Taming the Wild Heart (Comple...

By MsKindGirl

1.4M 40.5K 71.3K

Book 2 of Taming Love More

Taming the Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 14

29.9K 906 1.4K
By MsKindGirl

Dedicated to Syrah Almonicar

Chapter 14

"Oh gosh."

I bit my lower lip. Gumalaw lang ako ng kaunti, naramdaman ko na agad ang sakit sa ibabang parteng iyon. Na nagpapatunay na may nangyari talaga sa amin ni Josh.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Tuluyan ko na talagang ibinigay ang sarili ko sa lalaking mahal ko. Walang kahit na anong pagsisisi akong nararamdaman. Ginusto ko rin ang nangyari.

I love him so much. Handa kong ibigay ang lahat sa kaniya, kahit pa ang sarili ko... at nangyari na nga.

"S-Sorry, Lo, nadiligan na ako ng hardinero niyo." I mumbled.

Muling pumasok sa isipan ko ang bilin nito sa amin bago kami umalis. Na wala munang diligan na magaganap. Oh gosh.

Binigo ko si Lolo.

"Nasaan na ang lalaking iyon?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nanatili akong nakasandal sa headboard ng kama kasi hindi ko talaga magawang bumangon sa sakit ng ibabang parteng iyon.

Bakit naman kasi ang wild niya? Sinasabi ko na nga ba't may kalandian din na tinatago ang lalaking iyon. Huwag talagang magpapadala sa taong inosente ang mukha.

Hindi kaya iniwan na ako ritong mag-isa ng lalaking iyon? Kasi naibigay ko na ang sarili ko sa kaniya. Tangina lang.

Sana naman hindi... kasi hindi ko kakayanin.

"I'm back..."

Hindi ko napansin na bumalik na pala ang lalaking iyon. May hawak pa siyang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain. Biglang kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang bango ng adobo.

Kaya siguro hindi ko na siya natagpuan pa sa tabi ko kasi bumili siya ng makakain namin. Ang sweet naman ng baby ko.

Tanging kumot lang ang nagtatakip sa katawan ko ngayon. Namula ang mukha ko nang mapansin ang kaunting dugo sa bedsheet. Wala na talaga... naibigay ko na ang V card ko sa kaniya.

"Still sore?"

Nilapag niya muna iyong tray sa maliit ng lamesa at umupo sa gilid ng kama. Nakamasid na siya sa 'kin ngayon, nababakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Mukhang napansin niyang hindi pa ako makakilos.

"Why? Want another round?"

Naubo naman siya sa sinabi ko. Hindi ko naman napigilan na humalakhak sa naging reaction niya. Parang hindi naging wild kagabi, ah. Halos masira na nga niya ang kama.

I bit my lower lip. Bumabalik talaga sa isipan ko ang nangyari kagabi. Saka... totoo ba ang narinig ko? Na mahal niya rin ako?

O baka mali lang ang narinig ko sa pagod na nararamdaman noong oras na iyon? Siguro nga... mali lang talaga ang narinig ko.

"Say ah."

Agad ko namang binuka ang bibig ko para maisubo niya sa 'kin ang pagkain. Paanong hindi ako mas lalong mahuhulog sa kaniya? Kung ganito siya na bini-baby ako.

Hindi naman ang kamay ko ang masakit, ah. Kaya ko namang kumaing mag-isa pero heto siya ngayon, sinusubuan pa ako.

Tahimik lang ako habang ginagawa niya iyon. Hindi na maalis pa ang tingin ko sa kaniya. Sobrang kinikilig talaga ako.

Ang sarap sa feeling na nasa akin lang ang atensiyon niya ngayon.

"Josh..."

He looked at me. "Hmm..."

"Paano kung kailanganin ka ngayon ni Ciara? Pupuntahan mo ba siya at iiwan na lang ako ritong mag-isa?"

Nag-iwas siya ng tingin. Nanikip naman ang dibdib ko kasi mukhang alam ko na ang kasagutan. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong para hindi na ako masasaktan pa.

"Why did you ask?"

I bit my lower lip. "P-Please... just answer me. Kung ano man ang sagot mo... tatanggapin ko. Kung gusto mong iwan ako ritong mag-isa para kay Ciara, okay lang. Wala naman akong karapatan para pagbawalan ka kasi hindi naman talaga tayong dal—" he cut me off.

"Bakit ko naman iiwanan ditong mag-isa ang girlfriend ko?"

I smiled bitterly. "Girlfriend..." na hindi totoo.

Muli ko siyang nilingon. Nagtama ang tingin naming dalawa. Pinipigilan kong maluha. Minabuti ko na lang na manahimik.

Pinasok ko ito, ako ang humingi ng favor sa kaniya na magpanggap na kami pa rin kahit na isang linggo lang. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

"Saan mo 'ko dadalhin?"

Bigla niya na lang kasi akong binuhat, briday style. Nanatiling kumot pa rin ang nagtatakip sa katawan ko. Hindi ko talaga magawang bumangon. Ang sakit pa rin ng parteng iyon. Bakit naman kasi ang laki?

Iyan tuloy, sobrang nasasaktan ako ngayon.

"Ligo tayo?"

My lips parted. Bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Oh gosh. Another round ba?

Pero ang sakit pa rin ng ibabang parte ko... baka hindi ko kayanin. Pero kung pipilitin niya ako, puwede naman. Napailing naman ako sa naisip ko.

I am so landi!

"Wow..." Namangha na lang ako nang makita na may Jacuzzi rito sa loob ng cottage.

Improving na ang cottage na ito kasi noon naman ay wala nito. Saka hindi ko rin nagawang silipin ang C.R kaya wala akong ideya na may ganito. Kaya pala mas lalong lumaki ang tinutuluyan namin.

Inilapag niya ako sa jacuzzi na punong-puno ng mga bula. Mukhang kanina niya pang hinanda ito.

"A-Ang lamig..."

Pagkalapag niya pa lang sa 'kin sa jacuzzi ay parang gusto ko na agad umalis sa lamig ng tubig.

"Edi painitin natin." Agad niyang inalis ang suot niyang damit.

Napalunok ako habang nanatili ang tingin sa kaniya. Natatanaw ko na naman ang maganda niyang katawan. Gusto kong hawakan!

Tanging boxer shorts lang ang iniwan niya at agad na sumampa sa jacuzzi. Nasa magkabila kaming gilid. Para bang galit kami sa isa't isa.

Natatakpan ng makapal na bula ang dibdib ko. Napansin kong dumako ang tingin niya sa bandang leeg ko, ngumisi pa siya.

Malamang na punong-puno iyon ng hickeys na kagagawan niya kagabi. Sana lang ay madaling mawala. Hindi pa naman ako sanay na may nakabalot na panyo sa leeg ko.

"Come here..."

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Sit on my lap."

I bit my lower lip. "N-No way, baka landiin mo lang ako..."

I heard him chuckle. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Wow, Gennica? Bago iyon, ha? Diba't ikaw pa nga ang lumalandi sa kaniya?

Bakit parang siya naman ang nang-aakit sa 'kin ngayon? Sabi na, malandi rin talaga ang lalaking ito.

"No... sasabunan lang kita..."

Ilang beses akong napalunok. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo na sa kaniyang kandungan.

Sobrang rupok ko. Hindi man lang ako nag-pabebe ng very light.

"J-Josh..." I bit my lower lip.

Pinadaanan niya ng sabon ang balikat ko. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga sa batok ko na nagbibigay ng milyong boltahe sa katawan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makapali sa ginagawa niya. Inaakit niya ako. Damn him.

"Tamara!"

Hindi ko siya pinansin. Nanatiling hawak ko ang bagay na iyon. I moved my hand up and down with his thing.

Kung nilalandi niya ako, lalandiin ko rin siya. Hindi ako magpapatalo sa kaniya.

"Fuck..." he groaned.

Agad niyang inangkin ang mga labi ko na mabilis kong tinugunan. Ramdam ko rin ang paglalakbay ng palad niya sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Damn him. Mukhang another round.

Pagkatapos naming maligo ay nagpahinga muna kami. We did it for how many times. Napuno ng ungol namin ang C.R na iyon. Iba't ibang posisyon ang ginawa namin. Namula tuloy ang mukha ko sa nangyari.

Isa pa sa iniisip ko, hindi siya gumagamit ng protection. Baka magkaroon ng panibagong apo si Lolo?

Oh gosh. Huwag naman sana, hindi pa ako handa. Marunong na akong mag-alaga ng bata kasi ako lang naman ang kasama noon ni Ate, pero hindi pa ako handa na magkaroon ng sariling anak.

Hindi ko pa nakukuha ang diploma ko. Kailangan kong magtapos ng pag-aaral. Ilang taon na rin naman ay makakatapos na ako.

Kapag may maipagmamalaki na ako, saka niya ako anakan ng marami. Gusto ko talaga ng maraming anak. Para masaya. Ang hirap kapag dalawa lang na katulad namin ni Ate.

Na kami lang palagi ang nagdadamayan sa lahat ng problema. Mabuti na lang nasa tabi namin si Lolo na gagawin ang lahat para lang mapasaya kaming dalawang apo niya.

"Akala ko ba ligo lang? Scam ka!"

Binato ko siya ng unan. Humalakhak naman ang loko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang sinusuklayan ang mahabang kong buhok.

I think, I need a new hair cut.

Para akong bata sa mahaba kong buhok. Hindi ko napansin na lalampas na pala ito sa pang-upo ko. Tanging robe lang ang suot ko ngayon. Para tuloy kaming galing sa honeymoon.

Dumako ang tingin ko sa kaniya gamit ang malaking salamin na nasa harapan ko. Nakahiga siya ngayon sa kama. Nakahalumbaba pa siya habang nakatitig sa 'kin.

Mukhang kanina niya pa akong pinagmamasdan. Hindi ko lang agad napansin kasi abala ako sa ginagawa ko.

"Josh..."

"Hmm..."

I bit my lower lip. "Naaalala mo pa ba ang sinabi mo noon? Na ako ang babaeng pakakasalan mo? Mangyayari pa ba ang bagay na iyon?"

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Tuluyan na siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Nanikip ang dibdib ko. Nasasaktan na naman ako kahit na wala naman akong kasagutan na natanggap mula sa kaniya.

Sapat na sa 'kin ang naging reaksyon niya para malaman ang kasagutan.

"Of course, hindi na ako ang papakasalan mo. Kasi si Ciara na ang babaeng mahal mo...pero sana kung ikakasal kayong dalawa...Huwag n'yo akong kukuhaning photographer, ha? Kasi hindi ko talaga kakayanin na makitang ikinakasal ang lalaking mahal ko sa iba." Tumulo na ang mga luha ko.

Tumayo na ako para magsuot ng damit. Napansin kong nakatitig siya sa kabuuan ko. Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa banyo kasi wala na rin naman akong maitatago pa sa kaniya.

Lumabas na ako at tinanaw ang malawak na karagatan. Humampas din sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin.

I was wearing a white summer dress. Labas pa ang magkabilang balikat ko. Binalutan ko na lang ng puting panyo ang leeg ko para matakpan ang hickeys na iniwan ng lalaking iyon.

Mas lalo kasing dumami dahil sa nangyari kanina. Akala ko talaga liligo lang kaming dalawa... isa siyang dakilang scammer ng taon.

"A-Ano naman kung si Ciara na nga ang papakasalan niya? Dapat maging masaya ka na lang para sa kanilang dalawa..." I said to myself.

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Pumikit ako para damhin ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa 'kin. Dinadala na rin ang mahaba kong buhok.

"Josh..."

Bigla niya na lang akong niyakap mula sa likuran. Mapait akong napangiti. Mas lalo akong nahihirapan tuwing ganito siya.

Ang hirap pigilan na isipin na... hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako. Na ako pa rin ang babaeng nagmamay-ari sa puso niya.

"Let's get married..."

My lips parted. Agad ko siyang hinarap. "A-Ano?"

"Ngayon na..."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palayo sa lugar na iyon. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kaniya.

Saka ako raw? Magpapakasal kaming dalawa? Totoo ba ang sinabi niya?

"Wedding booth?!"

Napakamot siya sa batok. Bigla naman akong napasimangot kasi ang akala ko talaga'y totoong magpapakasal na kami. Umasa lang pala ako.

Pekeng kasal lang pala. Hindi ko alam na may wedding booth pala rito. Parang totoo kang ikakasal kasi ang style ay pang-beach wedding na pinapangarap ko na maranasan na kasama siya.

Lumapit naman siya sa mga taong namamahala ng wedding booth. Mapait naman akong napangiti habang pinagmamasdan ang lalakaran ko.

Okay lang na hindi totoo... basta ang mahalaga. Maranasan kong maikasal sa kaniya.

"Halika, Ma'am, aayusan ka po namin..."

Nagpatangay na lang ako sa babaeng lumapit sa 'kin. Pinaupo niya ako para lagyan ng makeup. Napansin kong tinititigan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang ganda mo naman po, Ma'am, bagay na bagay kayo ni Sir..."

"Bagay nga kami, hindi naman ako ang girlfriend niya..."

Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Malamang na iniisip niya na nagtataksil si Josh nang dahil sa 'kin.

"P-Paano naman po ang girlfriend ni Sir? Malamang na masasaktan iyon kasi ibang babae ang kasama ng boyfriend niya..."

I raised a brow. Bakit ba ang chismosa niya? Ang trabaho niya lang naman ay makeup-an ako. Gosh.

"Don't worry, isasauli ko rin naman agad ang boyfriend niya sa kaniya. Ako muna, nag-e-enjoy pa sa tabi ko ang lalaking mahal niya. Mas masarap kasi ako..."

Inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang belo at ako na ang naglagay sa ulo ko. Mabuti na lang white summer dress ang suot ko. Bagay ang outfit ko para sa kasal.

"Flowers po."

Inabot sa 'kin ang isang wedding bouquet. Agad ko namang dinala iyon sa ilong ko at inamoy.

"Mabuti na lang totoo ang bulaklak na ito... hindi katulad ng relasyon namin ng lalaking iyon na fake..."

