Chapter 21

25.1K 820 1.7K
                                    

Dedicated to Jade Heart Gutierrez

Chapter 21

"W-What?"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa katagang binitiwan niya. Tama ba ang narinig ko? Na kasal na talaga kaming dalawa?

Na hindi lang isang laro ang naganap noong nasa Beach kami? Niloloko niya ba ako?

"T-Totoo ba ang sinabi mo?"

Hindi ko na napigilang harapin siya. Dumako ang tingin ko sa kaniyang palad ko saan suot niya ang singsing na ka-pares ng sa 'kin na hindi ko na nagawang suotin pa.

"If..." He pursed his lips, "If you agree to sign this..."

Lumapit siya sa isang lamesa at merong kinuha na envelope roon. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Please..." Inabot niya sa 'kin iyong envelope. "Sign this..."

Agad ko naman binuksan iyon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang laman niyon. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang kabog ng puso ko. Siguro dahil sa kasama ko siya?

O baka sa kadahilanan na totoo ang kasal na naganap noong nasa beach kaming dalawa?

"B-Bakit ko naman pipirmahan ito?"

Nanatili ang tingin ko sa marriage contract na nasa loob ng envelope. Dumako ang pansin ko sa pirma niya. Nakalagay roon ang pangalan ko na naghihintay na lang na pirmahan ko.

"Para maging legal-" I cut him off.

"No way."

Ibinalik ko sa kaniya iyong envelope kaya napaawang ang bibig niya. "Hinding-hindi ko pipirmahan iyan."

Mabilis ko siyang tinalikuran. Hahakbang na sana ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Pilit ko namang inaalis ang mga braso niyang nakayakap sa 'kin pero hindi ko magawa.

Mariin na lang akong napapikit. Pinipigilan ko rin na bumagsak ang mga luha ko.

"P-Please give me a chance..." His voice broke. "Sorry kung ipinagtulakan kita, nagawa ko lang iyon kasi hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman ko noong iniwan mo 'ko..."

I bit my lower lip. Hindi ko na napigilan pa na bumagsak ang mga luha ko.

Mas lalo ko lang siyang sasaktan sa oras na malaman niya ang katotohanan. Alam kong kamumuhian niya ako.

Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya ang nangyari kasi hindi ko pa kayang dagdagan ang sakit sa puso ko.

"Kailanman... hindi nawala ang nararamdaman ko para sa 'yo. Ikaw pa rin ang babaeng mahal ko, Tamara... ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko..." His voice broke. "B-Balik na tayo sa rati? Pangako... gagawin ko ang lahat para lang mabura ang sakit sa puso mo nang dahil sa 'kin..."

Humigpit pa lalo ang yakap niya sa 'kin. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Alam kong naririnig niya ang bawat paghikbi na ginagawa ko.

Bakit? Bakit siya pa ang babawi? Ako ang unang nanakit sa kaniya. Ako ang nararapat na bumawi na hindi ko na magawa.

"Mahal na mahal-" I cut him off.

"A-Ayoko na, Josh... ayoko nang bumalik pa ang dating tayo..."

Ginawa ko ang lahat para lang makawala sa bisig niya, nang magtagumpay ako'y agad ko siyang hinarap.

Nanikip ang dibdib ko kasi ang lalaking mahal ko... umiiyak ngayon sa harapan ko.

"...kasi hindi ko na nakikita pa ang sarili ko sa piling mo..."

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now