Chapter 37

28.1K 782 1.7K
                                    

Dedicated to Sarah Jane Garcia

Chapter 37

"Fly high, Ciara..."

Inihagis ko ang puting bulaklak sa kaniyang puntod. Sumunod naman sa 'kin si Josh na nababakas pa rin sa mukha ang lubos na kalungkutan.

Hindi niya matanggap na wala na si Ciara. Of course, sa matagal na panahon din nilang magkasama. Malamang na mamimiss niya ang presensiya nito.

Muling bumalik sa isipan ko noong nawala si Rhys. Namatay siya na puno ng hinanakit ang puso niya. Hindi niya man lang nagawang maging masaya.

Noong mga panahon na kailangan niya ako, wala ako sa tabi niya. Kasi mas inuna ko si Josh. Ito ang naging priority ko, habang ang kaibigan ko. Hinayaan kong magdusa.

Hindi ko siya sinamahan sa laban niya. Alam kong ako lang ang gusto niyang kapitan noon, pero ako mismo ang lumayo sa kaniya.

"Rhys..."

Hinaplos ko ang kaniyang lapida. Hindi ko akalain na muli ko silang makikita na magkasama ng kakambal niya. Iyon nga lang, pareho na silang nasa kabaong.

Inilibing si Ciara sa tabi ng puntod ni Rhys. Hindi ko akalain na sobrang lupit ng tadhana para sa kanilang dalawa. Puro hinanakit na lang ang kanilang naramdaman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang taong naging dahilan kung bakit nagdusa silang dalawa. Pero hindi kami titigil, hindi kami mawawalan ng pag-asa.

Kailangang pag-bayaran ng hayop na iyon ang ginawa sa magkapatid. Sa pananakit kay Rhys, at sa pambababoy kay Ciara. Sana lang ay ma-konsensiya na ito at siya na mismo ang kusang sumuko sa mga pulis.

Ciara poisoned herself.

Nakita na lang daw ito na bumubula na ang bibig sa harapan ng puntod ni Rhys. Wala na rin itong buhay pa.

Hindi ko akalain na magagawa niya muli iyon sa sarili niya kung nandito naman kami. Tutulungan namin siya muling bumangon, pero mukhang hindi na talaga niya kaya pa.

At ang pagpapakamatay na lang ang nasa isip niya para matapos na ang lahat ng paghihirap niya.

"I-I am sorry..."

Dumako ang tingin namin sa isang matandang lalaki. Hinawakan ni Josh ang kamay ko at marahan na pinisil. Saglit ko siyang nilingon, pilit naman siyang ngumiti para iparating na okay lang siya. Kahit ang totoo'y hindi.

"M-Mga anak ko..."

Natigilan kaming dalawa nang marinig ang sinabi nito. Lumuhod na ito sa harapan ng puntod ng dalawa at marahang hinalikan ang mga iyon.

Hindi pa rin nawawala ang gulat sa aming mukha.

"Mga anak po?" I asked.

Nilingon ako nito. Patuloy na sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Hindi ko maintindihan pero bakit parang nakikita ko ang pagkakatulad ng mga mata nila ni Rhys?

"A-Ako ang totoong ama nila..." He sobbed. "Iniwan ako ng kanilang ina dahil mas pinili nitong sumama sa hayop na iyon. Sino ba naman ako para piliin niya? I-Isa lang naman akong driver noon at walang maipagmamalaki. N-Naduwag ako kaya hinayaan kong angkinin ng demonyong iyon ang mag-iina ko..."

Muntikan na akong matumba sa nalaman ko pero mabilis akong nahawakan ni Josh. Hindi ko na rin napigilan pa na bumuhos ang mga luha ko.

Naninikip din ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Lalo na ng maalala ko kung gaano hinangad ni Rhys na sana magawa siyang mahalin ng kaniyang ama kahit na madalas siya nitong sinasaktan.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now