1

251 75 10
                                    


June 18 20XX


Umaga na at hindi pa ako bumabangon sa kama ko kahit na nakalagay sa planner ko na may morning assembly ang mga incoming freshman man ngayon.


"Anong oras na akira? Hindi ka ba mag aasikaso? Malelate ka nyan eh."


Nakatayo si mama sa tabi ko habang nakapamewang pa habang kakatayo ko lang sa pagkakahiga. Kinuha ni mama ang bagong uniform ko sa aparador at nilagay na sa kama.


"Magasikaso ka na!"


Sigaw ni mama bago nya isara ang pinto. Tumayo na ako at nagsimulang magunat unat para magising ang diwa ko. Tinignan ko ang bagong uniform ko, uniform ng Montessori High. 


Palda na kulay blue na hindi lumalagpas sa tuhod, blouse na may blue lining sa mga dulo nito at ternong necktie. Sa necktie nakalagay ang logo ng school at may isang circle na nakalagay sa taas ng logo na ang ibig sabihin ay freshman ka.


Sinigurado ko muna na maayos at presentable ang itsura ko bago ko kinuha ang mga gamit ko at bumaba. Nasa kusina si mama at naghahanda ng pagkain pang almusal. 


Umupo ako sa pwesto ko at kumuha ng hotdog na nakahanda sa lamesa.


"Ito ang baon mo oh." nilapag nya ang lunchbox ko. "wag mo kakalimutan kumain, iba pa naman ang high school lalo na sa montessori high ka pa pumapasok."


"Salamat po." kinuha ko ang lunchbox at sinilid sa loob ng bag.


Excited si mama dahil unang araw ko bilang isang freshman sa montessori. Isang sikat na private school at mga mayayaman lamang ang may kakayahan na makapag aral dito. 


Buti na lang at kinuha ako ni tita para maging isang scholar nya kaya di na namin pinoproblema ang tuition dahil hindi talaga namin afford dito. Hindi naman kasi kami mayaman may kaya lang. 


Si tita ang mayaman, magkatulong sila ng asawa nya kaya napalago nila ang kanilang business.


Pero kahit yumaman si tita nanatili parin ang pagiging mabait nya at asawa nya. Sabi nya sakin sya na ang magsasagot ng tuition ko hanggang college basta wala akong ibabagsak na mga subjects. 


Anak anakan nya kasi ako since hindi sila biniyayaan ng anak kaya ganyan sila kabait sakin.


Nagpaalam na ako kay mama para makasakay na agad sa jeep. Pagkasakay ko ay nagbayad muna ako bago ako naglagay ng earphone para makapakinig muna saglit ng music.


"Para po." nilakasan ko ang boses ko para marinig ng driver  nung malapit na ako sa school.


Bumababa ako sa tapat ng gate. Nakabukas ang gate at maraming nagsisipasok na mga estudyante. 


Malaki ang loob ng school kaysa titignan mo sa labas, may pwesto sila para pagtambayan, maganda ang mga building at classroom, maraming mga puno at halaman kaya naman di masyado mainit kahit sa labas ka tumambay. Malaki ang ground nila at nakaseperate sa court.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon