtas kay Lander!? Hindi mo naiisip yun no?"

"B-bakit kung magsalita ka... p-parang n-nakakausap mo si F-Fonse?.. P-parang alam mo ang nararamdaman niya..." She asked. Confusion is written all over her face.

I sighed deeply. I look at her and the first that comes to mind was to call Kayla. Alam kong siya lang ang makakatulong sa amin ngayon.

I get my phone on my pocket pero naalala kong naka-pajama pa pala ako at hindi ko pala dala ang phone ko. Hindi ko rin kabisado ang number niya. Gaaah~! What am I going to do?! Kung kailan kailangan ko siya ngayon..

Ah! I know what to do. Sana lang ay mag-work.

"Sandali lang amarie, lalabas lang ako. Magpahinga ka lang jan."

Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni Rodney pero wala siya dun kaya naisipan kong pumunta sa baba baka nanunuod siya ng TV. And I was right. "Rod.." I called his name.

Hindi lumilingon na sumagot siya. "Hmm?"

"Pahiram ng phone directory niyo? Please emergency lang.. "

Hindi naman siya nag-dalawang isip o nagtanong pa at tumayo siya tapos naglakad siya papunta sa portrait na malaki ng pamilya nila. May lamesa sa ilalim nun at andun ang Landline nila.

"Nasa ilalim yung hinahanap mo. Sino bang tatawagan mo? Si Thomas ba? Papahiram ko nalang phone ko." He said.

Umiling ako. "Bakit ko naman tatawagan ang tatang na yun? Tss. Basta makikilala mo rin mamaya kung sino. Thanks Rodney ha!" Napapailing lang siya habang umaalis.

Nagsimula na akong maghanap at nag-start ako sa letter F. "Fuentes yun kung di ako nagkakamali, di ba? Okay.... Let's see.... F......"

Ang kapal kasi ng libro no? Ganun na ba karami ang tao sa pilipinas? Take note, pilipinas palang yan, pano pa kaya pag buong mundo na edi parang encyclopedia na yung phone directory pag ganun.

Nagtuluy-tuloy lang akong maghanap at nung makita ko naman ang fuentes, susmiyo! Hundreds of fuentes are here. How can I know which is her family here? Alangan naman isa-isahin ko tawagan? Edi inabot ako ng siyam-siyam dito? Sayang ng oras lang yun.

How can I do this?

.....

....

I know what to do, and I can't believe I will do this.

"Kuya Fonse... Kung nanjan ka man, kung naririnig mo ako. Pwede mo bang puntahan si Kayla? Please kailangan natin ang tulong niya. Para kay amarie..."

Mukha akong baliw dito. Promise! Pero para kay amarie at kuya fonse. Go lang ng go! Fight lang ng fight!

****

I'm having my breakfast together with my parents. Kakauwi lang nila kagabi nung pagkarating ko sa bahay. I ran towards them and hugged them so tight. I miss them so much! Kaya ngayon ang saya-saya ko at kasabay ko sila kumain sa agahan.

But later on, they will go again.

"Anak, saan ka pala nanggaling kagabi?" Tanong ni Papa.

"Sa f-friend ko po.."

"Friend? Oh my.. may friend na ang princess natin! Mommy's so much happy right now. Pa-hug nga dalaga ko.. " lumapit ako kay mommy at niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya. They seems to be happy that I have a friend, but what if malaman nila ang totoo? Kung bakit at paano kami naging magkaibigan? Haayy.. ayoko nalang isipin.

Daddy brushes my hair. "Congrats on making friends. Minsan invite mo siya dito sa bahay so that we can meet her. Ok?" I nodded at him and smile.

"Psst. Kayla."

Hindi ko pinapansin si Leira dahil baka magtaka ang mga magulang ko at isa pa, baka nanti-trip na naman siya. Pero inulit-ulit niya akong tawagin at dahil sa naririndi ako pero may nase-sense akong urgency sa pagtawag niya kaya nagpaalam ako sa parents ko na pupunta muna ako sa room ko.

"Ano?! Nagbe-break fast kami ng magulang ko eh.." I hissed at her.

"May bisita tayo eh.. Hmm." Tinuro niya ng nguso niya yung sa bintana at medyo nanlaki pa ang mata ko ng makita ko si Fonse. The last time I saw him ay nung kahapon pa bago siya mawala sa amin. Sinabi sa akin ni Leira kagabi kung saan sila nagpunta ni Fonse. Sinundan nga nila si Lander, tama ang hinala ko.

"Bakit ka nandito?" I asked him.

"Nasa panganib ang buhay ni Amarie.. Masyado siyang sinaktan ni Lander kagabi.."

"Oo alam ko na yan dahil kinuwento na sa akin yan ni Leira, kaya nga tinatawagan ko ang phone ni Mami pero hindi naman niya sinasagot.."

"Hindi niya masasagot kasi naiwan niya sa kanila ang phone niya. She's in Rodney's house dahil... nakita ni Rodney si Amarie kagabi na nanghihina at nung mawalan ito ng malay ay dinala niya ito sa bahay niya at ipinagamot. Nandun si Mami kanina pa at gusto ka niyang papuntahin dun dahil kailangan namin ng tulong mo..."

