23

56 7 2
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nag start ako pumasok dito sa steinfield. Hindi ko akalain na makakakuha agad ako ng makakasundo ko dito sa loob ng klase.


Akala ko mahihirapan ako makipag kaybigan. Ganoon pa naman ang set-up. Lagi ko kasama sila althea araw-araw at tulungan kami sa mga gawain.


Nararamdaman na kasi namin ang pagiging kolehiyo. Buti nga mabait sila at hindi sila yung makasarili kagaya ng iba.


Habang tumatagal mas nakikilala ko sila at mas natutuwa ako.


Lagi pupunta si jonas sa building namin para sabay kami kumain pag wala siya gagawin. Ewan ko ba sa lalaking yon napaka sipag.


Talagang dumadayo pa siya dito ang layo ng building nila. Minsan sumasabay si vincent pero agad rin ito aalis.


Nakikita ko lang si anthony na napapadaan pero hindi rin soya nagtatagal.


Ang wala talaga akong balita ay kay claude at Naomi. Kamusta na kaya sila? Halos hindi ko na talaga sila nakikita.


Wala naman sa akin yun kung talagang busy sila kaya halos hindi sila nagpapakita. Minsan nakakaramdam lang ako na miss ko na sila. Iba parin yung ginagawa namin dati kagaya nung highschool.


"May balita ka ba kay naomi?" I looked at jonas at kakatapos lang kumagat sa burger niya.


Vacant kasi namin ngayon. Wala kaming klase kaya nagtext ako sa kanya na dito muna ako sa mini garden baka pumunta iyon sa building wala ko.


Ayon sumunod agad dito. Wala rin daw sila klase. Ewan ko ba sa kanya bakit sakin sumasama samantalang yung iba nga halos di ko na makita.


"Busy daw eh, sabi ni Vincent. Sila kase ang madalas magkasama ngayon."


Tumango ako. Buti naman. Akala ko siya lang talaga mag-isa, good thing nasa tabi niya si vincent. "Si Claude?"


Nagkibit balikat ito at bumalik na sa pagkain. Mukhang wala rin siyang balita sa kanya. Nakakarinig lang ako sa iba na may big project raw siya pero hanggang doon lang. Kamusta na kaya siya?


Dahil wala akong magawa naglabas ako ng notebook at ballpen. Magsusulat na lang ako ng notes para naman may natapos ako kahit kaunti.


"Yung Felix ba," Jonas spoke suddenly, "Ano yon?"


My eyebrows frowned because I didn't get what he meant in his question.


"Anong ano yun?"


"Ano siya," Pagulit niya na akala mo naging malinaw ang ibig sabihin.


Bakit niya tinatanong kung ano si felix. Uhm tao? Kaklase? Bakit ba galit agad sila kay Felix, pareho sila ni Claude.


The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now