17

52 16 4
                                    

"Kinakabahan na ako next week."


Nasa mall kami ngayon at namamasyal. Nag aya kasi si naomi na gumala daw kaming lahat dahil next week ay exam na namin sa steinfield. Kinakabahan rin ako at hindi ko alam bakit nandito ako sa mall kasama sila na namamasyal.


"Kinakabahan ka pala eh bakit ka nag aya mamasyal?" Sagot ni jonas sa kanya. "Maiintindihan ko pa kung nag aya ka mag review." 


Tama! ngayon lang ako umagree kay jonas. Ngayon lang sya nagkaroon ng point.


"Alam mo kung ayaw mo sana hindi ka na lang sumama. Hindi ka rin naman namin gusto dito!" Pagmamataray ni naomi.


Kinagat nya ang corndog na kakabili nya lang at kumalat sa kanyang bibig. Agad kumuha ng tissue si vincent at pinunasan ito.


"Malapit na prom natin ha? Ano balak nyo?" sabi ni anthony para malipat ang topic.


"Baka umupo lang ako buong program ang sakit sa paa kung buong gabi sasayaw eh."


"Hindi naman paa ngayon sasakit sayo, pwet naman! Buong gabi ka pala uupo eh," Sagot ni naomi. "On the second thought, impossible rin pala buong gabi ka uupo. Panigurado babae na lalapit sayo para sayawin mo sila."


Nahihiyang tumawa si anthony na parang hindi nya alam na sikat sya sa school.


Oo nga pala, nag remind na sila na malapit na ang prom namin. Nawala na sa isip ko dahil sa entrance exam na yan. Wala pa akong damit na nabibili!


"Hindi nyo talaga pinapansin yung exam no?" Nairita si naomi dahil sa sinabi ni jonas kaya tinakpan nya ang kanyang tenga.


"Wala aking naririnig! Wala akong naririnig!" Pakiramdam ko naiinis rin si jonas dahil pinipigilan nya kumunot ang kanyang kilay.


"Ako lang ba may pakialam sa exam dito?" Hinawakan ni claude ang balikat nya pero hindi para i comfort kundi asarin din.


Natuto na rin pala si claude mang asar? Nilipat ni naomi ang atensyon nya sa akin.


"Ikaw akira? Nakabili ka na ba? Gusto mo sabay tayo mag shopping? Ako bahala sayo!" Sunod sunod nyang sabi habang sinukbit nya ang kanyang braso sa akin.


"Wala pa ako nabibili eh, pagtapos na exam sige sabay tayo." Lumaki ang ngiti nya dahil sa sinabi ko kaya lalong higpit ang kanyang kapit.


Pakiramdam ko tuloy isa akong mapagmahal na ina at naka kapit sakin ang pinakamamahal kong anak.


"May date ka na ba sa prom, claude?" Nahinto sya sa pag inom dahil lahat kami ay nakatingin sa kanya hinihintay ang sagot sa tanong ni Vincent.


"Hindi ko pa napagiisipan," He shrugged. "Sa mismong araw na lang."


The Art of Stars (Celestial Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt