Chapter 3

28.1K 911 1.3K
                                    

Dedicated to Analiza Briñas

Chapter 3

"Sa tingin mo po, Lo, mahal niya pa ba ako?"

Sinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat. Mabilis niya namang sinarado ang magazine na binabasa niya. Inisip niya siguro'y hindi ko nakita kung anong mga laman niyon.

Puro naka-bikining mga babae. Kahit kailan talaga si Lolo, mahilig sa chix. Dalawin sana ito ni Lola mamayang gabi.

"Sino?"

I sighed. "Iyong isa mong Hardinero..."

He chuckled. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Narito kami ngayon sa garden. Naaalala ko na naman iyong araw na nahuli kami nitong naglalandian ni Josh.

Nakakamiss na landiin ang lalaking iyon na magaling magpigil huwag lang akong angkinin. Malaki ang respeto niya sa 'kin. Iniisip niya na bata pa ako para sa ganoong gawain kaya mas lalo ko siyang minahal nang dahil doon.

"Hindi naman nawala— ops!"

My lips parted. Agad ko siyang nilingon na ngayon ay nakatakip na ang bibig na para bang nakagawa ng kasalanan. Bumilis naman ang kabog ng puso ko.

Anong ibig niyang sabihin doon? Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Mayroon pa bang pag-asa para sa aming dalawa? Kasi umaasa ako na babalik pa kami sa rati.

"A-Ano, Lo? Pwede bang pakiulit nang sinabi mo?"

"Huh? Wala naman akong sinasabi, ah."

Iniwas niya ang tingin sa 'kin. Hindi pa rin nawawala ang gulat sa aking mukha. "Umamin ka ng sa 'kin, Lo, nagkaka-usap pa ba kayong dalawa?"

He shook his head. Tumaas naman ang kilay ko kasi halata naman na mayroon siyang tinatago.

"Bakit ko naman kakausapin pa ang Hardinerong nanakit sa 'yo?"

I sighed. "Lo, ako ang nanakit, hindi siya.  Ako ang nang-iwan at ang worst pa, ipinagtabuyan ko pa siya sa iba. Siguradong malaki po ang galit niya sa 'kin."

He held my hand. Muli kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. Bumalik sa isipan ko ang tarpaulin na nakita ko. Roon pa lang masasabi ko nang mayroon na talagang namamagitan sa kanilang dalawa ng babaeng iyon.

"Apo, gusto mo bang malibang?"

Kumunot ang noo ko. "Saan po?"

"Mayroon akong kilalang naghahanap ng photographer sa mga model nila sa isang clothing line. Siguradong tatanggapin ka roon sa galing mong kumuha ng litrato. Hanga kaya ako sa 'yo."

Mabilis naman akong umiling. "Sigurado ka po ba riyan? Hindi po ako matatanggap kasi hindi pa naman ako graduate, isang taon pa—"

"Anong hindi? Tanggap ka na kaya kasi napahanga mo sila sa mga litratong kinuhanan mo. Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang trabaho mo."

Bigla akong napatayo sa sinabi niya. Malapad naman ang kaniyang ngiti. Hindi ako mapaniwala sa ginawa niya. Ipinasok niya ako sa trabaho nang wala man lang akong ideya.

"Lo naman! Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin iyan? At ang worst pa, tanggap na agad ako na maging photographer nila? Ni wala man lang naganap na interview!"

Nagpapadyak pa ako sa inis. "Ano ka ba naman, hija, mas magandang doon mo na lang ibaling ang atensyon mo para naman kahit papaano'y mabawasan ang sakit sa puso mo."

Napaupo na lang ako sa damuhan at ngumuso. Humalakhak naman si Lolo. Pero bigla kong naisip, tama siya. Mas malilibang nga ako sa trabahong iyon.

Para naman kahit papaano mawala sa isipan ko ang lalaking iyon. Huwag lang sana magtagpo ang landas naming dalawa.

Taming the Wild Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon