13

56 21 3
                                    

"Akira!"


Nilingon ko si naomi na tumatakbo papunta sa akin habang naglalakad ako papasok sa room.


Mabilis lang lumipas ang panahon nung bakasyon. Pagtapos ng gala namin sa batanggas ay wala naman special na nangyari.


Maglilinis lang ako sa bahay o kaya naman ay ka chat ko sila.


"May malaki tayong problema!" Sinukbit ni naomi ang kamay nya sa braso ko at nagpanggap na umiiyak.


"Bakit? Ano yon?" Nagaalala kong tanong.


"Kaklase ulit natin si jonas!" tinakpan ko ang bibig ko na kunwari ay nagulat sa balita.


Ginaya ko rin ang ginawa ni naomi at nagpanggap na umiiyak.


"Hoy!" nasa likod namin si jonas pinipigilan ang inis sa mukha nya.


"Tigilan nyo ko ha!"


Tinawanan ko lang sya. 3rd year na kami ngayon at malapit na mag kolehiyo. Sobrang bilis ng panahon hindi ko namamalayan na ang tagal na namin magkakasama.


Magkakaklase parin kaming lahat. Gusto lang namin pag tripan si jonas. Meron kasi sa kanya na ang sarap lagi inisin.


I started to change my approach to them. Mas naging vocal ako sa kanila hindi na ako yung laging nasa isang sulok pag magkakasama kami.


Hindi parin naman nawawala yung pagiging mahiyain ko pag maraming nakatingin sa kanila tuwing magkakasama kami. Naiilang parin naman ako sa mga atensyon pero hindi ko na tinutulak sila palayo.


Gaya nga ng sabi ni claude, hindi nila ako iiwan.


"Isang taon na lang no?" Hawak ni naomi ang pagkain nya at sumubo.


"Saan nyo balak pumasok sa college?"


Napaisip ako.. Saan nga ba? Gusto ko sana sa steinfield university dahil sister school naman ito ng Montessori at madali kaming makakapasok pero Scholarship lang naman ni tita ang dahilan bakit ako nandito sa Montessori.


Kaylangan ko pag handaan baka dumating ang panahon na mawala ito. Wala kaming pera para sa tuition.


"Baka sa Steinfeld," sagot ni vincent "Parehas kami ni Claude." tinuro nya si Claude na katabi nya ngayon at umiinom ng chocolate milk.


"Sa steinfield rin ako," singit ni Anthony "Si Jonas expected naman na sa steinfield yan papa nya may ari ng school."


"Kaylangan i-brodcast?!" Iritang sagot ni jonas.


Lahat pala sila sa steinfield. Kung sakali na mawala scholarship ko baka ako ang mahiwalay.


The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now