Chapter 7

25.5K 815 1.2K
                                    

Dedicated to Rovelyn Batistis Moneda

Chapter 7

"What's wrong?"

Umupo siya sa tabi ko't inabutan ako ng bottled water. Inis kong binuksan iyon at inubos ang laman. Pansin ko naman ang pagtataka sa kaniyang mukha.

Dumighay pa ako sa rami kong nainom. Sana lang ay hindi ako mag pabalik-balik mamaya sa C.R. Mukhang mamaya pa matatapos ang pictorial kasi hindi pa dumarating ang ibang modelo.

"Nakakainis. Inaasahan ko pa naman na makikita ko siya rito pero umasa lang pala ako sa wala."

Halos masira ko na iyong bote sa inis na nararamdaman. Sobrang excited ko pa naman kanina na pumunta rito sa studio kasi umaasa akong makikita ko ang lalaking iyon.

Tapos malalaman ko na hindi ito makakarating kasi busy sa meeting. As if iyon nga ang dahilan, alam kong iniiwasan niya lang ako.

Hindi pa rin yata ito maka-move on sa sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako, ah, pero puwede ko namang totohanin kung gusto niya. Pebebe lang siya.

"Kung ako sa 'yo, hindi na ako maghahabol pa lalo na kung meron na itong mahal na iba. Ako rin ang matatalo sa sinimulan kong laban."

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinasadahan niya ng mga daliri niya ang kaniyang buhok kaya nagulo ito. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may tattoo siya sa gilid ng kaniyang leeg.

Snake? Seriously? Adik ba siya?

"Bakit ganiyan ang tattoo mo? Ang baduy!"

Napailing siya sa sinabi ko, nakangisi pa. "Bakit? Gusto mo bang paalisin ko?"

Umiling ako. "Hindi naman, ang baduy lang ng design. Kung hindi ka lang guwapo, siguradong aakalain nilang isa kang adik."

He chuckled. "Actually, gusto ko na talaga itong paalisin. Hindi ko alam kung bakit ito ba ang napili kong design. Ano sa tingin mo ang magandang ipalit dito?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Muli kong pinagmasdan ang gilid ng kaniyang leeg. Ngayon ko lang talaga napansin ang bagay na iyon.

"Wala akong maisip."

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya. Sinilip ko ang phone ko at malakas akong napabuntonghininga kasi wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa lalaking iyon. Siguradong tadtad na siya ng messages ko.

Baka nga hindi niya pa binabasa, e. Mukhang wala na talaga itong pakialam sa 'kin.

"Pangalan mo na lang kaya ang ipalit ko rito?"

Nilingon ko siya, kunot ang noo. "Huh?"

"Wala." Nag-iwas siya ng tingin.

Napailing ako. "Ang weird mo."

"Really?"

"Oo. Humanap ka na kasi ng jowang seseryosohin mo para naman hindi ka nagkaka-ganiyan"

He chuckled. "Wala pa akong makilalang seseryosohin ko."

"Anong wala? Ang dami kayang babae riyan na nagkakagu—"

"Ikaw? Gusto mo ba na maging girlfriend ko?"

My lips parted. Pero ilang saglit lang ay hinampas ko ang kaniyang balikat, hindi ko na rin napigilan na humalakhak.

"Patawa ka. Alam mong si Josh ang mahal ko, kaya bakit ko naman gugustuhin na maging girlfriend mo? Ang daming babae riyan, huwag ako ang landiin mo."

Tumayo na ako't iniwan siya roon. Bigla akong nakaramdam ng ilang sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam kong nilalandi niya ako at mas mabuting tumigil na siya kasi wala siyang mapapala sa 'kin.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now