Chapter 28

24.1K 734 1.7K
                                    

Dedicated to Mia Caluza

Chapter 28

"Lolo..."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. Kasalukuyan kaming nasa balcony. Napapansin ko na palagi na lang siyang tumatambay rito na para bang may malalim na iniisip.

"May problema po ba?" I asked.

Pumunta na ako sa gilid niya at tinanaw ang kalangitan. Napapikit ako nang yumakap sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin.

"Wala naman apo..." Nilingon ko siya. Kasalukuyan na nakaukit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Masaya lang ako para sa kapatid mo at sa maganda kong apo..."

Hindi ko na rin napigilan na mapangiti. Magkakasama ngayon silang pamilya. Mabuti na lang talaga na hindi na nagmatigas pa ang kapatid ko.

Masaya rin ako kasi nagkakilala na ang mag-ama. Mabuti sana kung hindi lang iyon hanggang isang linggo. Siguradong hindi na mapapantayan pa ang kasiyahan na nararamdaman ng inaanak ko kasi sa wakas, nakasama na rin niya ang Daddy niya.

"Alam mo, gustong-gusto ko si hardinerong Samaniego para sa kapatid mo. Sa loob na anim na taon na nalayo sila sa isa't isa, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito para sa apo ko. Ako palagi ang nilalapitan niya para sabihin kung gaano niya ito ka-mahal. Sobra ang pagdurusa na naramdaman ng batang iyon sa loob ng maraming taon..." Lolo sighed.

Sinandal ko naman ang ulo ko sa kaniyang braso. Pumikit ako habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin.

"Isa pa iyang si hardinerong Spencer, ako rin ang naging sandalan ng batang iyon noong nawala ka sa piling niya. Lapitin talaga ako ng mga brokenhearted, apo..." He laughed.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, totoo talaga ang naiisip ko na palaging nilalapitan ni Josh si Lolo? Pero bakit? Para alamin kung ano na ang nangyayari sa buhay ko?

Akala ko ba, galit siya sa 'kin? Pero bakit niya ginawa ang bagay na iyon?

"Palagi na lang akong iniiyakan ng dalawang iyon kaya wala akong nagawa kundi ang libangin ang mga hardinero ko..."

My eyes widened. Malapad naman ang kaniyang ngiti na para bang may ginawang kalokohan.

"D-Don't tell me?"

Nababakas pa rin sa mukha ko ang gulat. Siguradong pinahirapan niya nga talaga ang dalawang iyon.

"Edi pinanindigan nilang dalawa ang pagiging hardinero. Pinagtanim ko sila mga halaman, hindi pa ako na-kuntento kasi pinagtanim ko rin sila ng mga palay sa ilalim ng init ng araw." He laughed. "Huwag kang mag-alala apo, binigyan ko naman sila ng tig-limang sako ng bigas. Kabayaran na iyon sa ginawa nila..."

Napahampas naman ako sa noo. "Lolo naman! Ang bad mo."

Nagpapadyak pa ako. Walang tigil pa rin siya sa pag-halakhak. "Anong ako pa ang bad? Sila ang bad, dinidiligan nila kayong mga apo ko. Lalo na iyang si hardinerong Samaniego, nataniman agad ng pakwan ang kapatid mo."

I can't believe him. Alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Kawawa naman ang baby Josh ko. Siguradong pinahirapan talaga sila ni Lolo.

"Pero thankful ako kay hardinerong Samaniego, kasi dumating sa buhay natin si Kayren. Nakakalungkot lang kasi wala na si Mairah..."

Nanikip ang dibdib ko. Alam kong wala pa rin na ideya si Kuya Marcus tungkol sa kakambal ni Kayren. Siguradong masasaktan na naman ito sa oras na malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

Hindi pa rin handa ang kapatid ko na sasabihin dito ang katotohanan kasi natatakot siya na masaktan na naman ang lalaking mahal niya.

"Siyempre, thankful din ako kay hardinerong Spencer, kasi pinapasaya nito ang maganda kong apo..."

Taming the Wild Heart (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora