Chapter 2

31.7K 984 1K
                                    

Dedicated to Christine Jane Decenilla

Chapter 2

"Who's that guy po, Ninang ganda?"

She pointed my wallet. Mukhang napansin niya ang picture na nakalagay roon. Nilabas ko naman iyon at pinagmasdan.

Kinuhanan ko ito noong nasa beach kaming dalawa. Wala man lang siyang ideya sa ginawa ko kasi busy siya sa pagmasid sa magandang tanawin. Nakangiti pa siya rito.

Parang kailan lang noong nangyari ito, na masaya pa kaming dalawa pero mukhang hindi ko na mababalikan pa ang nakaraan. Alam kong masaya na siya sa piling nang iba.

Kasalanan ko rin naman. Nasa bisig ko na siya, pinakawalan ko pa. Iyon na yata ang pinaka-tangang ginawa ko sa buong buhay ko.

Mas inisip ko pa ang iba kaysa sa sarili ko.

"Wala ito, lucky charm ko lang sa wallet para hindi mawalan ng laman. Alam mo naman si Ninang, mahilig mag-shopping." I chuckled.

Kumunot naman ang noo niya. Marahan ko namang hinaplos ang kaniyang buhok. "Ninong pogi mo."

"Ninong pogi ko po?"

"Yes, Ninong pogi mo iyon. Tiba-tiba ka sa kaniya kasi siguradong bibigyan ka niya ng maraming toy. Mayaman iyan."

Her eyes widened. Wala akong ideya kung matatandaan niya ba ang hitsura nito lalo na't ngayon niya lang naman nakita. Ang madalas ko pang ikwento sa kaniya'y si Rhys. Minsan katabi niya pang matulog iyong teddy bear.

Itinago ko naman ang picture sa loob ng wallet kasi sa tuwing pinagmamasdan ko iyon, mas lalo ko lang siyang namimiss. Mas lalong nadudurog pa ang puso ko.

I sighed. Ano kayang mangyayari sa oras na magtagpo ang landas naming dalawa?

Mas lalo tuloy akong kinakabahan kasi hindi imposibleng magtagpo ang landas namin ng lalaking iyon, ng lalaking sobra kong minahal pero nagawa kong iwan.

"Handa ka na ba?"

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Umupo ako sa couch habang mayroong hawak na mangkok na puno ng marshmallow. Kahit naman marami akong kainin, hindi pa rin ako tumataba.

Well, pinanganak na yata talaga akong sexy. Idagdag na lumaki na rin ang boobies ko na noon lang ay pinapangarap ko.

Masiyado yata talaga akong pinagpala. Tingnan lang natin kung hindi maglaway ang lalaking iyon sa oras na makita ako.

Humanda siya sa 'kin. I am so excited to meet his manoy. Oh gosh.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw? Handa ka na rin ba sa oras na magtagpo ang landas niyong dalawa?"

She sat beside me. Kukuha na sana siya ng marshmallow pero mabilis kong nailayo sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Kulang pa sa 'kin kaya kumuha siya ng kaniya.

"Hindi ko alam." I sighed.

Sinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. "Ako rin. Hindi ko alam. Wala naman kaming magiging lugar pa sa buhay niya... at kasalanan ko."

Narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Naninikip naman ang dibdib ko. Kahit na matagal na panahon na ang lumipas, sariwa pa rin talaga sa kaniya ang sakit.

Lalo na't iniisip niya si Kayren, ang anak nila ng ng lalaking mahal niya na nagawa niya ring ipagtabuyan sa iba.

Mas inisip niya pa ang ibang bata kaysa sa sarili nilang anak.

"Ang tanga mo naman kasi..."

Agad niya naman akong hinarap. "Kung tanga ako, ganoon ka rin. Ipinagtabuyan mo rin naman ang lalaking mahal mo para lang sa iba."

Taming the Wild Heart (Completed) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