Chapter 24

26.1K 808 1.6K
                                    

Warning: R-18

Chapter 24

"Anong nangyari diyan?" Nilingon ko si Josh. "Bakit plakda?"

He just shrugged his shoulders. "Pumunta lang iyan dito para mag-inom. Hindi ko naman mapigilan. Ayaw din nitong sabihin kung anong problema niya. Basta isa lang ang nasa isip ko..."

"Dahil sa kapatid ko..." ako na ang nagtuloy.

I sighed. Umupo ako sa kaharap nitong upuan. Nakasubsob na ang mukha ni Kuya Marcus sa ibabaw ng lamesa. Meron pa itong hawak na beer na wala ng laman.

Plakda na ito sa sobrang kalasingan na siguradong ang kapatid ko na naman ang dahilan.

Ang tagal ko ring nagkulong sa room ni Josh kanina. Sobrang nahihiya talaga ako kay Kuya Marcus kasi nasaksihan pa kami nito na nasa ganoong kalagayan.

At ang worst pa, wala akong suot na pang-itaas! Mabuti na lang mabilis akong nayakap ni Josh. Gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa kanina sa sobrang kahihiyan.

Sana lang ay hindi nito masabi sa kapatid ko ang nakita. Nasa legal age na naman ako, pero siguradong hahanapan ako nito ng label. Wala namang kami ni Josh.

Tapos ganoon na lang kami kung maglandian? Bakit sila noon ni Kuya Marcus? Kahit na wala pa namang sila, sobra na silang maghalikan. Kahit saan pang lugar.

Sabagay, ganoon din pala kaming dalawa ni Josh. Sobrang landi rin pala namin noon kahit na ang kapatid ko ang nililigawan niya.

Ayoko nang isipin pa iyon. Pakiramdam ko tuloy ang ahas ko kasi alam kong nililigawan ni Josh ang kapatid ko tapos nilalandi ko pa ito.

"Nasaan ang ice cream ko?" Tinaasan ko pa ng kilay si Josh.

"Tunaw na..."

I pouted. Lumapit naman siya sa 'kin at hinalikan ang aking pisngi. Pinigilan ko tuloy na mapangiti. Bakit kasi ang sweet niya?

"Gusto mo pa?" He whispered in my ear.

I bit my lower lip. Bakit parang iba ang meaning ng sinabi niya? Nilalandi niya ba ako? Kung ganoon nga, hindi ako magpapatalo sa kaniya.

"Nabitin ako kanina..." I licked my lower lip.

His eyes widened. Pinigilan ko namang mapangisi. Ang lakas ng loob niyang landiin ako tapos kapag ako na ang lumandi sa kaniya, bigla na lang siyang natitigilan?

"Kaya gusto ko pa..." I gently bit his earlobe. Napansin ko ang ilang beses niyang paglunok. "...ng ice cream..."

Napaawang na lang ang bibig niya pero ilang saglit lang ay sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Ikaw, nabitin sa ice cream kanina..." He licked his lower lip. "Ako...nabitin sa 'yo..."

Muli niyang nilapit ang kaniyang bibig sa kaliwa kong tainga. "... kaya gusto ko pa..."

Natigilan ako nang maramdaman ang paghalik niya sa aking leeg. Inaakit niya talaga ako.

Haharapin ko na sana siya pero mabilis niyang nailayo ang kaniyang mukha sa 'kin. Napanguso tuloy ako.

"Kukuha lang ako ng ice cream..." He kissed my forehead.

Habol naman ang tingin ko sa lalaking iyon. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Suot ko ngayon ang hoodie niya na nakita ko sa kaniyang cabinet.

Marami naman akong puwedeng suotin dito pero hoodie niya talaga ang gusto ko. Para tuloy yakap niya ako.

Mabilis akong umiling. Sobrang rupok ko talaga. Pero siyempre hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now