Chapter 18

27.7K 810 1.6K
                                    

Dedicated to Ysabele Guerra

Chapter 18

"Apo, kanina pang naghihintay—" I cut him off.

"Ayoko po, Lo... Please lang, paalisin niyo ang lalaking iyon. Wala akong oras para sa kaniya. Wala siyang mapapala sa 'kin..."

Nagtalukbong ako ng kumot. Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya. Kagigising ko lang pero pakiramdam ko'y inaantok na naman ako. Magdamag na akong tulog tapos mabilis din akong mawala sa mood.

Ewan ko ba, abnormal na yata ako? Hindi naman ako ganito noon. Mukhang kailangan ko nang magpatingin sa Doctor. Paano kung may sakit pala ako? Na hindi ko lang alam? Huwag naman sana.

Halos araw-araw na akong pinupupuntahan ng lalaking iyon dito na mukhang umaasa na kakausapin ko siya.

Hindi ko siya magawang harapin. Ayoko. Pilit ko na nga siyang kinakalimutan tapos ngayon, siya naman ang nangungulit sa 'kin. Gago ba siya?

Sabagay, totoo nga ang kasabihan ng karamihan. Na saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag tuluyan na itong nawala sa buhay mo.

Aaminin ko, mahirap. Sobrang hirap na kalimutan siya. Sinubukan ko naman na alisin siya sa utak ko, pero hindi ko talaga magawa. Palagi ko na lang siyang naiisip.

Lalo na ang masayang alaala naming dalawa nang magkasama. Ayaw ko na maging dahilan pa iyon para muli akong bumigay sa kaniya.

"Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo, apo? Alam kong mahal mo pa ri—" muli akong sumingit.

"Y-Yes, Lo, I still love him. Pero ayoko na po talaga... gusto ko na siyang alisin sa landas ko. Ang sakit sakit niya pong mahalin..."

Hindi ko na napigilang maluha. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pa pero ano itong ginagawa ko ngayon? Sayang lang ang luha ko kasi iniiyakan ko ang isang walang kwentang tao.

"Halika nga rito maganda kong apo... Yayakapin ka ni Lolo..."

Idinipa ni Lolo ang dalawa niyang braso. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Agad akong lumapit sa kaniya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib at doon umiyak. Marahan niya namang hinaplos ang aking buhok.

"Ako lang yata ang tanging tao na nagmamahal sa inyo na hindi kayo magagawang saktan..." He gently kissed my forehead.

"Anong hindi po? Masasaktan kami sa oras na mawala ka sa piling namin... Hindi po namin kakayanin sa oras na mangyari iyon. Ikaw na po ang naging sandalan naming magkapatid, kaya paano na po kaming dalawa kapag tuluyan mo na rin kaming iniwan?"

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko dapat iniisip iyon pero hindi ko pa rin maiwasan lalo na't matanda na siya. Paano kung isang araw ay hindi na siya magising pa?

Bawat araw ay natatakot ako na baka hindi na niya magawang imulat ang kaniyang mga mata. Na mawala na siya sa piling namin.

"Anong mawawala?" He chuckled. "Hindi ako mawawala sa tabi niyo, kasi kahit na wala na ako sa mundong ito. Gagabayan ko pa rin kayong mga apo ko..."

Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Hindi naman mawala ang takot na nararamdaman ko sa oras na 'to kasi pakiramdam ko'y may tinatago talaga siya sa amin. Pero ano ang bagay na iyon?

Hindi kaya may tinatago siyang sakit? Napailing ako sa naisip ko kasi imposibleng may dinaramdam siya. Ang lakas niya pa kaya.

Saka kung meron man, alam kong sasabihin niya iyon agad sa amin.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now