Chapter 8

25.3K 867 1.4K
                                    

Dedicated to Ylo Shaira Sunga

Chapter 8

Oh, God.

Wrong move.

Hindi ko akalain na malalim pala ang pool. Ang dami ko nang nainom na tubig. Pilit akong umaahon para lang makasagap ng hangin pero hindi ko magawa.

Ano ba kasing ginagawa ko sa buhay ko? Gusto ko lang naman na landiin siya, ah. Hindi ang mamatay. Hindi niya man lang ba ako tutulungan?

Tangina. Lunod na lunod na nga ako sa pagmamahal ko para sa kaniya, pati ba naman sa tubig ay malulunod din ako?

Paano na kami ni Josh? Ikakasal pa kami, bubuo pa kami ng pamilya. Ako lang ang puwedeng maging ina ng mga anak niya.

Sa akin lang lalangoy ang sperm cell niya!

"J-Josh..."

Tuluyan na akong pumikit hanggang sa maramdaman ko na lang na pilit niya akong hinihila paangat sa tubig. Hindi na talaga ako makahinga pa sa rami kong nainom.

Paano kung may umihi rito? Oh gosh. Nakakadiri.

"T-Tamara, please, open your eyes..."

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa 'kin para bigyan ako ng hangin.

Go, bebe Josh ko, CPR mo pa 'ko. Kung gusto mo, mukbangin mo pa ako.

"B-Baby please, can you hear me? Please open your eyes..."

Naramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa pisngi ko. Hindi ko pa rin talaga magawang imulat ang mata ko.

Kulang pa ang pag-CPR niya sa 'kin. Ano na, Josh? Hindi ako mumulat dito hangga't hindi ako nagsasawa sa bawat pagdampi ng mga labi mo.

"P-Please open your eyes..."

Naramdaman kong muling lumapat ang mga labi niya sa 'kin. Hindi ko na napigilan pang ipalibot ang mga braso ko sa kaniyang batok na kaniyang ikinagulat.

"Y-You—" Mas lalo kong nilaliman ang halik.

Hinihintay ko na ipagtulakan niya ako pero hindi niya ginawa. Gumanti na rin siya sa halik na binibigay ko sa kaniya. Agad ko namang naramdaman ang palad niyang marahan na hinahaplos ang bewang ko.

"Oh, God."

Mabilis ko siyang itinulak at agad na iniluwa ang tubig na nainom ko. Panay pa ako sa pag-ubo kasi sobrang dami talagang pumasok na tubig sa bibig ko kanina.

Mabuti na lang at naging maagap siya kasi kung hindi, baka lulutang na lang ako sa ibabaw ng tubig kasi tuluyan na na akong binawian ng tubig.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat, ha? Tangina. Sobrang pinag-alala mo ako..."

Napasabunot pa siya sa sariling buhok. Napayuko naman ako. Hindi ko mapigilan na mahiya.

Ang lakas ng loob kong lumusob sa pool tapos ilulunod ko lang pala ang sarili ko. Malay ko bang malalim iyon? Saka ramdam ko rin na namanhid ang mga binti ko kaya hindi ko magawang umahon.

"I-I am sorry..." I bit my lower lip.

Hindi ko napigilan na mapaluha. Napansin ko namang natigilan siya. "H-Hindi ko naman alam na malalim pala ang pool... pilit akong lumalangoy pataas pero hindi ko magawa... ang dami kong nainom na tubig tapos... tapos..." I sobbed.

Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang aking mukha habang patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko. Hindi niya magawang makalapit sa 'kin na sa tingin ko'y hindi niya alam kung ano ba ang gagawin.

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now