Medyo nagulat ako pero agad na din naman akong nag-ayos pero naalala kong hindi ko alam ang bahay ng lalaking masungit na yun. Why do I need to know his house? Its not like we know each other.

"Hindi ko alam ang bahay nun."

"No problem. Ako nang bahala.. Let's go."

Agad akong bumaba at palabas na sana pero nakita ako nila mommy at papa. Nagtanong sila kung saan ako pupunta at sinabi kong kay Mami ako pupunta kaya pinayagan na agad nila ako. Pinahatid pa nila ako kay mr. Jerry kaya mas mapapabilis kami. Sinasabi ko kay mr. Jerry ang daan na sinasabi din sa akin ni Fonse hanggang makarating kami sa harap ng kulay black gate na sinabi ni Fonse na bahay ng rodney na yun.

Wala na akong sinayang na oras at nag door bell agad ako. Wala na akong pakialam kung si masungit pa ang magbukas ng gate sa akin. Pero buti nalang isang maid ang nagpapasok sa akin at sinabi niya ngang inaasahan daw ako ni Mami sa loob.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay narinig ko nang tinawag ako. Kaya napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Kayla..... I've been waiting for you!! Akala ko mababaliw na ako kasi kumausap ako ng hangin eh. Parang halik sa hangin, yung ganun? Alam ko kasama mo si Kuya Fonse kaya thanks kuya!" Mahabang litanya niya.

"You're welcome, Mami." Sagot naman ni Fonse.

"Bakit mo ako pinapunta?" I asked.

"Kasi si Amarie... gusto kong kausapin mo si Fonse para sa kanya... mahabang kwento kasi pero to make this short, alam ni Amarie all along na si Lander ang pumatay kay kuya Fonse at nakikisama siya dun sa baliw na yun para 'iligtas' kuno yun. Ah basta sumunod ka nalang sa akin!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako pataas sa hagdan, buti nalang hindi ako nadadapa sa bilis niyang umakyat.

O___O

"Bakit nandito yan?!"

Agad na napatingin ako sa lalaking masungit only to find out that he's half naked kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Mamaya nang kwento. At pwede ba, magbihis ka!" Bulyaw sa kanya ni Mami.

"Bahay ko 'to kaya kahit maghubad ako wala kayong pake! Teka nga, why is that girl here?" Tanong na naman niya. He's looking at me, nakikita ko sa peripheral vision ko.

"Hindi ko yan sasagutin. Sabi mo wala kaming pake eh! Anyway, natutulog ba si Amarie?"

"Malay ko. See for yourselves. Makababa na nga muna." Tapos dire-diretso siyang naglalakad papalapit sa akin habang nakatingin. Pero nilagpasan niya lang ako at pumunta na siya sa stairs pababa. Kami naman ay dumiretso sa kwarto na pinag-stay-an ni Amarie.

She's sleeping soundly. Pero nagulat ako sa lagay niya. She has bruises all over her body at may benda pa siya sa tuhod at sa bandang tiyan niya. The first word that registered to my mind is 'pitiful'. Pero hindi ko dapat siya kaawaan dahil yun ang alam kong makakapagpaliit sa kanya. Pero hindi ko mapigilan.. seeing those bruises.. It's too pitiful to see.

"Tama na.... Masakit na Lander, please.... "

Nananaginip pa siya at alam kong ang pananakit na naranasan niya ang napapanaginipan niya. Or should I say nightmare.

"Amarie..."

Nagmulat siya ng mata niya. "Mami... and..." Tinitigan niya ako. "I... I know you.. ikaw yung babaeng tumanggi sa PA sumali, di ba..?" Tumango lang ako.

She smiled at us, although it looks forced. I'd really want to end her misery at gusto ko nang matapos ito. "Amarie, siya si Kayla.. Ay hindi pala, KM pala. New friend ko siya."

"Nice to meet you.."

"Lets save that for later. Gusto ka nang makausap ni Fonse." Hindi na ako nagpaputol-putol pa ng sasabihin dahil yun din naman ang ipinunta ko dito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero kalaunan, biglang naging clouded ito. Akala niya siguro nagbibiro ako.

"Kung gusto akong makausap ni Fonse, sana sa akin siya magpakita.. Hindi ako matatakot sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nami-miss ko...., Na siya..." She said while sobbing.

"Amarie, mahal na mahal kita. Salamat sa pagmamahal mo sa akin kahit na hindi na tayo magkasama ngayon. Gusto ko nang matahimik pero alam kong hindi mangyayari yun hanggat hindi kita naililigtas sa impyernong kinasasadlakan mo ngayon. I wanted to save you pero sadly, wala akong magawa.. until Kayla came and she gave me a chance na pwede... pwede kitang iligtas sa pamamagitan niya at ito na nga yun... Amarie, nakiki-usap ako sayo... wag mo na akong isipin, instead, learn to value your life. Minsan lang tayo mabibigyan ng buhay... Alagaan mo ang buhay mo para sa akin... Please...."

Lahat ng sinabi ni Fonse ay sinabi ko kay Amarie at ngayon ay umiiyak na talaga siya, kahit si Mami ay umiiyak na rin habang nakahawak sa kamay ni Amarie. Kahit ako ay naluluha na rin dahil sa hirap na naririnig ko sa boses ni Fonse habang sinasabi niya ang mga bagay na yun.

I never experienced love like they do, but I know how powerful love can do to people. It can make you stronger, faithful, sometimes it can change you, whether good thing or bad thing, I don't know.

But, like what happened to Lander right now, it can make you crazy... crazy in love.

But it can be as beautiful and at the same time, as painful as this.

"Huwag kang mag-alala Fonse, hindi ka na mag-iisa... malapit na... alam kong malapit na... Malapit na ako.." It came out as a whisper. Pero narinig ko yung huli na yun.

O___O

It can't be...

"A-anong ibig mong sabihin na malapit na?" Tanong ni Fonse na tanong din ni Mami.

"Malapit na kayong magkasama, Fonse.." I heard from Leira. At alam kong katulad ko ay nanlalaki na rin ang mata ni Fonse sa sinabi ni Leira. Kaya siguro mapayat na siya at parang walang lakas. Kasi pagaling na naman ang mga sugat niya, pero nakakapagtaka na nanghihina pa siya kaya alam kong may mali.

"W-wala yun, Mami... By the way... thank you, Miss KM.."

Napapikit na lang ako at tuluyang pinatulo ang luha ko.

****

After a month....

Like the last case we solved, case close na ang kaso nila Lander, Fonse at Amarie. Alam na ng magulang ni Lander from the start palang na may problema na sa isip ang anak nila pero dahil mahal na mahal nila ang anak nila ay kinonsinte nila ang kagustuhan nito. Nalaman namin na ginigipit pala ng pamilya niya ang pamilya ni Amarie para suportahan ng mga ito ang relasyon ni Amarie sa anak nila. Kaya sila ngayon ay kinasuhan din ng mga magulang ni Fonse kahit na kamag-anak nila ang mga ito.

As for Amarie, she died two weeks after that. Malala na pala ang Leukemia niya na wala na itong lunas at naghihintay na lang talaga siya ng tamang panahon. Naging malungkot din si Mami nun pero kalaunan ay nawawala na rin naman ang kalungkutan na yun dahil pinasabi sa akin ni Amarie at Fonse ang pasasalamat nila at masaya na sila ngayon.

Now, I'm here at mystery club room. Waiting for Mami to come. She texted me that she will be here soon at infairness sa soon niya, naging 30 minutes na.

*creeekkk*

"Mami!---uh.." Akala ko si Mami na.

Umupo siya sa kabilang side at naka fold ang arms niya sa dibdib at may awkward silence sa paligid namin. He doesn't talk and so do I. What can we talk about? Eh hindi naman kami close ng isang 'to. Hindi ko rin naman makausap si Leira na nagkakalkal ng kuko niya sa paa, baka akalain baliw ako eh. I heard him sighed.

"Anong pangalan mo kasi?" He asked

"KM."

"Ah Kayla." Nag-angat ako ng tingin.

"KM. Hindi kayla."

"Eh kayla gusto kong itawag eh. May angal ka?"

Again, may dead air na naman sa paligid.. pero hindi ako umangal na Kayla ang itatawag niya sa akin ah? Bakit ganun? Parang okay lang sa akin na tawagin niya akong Kayla? Ah bahala siya.

"Ilang taon ka na?" Yung totoo? Interrogation ba ito?

"Hindi ako obligado sagutin yan."

"Obligado ka." He insist. "Ako ang batas, kaya obligado kang sagutin ang tanong ko."

"18."

"Good. May boyfriend ka?" Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Why does he have to question that? And do he think that I will answer that? Tss. Bahala talaga siya jan. Hindi ako kumibo. Mukha naman nairita siya dahil nangunot na rin siya.

"Ayoko sa lahat yung hindi ako sinasagot pag nagtatanong ako ng maayos. May boyfriend ka na? Ah sabagay, sa hitsura mong yan, I bet walang papatol sayo."

*Slap!*

"Kung inaakala mong katulad ako ng ibang babae, nagkakamali ka. Maling-mali."

Nanggigigil ako sa kanya, sa pagmumukha niya, nagtitimpi lang ako kanina, pero he's crossing the line and I just can't restrain anymore kaya sinampal ko na siya. Bastos siya manalita. Ngumisi lang siya habang hawak ang kanang pisngi niya na sinampal ko.

"Guilty. So totoo pala.. well, from now on, at this moment.....

..

..

..

Girlfriend na kita, Kayla."

O___O

Tama ba yung narinig ko? Please tell me that's a No.

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
2.2K 470 27
May hiwagang dala ang bawat dapithapon. (Completed) Language: Filipino/English Date Started: January 30, 2022 Date Ended: March 2, 2022
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...