Napaawang naman ang bibig ng babaeng iyon sa sinabi ko. Hindi ko na ito pinanansin pa. Tinanaw ko ang lalaking mahal ko na ngayon ay nakamasid na rin sa 'kin.

Nasa dulo na siya na mukhang hinihintay na ako. Naroon na rin ang pekeng pari para sa seremonya ng kasal.

Pumuwesto na ako sa gitna ng capet. Nagsimula na akong maglakad habang naririnig ko ang kantang Beautiful in white.

Hindi ko nagawang alisin ang titig sa kaniya na ngayon ay makikita ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Pinigilan kong mapaluha... sana totoo na lang ito, na totoong ikakasal kami ng lalaking mahal ko— na hindi isang laro lang.

Nang makarating ako sa harapan ay agad ko siyang hinarap. Mabuti na lang may belong nakatakip sa mukha ko kaya hindi niya napapansin ang pamumuo nang luha mula sa mga mata ko.

"You're the most beautiful bride I've ever seen..."

He held my hand and gently kissed it. Naiinis ako sa kaniya kasi ganito siya. Mas lalo niya akong pinapaasa sa bagay na imposibleng mangyari pa.

May-pa beautiful bride I've ever seen pa siya, na hindi naman totoo. Peke ang kasal. Para bang laro lang ito sa kaniya.

Sabagay, si Ciara ang totoong ihaharap niya sa altar, hindi ako. Wala na akong magagawa pa kundi ang maikasal sa fake wedding na ito.

Nagsimula nang umimik ang pekeng pari. Hindi naman maalis ang titig namin sa isa't isa. Hindi ko siya maintindihan.

Bakit nakikita ko sa kaniyang mga mga na mahal niya pa rin ako? Na ako pa rin ang babaeng tinitibok ng puso niya? Ano ba talaga? Aasa na naman ba ako?

O pang-kama na lang ako?

I sighed. Malapit na rin matapos ang pagpapanggap naming dalawa. Siguradong sobrang saya niya kasi sa wakas, mawawala na rin ako sa landas niya.

Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Wala na akong magagawa pa kahit na ang totoo'y gusto ko pa rin talagang manatili sa tabi niya at bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kaniya.

Pero hindi na talaga puwede...

"Josh, do you take Tamara to be your wife?"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko napigilan na mapaluha kahit na peke lang naman ang kasal na ito.

Iispin ko na lang na totoo. Wala namang masama, 'di ba? Gusto ko lang maging masaya... kahit pa peke.

"Opo, father..."

He smiled at me. Damn him. Mas lalo niya akong sinasaktan.

"Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?"

"I do..."

Sinuotan niya ako ng singsing. Wala akong ideya kung totoo ba iyon. Sabagay, bakit niya naman ako bibigyan ng totoong singsing? Imposibleng mangyari iyon.

Dumako naman ang pansin sa 'kin ng lalaking nasa harapan. Hindi pa rin mawala ang titig namin sa isa't isa. Walang tigil na sa pagtulo ang mga luha ko.

Naiiyak ako kasi hindi ito totoo...

"And Tamara, do you take Josh to be your husband?"

Mabilis akong tumango. "Opo, father! Yes! Super yes!"

Narinig ko naman ang halakhakan ng mga taong nanonood na sa amin. Ngayon ko lang napansin na marami na pala ang naagaw namin ang atensyon.

"Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?

"I do..."

Sinuotan ko rin siya ng singsing na inabot pa sa 'kin ng pari. Halata talagang scripted ang kasal na ito. Oh gosh

Hindi na maalis pa ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa lalaking pinapangarap ko na makasama habambuhay na imposibleng mangyari pa.

"You may now kiss the bride..."

Itinaas na niya ang belong nagtatakip sa aking mukha. Agad niya akong hinapit papalapit sa kaniya at sinalubong ng halik.

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga tao kaya mas lalo akong naiyak.

Tangina... bakit ang sakit ng kasal na ito? Ang sakit na hindi totoo.

"T-Thank you, Josh..." Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"Para saan?"

Narito na kami ngayon sa dalampasigan habang tinatanaw ang malawak na karagatan. Hindi ko mapigilang titigan ang singsing na suot ko.

Bakit parang totoo ang singsing na ito? Parang totoong wedding ring? Napailing naman ako sa isip ko kasi imposible talagang maging totoo ito. Peke nga ang kasal namin, ano pa kaya ang singsing na ito?

Ang totoo lang ay ang nararamdaman ko para sa kaniya... na mahal ko siya.

"N-Na natupad na ang pangarap kong maikasal sa 'yo..." A tears rolled down my cheeks. "...kahit na peke lang, sobrang saya ko pa rin kasi mahal kita... Mahal na mahal kita..."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
10K 149 30
She was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipak...