Chapter 17

28.1K 851 1.8K
                                    

Dedicated to Mia Caluza

Chapter 17

"May problema ba?"

He held my hand. Nagising naman ako sa realidad. Hindi ko napansing tulala na pala ako habang nasa biyahe.

"Wala..." I shook my head. "Gutom lang 'to..." Humalakhak pa ako.

Bigla niyang tinigil ang sasakyan sa tabi. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit tayo tumigil?"

Hindi niya ako pinansin. Bumaba siya at may kinuha sa compartment. Bumalik siya na may dalang paper bag. Nanatili pa rin ang pagtataka sa mukha ko.

May shoot siya ngayon sa ibang clothing line. Gusto kong libangin ang sarili ko kaya sumama ako sa kaniya. Habang may family date naman ang mag-fiance. Kasama rin nila si Kayren.

Si Lolo lang ang naiwan sa hacienda. Siguradong nagbabasa na naman iyon ng magazine. Paborito talaga nitong pagmasdan ang mga naka-bikining babae roon.

Dalawin sana siya ni Lola mamayang gabi.

"Kumain ka muna..."

Inilabas niya roon ang isang lunchbox. Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang bagay na iyon kasi isang tao lang ang naiisip ko.

Si Rhys, ang kaibigan ko na palagi akong dinadalhan ng pagkain kasi alam niyang mabilis akong magutom. Na kahit malayo ang school nila sa Cross Sign, pinupuntahan niya pa rin ako para lang siguraduhing kumakain ako.

Grabeng pag-aalaga ang ginawa niya sa 'kin noon. Sobrang special ko sa buhay niya habang ako... nagawa ko lang siyang saktan.

Wala akong kwentang tao.

"Bakit? Hindi ka ba kumain ng calde—" I cut him off.

"May naalala lang ako rito sa lunchbox..." I smiled bitterly.

Sinimulan ko nang kainin ang niluto niya pero agad din akong napahinto sa pagsubo kasi hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang kumain sa lunchbox ng ibang tao.

Gusto ko kay Rhys lang na lunchbox... Sa kaniya lang.

"S-Sorry, pero hindi ko makakain iyan..."

Hindi ko na napigilang maluha. Alam kong naguguluhan na siya kung bakit bigla na lang akong nag-drama ng ganito.

Ayos naman ako kanina, nagbibiruan pa kami pero hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko. Lalo na sa tuwing naaalala ko ang kaibigan ko.

"A-Alam kong nag-effort ka para lang lutuin iyan, at sobrang na-appreciate ko ang ginawa mo pero sana lang... huwag mo nang gagawin ulit iyan. Huwag mo na akong dadalhan pa ng lunchbox kasi naaalala ko ang kaibigan ko na palagi akong dinadalhan ng pagkain... at nasasaktan ako kasi imposible nang mangyari ulit ang bagay na iyon... "

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Para siyang napako mula sa kinauupuan niya kasi hindi niya alam kung anong gagawin.

Hindi ko na talaga napigilan na mag-breakdown kasi hindi ko pa rin matanggap na wala na si Rhys. Ilang taon na ang lumipas, pero ang aalala naming dalawa. Sobrang sariwa pa rin sa isipan ko.

Taming the Wild Heart (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant