Chapter 9

25.8K 867 1.3K
                                    

Dedicated to Emillea Sarmiento

Chapter 9

"Ninang..."

She held my hand. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa taxi. Ako na naman ang sumundo sa kaniya kasi masyado nang naging busy ang babaeng iyon sa pagpapatakbo ng restaurant.

Mabuti na lang umuwi na si Kuya Asher dito sa Pilipinas. Of course, sobrang saya ni Kayren kasi narito na ang kinikilala niyang ama. Hindi rin makatiis si Kuya Asher na hindi nakikita ang mag-ina.

Mahal niya talaga ang kapatid ko. Boto ako kay Kuya Marcus pero hindi na talaga sila puwede pang dalawa. Lalo na't kasal na ito sa iba at may sarili ng pamilya.

Si Kuya Asher naman, kahit na hindi niya kadugo si Kayren, itinurin na niya itong isang tunay na anak. Sana lang talaga'y magawa na itong mahalin ng babaeng iyon.

Alam kong umaasa pa rin siya na magkakabalikan silang dalawa na imposible na talagang mangyari pa.

"Ninang?" Muli niyang tawag.

"Yes, baby?"

She pouted. "Sad ka po ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya, pero pinilit ko pa rin na ngumiti. Siguradong nag-aalala na siya sa 'kin kasi sobrang tahimik ko ngayon. Nasanay siguro siya na palagi kong kinakausap.

"I am happy, baby. Bakit naman magiging sad si Ninang? Hindi bagay sa ganda kong maging malungkot..."

Yumuko siya at iginalaw ang dalawa niyang mga paa. "No, Ninang... You're not happy, kahit si Mommy... Bakit kailangan niyo po na mag lie sa 'kin na sinasabi niyo na masaya kayo kahit na hindi naman po talaga totoo? Kasi si Mommy, naririnig ko po na umiiyak siya tuwing gabi. Sino po ba ang nananakit sa kaniya? Ang bad naman po."

Napansin ko ang pamumuo nang luha sa kaniyang mga mata. Nanikip naman ang dibdib ko. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kaya palaging umiiyak ang Mommy nang dahil sa kaniyang ama?

Baka kamuhian niya lang ito.

"I am sorry, baby, pero masyado ka pang bata para malaman ang problema namin. Saka kami pa ni Mommy mo, strong kaya kami... kakayanin namin ang lahat... kahit na ang sakit sakit na..."

A tears rolled down my cheeks. Agad ko rin namang pinunasan ang mga luha ko kasi ayaw kong makita niya akong nasa ganitong kalagayan.

"I love you, Ninang ganda... Thank you po kasi palagi kang nasa tabi namin ni Mommy..." She hugged me.

Napangiti naman ako at ikinulong din siya sa aking bisig. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko nang dahil sa kaniya. Isa talaga siyang blessings sa buhay namin.

Lalo na sa kapatid ko na ito ang nagbigay kasiyahan sa buhay niya. Durog na durog ito noon at si Kayren lang ang bumuo sa kaniya. Ang anak nila ng lalaking mahal niya.

"Yehey! Pupunta tayo kay Mommy!"

Halata ang excitement sa kaniyang mukha nang makitang huminto kami sa tapat ng restaurant ng babaeng iyon. Siguradong magugulat ito sa oras na makitang kasama ko si Kayren.

"Be careful, baby, baka madapa ka..."

Napailing na lang ako kasi patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Kaunting oras lang naman silang nagkahiwalay na mag-ina pero ganito na siya ka-excited na makita ito.

Isa pa, siguradong excited din siyang makita ang Daddy Asher niya. Alam kong magkasama silang dalawa ngayon. Napapagaan na tuloy ang gawain ng babaeng iyon kasi tinulungan siya ni Kuya Asher sa restaurant.

Kulang na lang talaga sa kanilang dalawa'y commitment na hindi maibigay ng kapatid ko. Puro na siya Marcus. Nagawa niya namang ipagtabuyan sa iba.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now