The Art of Stars (Celestial S...

Oleh missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... Lebih Banyak

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

9

98 40 4
Oleh missyoogurl

"Uy! may cake." Binitiwan ni jonas ang ballpen nya tyaka sya pumunta sa cake na kakalagay lang ni claude sa lamesa.


"Hindi to para sayo!" Nilayo ni claude ang cake


"Ang damot mo talaga!" sabi nya pero binubuksan nya na yung box. 


"Huling kuha ko sa chocolate drink mo para mo kong papatayin sa tingin pero bumili ka ng cake ngayon?"


"Ang dami mo sinasabi bronze medal lang naman rank." Sagot ni Claude.


"Anong sabi mo?!"


Tumayo tuloy si vincent at sya na ang naglabas ng cake dahil nakikipagtalo na si jonas.


Tumayo rin kaming tatlo at pumunta sa lamesa. Kumuha ako ng mga platito si naomi ang kumuha ng mga utensils at kumuha naman ng juice sa ref si Anthony di halatang at home sila sa bahay no?


Nilagyan kami ni vincent isa isa sa mga platito namin at sabay kumain. May natira pa nga sa cake kaya nilagay nila ito sa ref sabi nila babalikan nila yon.


"Paano mo to nakuha?" Lumapit ako kay naomi para ipakita sa kanya ang notebook ko.


"Ganito..." nagsulat sya doon at nag explain ng maayos. Medyo nagets ko na sya kaya kinuha ko ito tyaka nag try ng ibang problem sa libro.


"Ayoko na!" Sinara ni jonas ang yung notebook sabay humiga sa sahig kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.


"Wala pang isang oras ha? Suko ka na?" Sabi ni anthony.


"Madali para sayo kase hindi ka naman talaga nagrereview kasama namin."


Ngumiti ito tyaka nag peace sign.


Totoo naman. Simula nung dumating kami at nag review nilabas lang ni anthony yung notebook nya at binuklat.


Naglalaro lang sya ng ballpen buong oras. Kahit kelan hindi ko nakikita na nag aaral si anthony tuwing may papalapit kaming exam pero lagi naman itong nakakapasa kaya inexpect ko na in born na pagiging matalino nya.


Hay buti pa sya. Sabay sabay napatingin dahil may bumukas ng pinto.


"Nandito pala kayong lahat." Pumasok si mama kasabay si papa tyaka nilapag ang kanilang gamit sa upuan.


"Good evening po tita." Nagulat ako dahil nakaupo na si jonas ng maayos sobrang bait at galang na na rin nito.


Napansin nya siguro na nandidiri yung mukha na ginagawa ko habang nakatitigi sa kanya lalo pa itong ngumiti. Ang plastic talaga nitong lalaking to!


Tumayo agad ako at nagmano sa kanila ganon rin ang ginawa nila naomi.


"Ang tagal nyong hindi napupunta dito, buti naka bisita kayo." Kalalabas lang ni papa dahil tapos na sya magpalit ng damit.


"Busy lang po sa acads, tito" Sagot ni naomi.


Kilala na sila ng mga magulang ko dahil madalas dito ang punta namin after class kilala rin naman ako ng mga magulang nila pero dahil sobrang busy ng kanilang mga magulang sa business minsan ko lang sila makita. Lumabas si mama at inaya sila na dito na maghapunan.


"Hindi na po tita, dumidilim na rin po kasi." Tumayo si vincent pagtapos nila magligpit ng kanilang mga gamit. 


"Baka hinahanap na po kami sa bahay."


"Sure kayo? Mag ingat kayo pauwi at delikado pa naman ngayon sa labas."


"Hatid ko lang po sila sa labas." Pagpresinta ko.


Nagpalit ako saglit ng damit at hinatid ko na sila sa labas. May mga sundo naman sila pero mapapanatag ako pag nakita ko na nakasakay sila ng maayos at makakauwi sila ng ligtas.


Nag paalam na kami sa isa't isa at nag goodluck na makakapasa kami sa quiz. Syempre kabado rin ako dahil math iyon.


Hindi pa naman ako ganon kagaling sa math. Kanina habang nag rereview kami na aamaze ako sa kanila dahil kaya nila intindihin yung lesson samantalang hirap na hirap pa ako sa pag intindi.


Hindi naman ako naiinggit, nakakapangliit lang minsan na sa aming lahat ako yung nahuhuli. Lahat sila nagsisismula na habang ako hindi ko matapos ang isang lesson.


Ang pinaka mahirap na kalaban sa lahat ay ang sarili dahil kahit kelan hindi mo maiisip kung kelan ka mananalo. Kinabukasan maaga akong pumasok para maka pag review sa room.


Nagsimula ang first subject namin kaya tumigil ako saglit tapos nag review ulit ng umalis na yung teacher.


"Tabi tabi tayo!" kumuha si anthony ng bangko uupo na sana sya sa tabi ko pero tinulak agad ito ni naomi.


"Kami ang magkatabi! dyan ka sa harap." kumuha ito ng bangko.


"Ang daya mo naman tatabi nga ako kay akira para kumopya eh!" Anthony pouted.


Gulat akong tumingin sa kniya. Hindi ba ako dapat magsabi nito sa kanya?


"By surname sitting arrangement. Hindi tayo magkakatabi." Biglang dumating si jonas kasama sila vincent.


Nanlumo ang dalawa sa sinabi nito kaya hindi na sil nakipagtalo. Nag usap lang kami saglit tyaka sila nag paalam na babalik na sil sa upuan nila


"Goodluck akira. Kaya natin to!" vincent formed a fist while smiling.


Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya kaya ginaya ko ang ginawa nito tyaka ngumiti. Ang saya talaga pag nandito si vincent para akong may kuya na lagi nag babantay at nag aalaga sa amin. Pumasok na teacher namin at nagsimula na magbigay ng test paper.


Tahimik ang buong room dahil nag sasagot lahat. May mga question na nahihirapan ako pero nasagutan ko naman ito tumingin ako sa paligid at mukhang tapos na si naomi at jonas, si anthony mukhang hindi pa nagsisimula sa pagsagot kase naglalaro pa ito ng ballpen.


Ilang minuto rin ay pinasa ko na yung papel. Within a day daw ay makukuha na namin yung result. Lumabas ako ng room para samahan sila Jonas at Naomi sa hallway na hinihintay kami matapos.


"Anong sagot mo sa no. 13?" sinalubong agad ako Naomi "Ayaw kasi maniwala ni jonas 4.67 daw sagot eh whole number dapat yon."


"Bawal daw naka decimal ah." Hindi maipinta mukha ni jonas sa sinabi ko. "Nakalagay yon sa instruction. Hindi mo nabasa?"


"Hala hindi ko nabasa!" HInawakan ni jonas ang kaniyang ulo.


Tumawa ng malakas si naomi kaya sinamaan kami ng tingin ng teacher. Tinakpan nya bibig nya pero mahina parin ito tumatawa.


"Ayan, hindi kase nagbabasa ng instruction." Sumimangot si jonas sa sinabi ni naomi. "Talo na naman kita!"


"Bwisit ka, babawi ulit ako!"


Sunod na lumabas si vincent kasunod si claude. Ilang minuto rin ay lumabas na si anthony. Sabay kami bumaba para bumili ng pagkain hindi na kami kakain doon sa room na lang daw.


Payag rin naman ako doon para wala masyado nakatingin sa amin lalo na kasama ko pa sila. Pagtapos ng buong klase namin ay hindi kami pinaalis ni vicent dahil ibibigay nya yung test paper namin tapos na raw chekan ni ma'am.


"Talo na naman ako." hawak ni jonas ang papel nya katabi nito si naomi na nang aasar pa rin sa kanya.


"Sabi ko naman kase sayo hindi ka mananalo sa akin"


Inabot ko yung papel ko na hawak ni vincent. 38/50 medyo natuwa ako sa score ko dahil hindi ito yung sabit lang na score. Kahit papaano ay may bunga ang pagrereview ko kahapon.


Binati rin ako ni vincent dahil lahat kami ay nakapasa. Masaya akog umuwi sa amin at hinintay sila mama.


Habang kumakain kami ay kinuwento ako ang nangyari sa araw ko nabanggit ko rin yung score ko sa kanila pero sana pala hindi ko na sinabi


"Kulang pa." nahinto ako sa pagkain at tinignan sila.


"Kaylangan mo pa mag aral ng mabuti akira hindi pwede na ayos ka na sa ganyan lang."


"Pero ma, may mas mababa pa naman sa akin at hindi naman yan bagsak-" Idedefend ko palang ang sarili ko pero hindi ko natuloy dahil nagsalita agad si mama.


"Hindi naman yon ang point dito akira, totoo may mga oras na hindi tayo nakakakuha ng mataas pero hindi ka dapat nakokontento na laging ganon."


Kumunot ang noo ko. Sino bang magiging kontento na lagi ka palpak? Ginusto ko ba yon? tyaka mababa ba talaga ang nakuha ko para tawaging palpak?


"Tignan mo sila naomi at mga kaybigan mo..."


Hindi ko na pinatapos sila sa pagsasalitang dalawa dahil padabog na akong umalis sa harap at dumiretso sa kwarto. Hindi ko na naligpit yung pinagkainan ko. Nawaln na rin ako ng gana kumain.


"Bumalik ka dito, saan mo natutunan ang ganyang ugali?!" Sumigaw si mama sa labas pero nilock ko ang pinto.


Sabi ko na eh. Kaya sila ganyan dahil ikokompara na naman nila ako. Ayoko na pinagkukumpara ako sa kila naomi o sa kahit kanino.


Ginawa ko rin naman yung best ko para sa score ko na yon bakit nya ako kaylangan ikumpara kila naomi? Ibang level na sila. Isa pa, masyado na mababa ang tingin ko sa sarili ko kaylangan pa ba nila dagdagyan yon?


Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Walang mangyayari kung iiyak ako dito magisa buong gabi mag tetext na lang ako kay jonas baka sakaling gumaan pakiramdam ko.


To Jonas:

Jonas :<


From Jonas:

HAHAHAHA pinagalitan ka no?


To Jonas:

oo:<


From Jonas: 

Teka may isesend akong qoutes


Kumunit ang noo ko.


To Jonas:

anong quotes?


From Jonas:

Tough times never last, but tough people do by Robert Schuller


Muntik ko na mabato ang phone ko sa nabasa ko. Bakit ko ba naisip na sya kausapin ko?


To Jonas:

Balasubas ka! Ayoko na nga kausap ka!


Yon na ang huli kong text sa kanya. Ayoko naman na si naomi ang kausapin ko dahil alam ko na ayaw nya rin na icompare sya sa iba katulad sa akin.


Pag nalaman nya na kasama sya sa away namin baka isipin nya na may kasalanan sya. Ang totoo wala naman sya kasalanan, ako lang.


Naiintindihan ko naman sila mama bakit gusto nila na mataas makuha ko dahil para sa akin yon pero hindi ko parin maiwasan na magalit. Try ko nga mag text kay claude


To Claude:

busy ka ba?


From Claude:

naglalaro lang. Bakit


Pati sa text ang konti parin ng sagot niya.


To Claude:

Pinagalitan ako:<


From Claude: 

Dahil sa score mo sa exam?


Expected ba talaga na papagalitan ako sa score ko? wala pa akong sinasabi alam agad nila dahilan ha?


To Claude:

Bakit kase hindi ko ginalingan eh :(


From Claude:

Nope, You did your best. If you think what you did wasn't enough then you are wrong. Don't push yourself too hard. There's nothing wrong with you.


Nakatulala ako sa phone ko at paulit ulit binasa ang sinabi nya. Ang tagal rin namin hindi nakapagusap ng ganito at ito ulit yung pangalawang beses na marami sya sinabi.


Nag send ulit siya ng text.


From Claude: 

You should reconcile with your parents. I think they don't mean what they said to you.


Alam ko naman. They just want me to do better. Nag send ako ng ok at nag goodnight na sya. Naliwanagan ako sa sinabi ni claude kaya lumabas ako ng kwarto.


Nasa sala silang dalawa at nung nakita nila ako ay bigla nila ako niyakap. Nagsorry sila sa akin sa mga sinabi nila at hindi nila intensyon na i compare ako sa iba.


"Tuwing kinukumpara nyo ako lagi ko naiisip kung magiging masaya ba kayo kung sila ang anak nyo at hindi ako." Nakayuko kong sabi dahil ayoko makita nila na naiiyak ako.


"Hindi totoo yan! Masaya kaming ikaw ang anak namin. We just want you to do better dahil pag nawala kami ng papa mo sa tabi mo wala na mag aalaga sayo."


"Bakit nyo ba iniisip agad na mawawala kayo?! Hindi pwedeng iwan nyo ako agad gusto ko pa kayo makasama ng matagal."


Lalo akong naiyak sa harap nila kaya niyakap nila ako ng mahigpit sorry sila ng sorry at nag sorry rin ako sa inasal ko sa kanila.


Masaya akong nakausap ko si claude dahil tinulungan nya ako na magkabati kami ng magulang ako.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

20.8M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.