16

62 18 5
                                    

"Today's your field trip right?"


Magkasama kaming kumakain ni papa ng almusal sa lamesa. Kaharap ko sya ngayon at may hawak syang dyaryo habang umiinom ng kape.


"Yes dad," I said while I also eat my breakfast. He nodded as an answer at tinuloy ang pagbabasa.


Tahimik kaming pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi kami ganoon ka close ni papa dahil minsan ko lang sila makita dito sa bahay but I understand their situation.


Marami kaming business na hinahandle kaya nahihirapan sila makakuha ng time. Hindi rin naman sila ganoon ka strict sa akin. They just want me to do well.


Hindi ibig sabihin na ako ang anak ng may ari ng school ay madali na sa akin ang bagay. I have to double my hard work para patunayan na lahat ng meron ako ay deserve ko ayoko masumbatan na lahat ng meron ako ngayon ay dahil lang anak ako ng isang javier. Wala naman pakialam ang mga magulang ko sa mga title.


I'm also not doing it para ma impress sila o kahit sino, I'm doing it for myself. People always expect high from me because of my family's title. It's suffocating to live upon someone's expectations that are not reliable to your life.


That's why I'm always irritated whenever people were amazed by me pag nalaman nila na isa akong Javier. Hinahangaan nila ako dahil isa akong javier hindi dahil ako si jonas.


"Aalis na po ako." Tumayo ako at kinuha ang aking mga gamit. "Be safe son."


I check my wrist to see if I'm not late. Hindi pa naman. Nilagay ko ang mga gamit ko loob ng kotse at pinaandar na ng driver ang makina para maka alis na kami. Pagdating sa school ay medyo marami na ang mga tao. Naka hilera na rin ang mga bus na aming sasakayan para sa fieldtrip.


Paglabas ko dumiretso ako kila vincent dahil nauna silang dumating kaysa sa akin. Nakatayo ito sa labas ng bus kasama si claude at anthony hawak nya ang phone na may tinetext.


"Asan sila?" Bungad kong tanong nang makalapit ako sa kanila.


"Papunta na daw. Hintayin natin sila para magkakatabi tayo sa upuan."


Hindi rin nagtagal ay dumating na silang dalawa kaya pumasok na kami. Dumiretso kami sa likod dahil wala doon naka upo. Magkatabi si naomi at akira sa upuan dahil pang dalawang tao ang hatian sa bus.


Sa kabilang side, nakaupo si claude sa bandang bintana at katabi naman nito si vincent. Nasa likod kami nila naomi at nasa bandang bintana rin ako kaharap ko si akira na nakita sa salamin na tulog ngayon. Puyat na naman ba sya?


Dumiretso ang bus sa hotel na tutuluyan namin at pinaghiwalay ang kwarto ng mga lalaki at kwarto ng mga babae. Pinag ayos kami ng mga gamit namin dahil mamaya ay magkakaroon ng team building ang bawat section.


Pagbaba namin ay maayos kaming inasikaso ng staff. Nabigla ako dahil kinuha nito ang bag ko at ang bag ni claude pati na rin ang mga gamit ni anthony at vincent.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon