Chapter 15

30.9K 959 1.5K
                                    

Warning: R-18

Chapter 15

"Ano bang gagawin ko rito? Isangla ko na lang kaya ito nang magkapera ako? Nang may pakinabang naman."

Kanina ko pang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Wala akong ideya kung totoo ba talaga ito o fake lang.

Hindi naman totoo ang kasal, ah. Kaya bakit ito magiging totoo? Saka, bakit parang mas lalo pa akong umasa sa kaniya nang dahil singsing na ito?

Hindi na nga ako mahal ni Josh. Lahat ng pinapakita niya sa 'kin ay hindi totoo. Isang pagpapanggap lang na nagawa ko na namang bigyan ng malisya.

Sinaktan ko na naman ang sarili ko.

I sighed. "Last day na lang namin ngayong araw..."

Niyakap ko ang unan. Namalayan ko na lang na tumutulo na naman ang mga luha ko. Mahal ko talaga siya, sobrang mahal na mahal pero minsan... nakakapagod na rin.

Palagi na lang ba na ako ang maghahabol? Na palagi na lang magmamakaawa?

Tangina naman. Tao rin ako. Napapagod. Nasasaktan... sumusuko.

I smiled bitterly. "Matapos lang ang araw na ito... tuluyan na rin kitang buburahin sa buhay ko..."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala kasiguraduhan kung makakaya ko ba siyang kalimutan... pero susubukan ko. Pagod na pagod na ako.

Pagod na akong umasa. Pagod na palaging magmakaawa. Pagod nang maghabol. Pagod na akong mahalin siya. Pagod na pagod na ako.

Gusto ko nang tapusin ito. Kung ang paglayo ko sa kaniya ang ikasisiya niya, ibibigay ko ang gusto niya... kahit na sa ganoong paraan lang, mapasaya ko siya.

Kahit na masasaktan pa ako.

"Lolo..."

I hugged him behind his back. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman. Sumisipol pa ito. Akala ko tuloy na umiihi siya at iyon ang ipinandidilig niya sa mga tanim niya. Baka mas lalong mamulaklak pa ang mga alaga niya.

"Anong kailangan ng maganda kong apo?"

I pouted. Nanatili pa rin akong nakayakap mula sa likuran niya. Kahit papaano'y nabawasan ang sakit sa puso ko kasi meron sa buhay ko na isang tulad niya.

Nanikip bigla ang dibdib ko nang maalala ko na naman si Rhys. Ang happy pill ko. Nangako siya na palagi siyang mananatili sa tabi ko pero anong ginawa niya? Iniwan niya ako. Kailanman ay hindi na siya babalik pa.

Scammer ka, Rhys! Nakakainis ka. Sunduin mo na ako rito! Nasasaktan lang ako.

"Grabe ka, Lo, may kailangan po agad? Hindi po ba puwedeng gusto ko lang lambingin ang mahal na mahal kong Lolo?"

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kaniya. Narinig ko naman ang mahina niyang halakhak.

"Bakit walang kasamang pogi?"

I chuckled. Ramdam ko ang pagtatampo sa boses niya. Hinarap na niya ako. Hinawakan ko naman ang magkabila niyang pisngi habang ang lapad ng ngiti ko.

"Sino ka nga po ba? Edi si Lolo Pogi!"

Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Marahan niya ring hinaplos ang aking buhok.

"Mahal na mahal ko kayong mga apo. Sobrang mahal na mahal kayo ni Lolo..."

Hindi ko na napigilang maluha sa sinabi niya habang may ngiti sa aking mga labi. Paano na kami nito sa oras na mawala siya sa piling namin? Hindi ko talaga kakayanin.

Taming the Wild Heart (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora