35

32 3 0
                                    

Nakatulala ako sa daan habang naglalakad. My brain can't absorb what just happened.


Claude likes me?.. Romantically?


Kung ganoon, si Jonas at Claude ay matagal nang may gusto sa akin?


Pero bakit? Bakit kasi ako?!


Ano ba meron sa akin na nagustuhan nila? Wala naman akong maipagmamalaki na meron sa akin kumpara sa mga tao na nasa paligid nila.


Napaka normal ko. Kaya bakit ako?


Napasabunot ako sa sarili ko. Ang tanga ko! Bakit hindi ko nahalata na may gusto sila sa akin. Ang tagal na namin magkakakilala pero hindi ko yon nahalata. Ganoon ba ako kamanhid?


Nakakainis, alam ko na simula ngayon ay may magbabago na sa amin ni Claude kahit sinabi niya na ayos lang. Pero selfish ba ako kung gugustuhin ko pa rin siya na maging kaybigan?


Siguro nga, selfish ang tawag doon but I can't help it. There's something inside of me that I can't let him go because he's important to me.


Argh! Hindi ko na talaga alam!


Tuyo na ang mga luha ko nung nakabalik ako sa steinfield. Nakita ko agad ang mga pinamili ko na mga gamit sa gilid. Napa ngiti ako dahil naalala ko si jonas. He really give it to them.


"Akira," bigla ako tinawag ni Felix. "Nandito ka na pala. Tara tulungan mo kami dito."


Kasama niya sila Valerie, Theo, at Althea na may ginugupit na kung ano sa gitna ng kanilang bilog. Umusog si Althea para bigyan ko ng space na uupuan. Lumapit ako at kumuha rin nang papel para gumupit.


"Did something happened between you and your boyfriend?" my eyes widened. Napatingin agad ako kay Althea dahil bulong niya sa akin.


"Sinong boyfriend?" May idea na ako kung sino yung tinutukoy niya pero tinanong ko parin para maging sigurado.


"Yung nag hatid nito. Diba boyfriend mo siya?" Mas lalo akong hindi naka react nung na confirm ko na si jonas nga talaga ang tinutukoy niya. Matagal akong nakatingin sa kanya bago ko ibaba ang tingin sa gunting na hawak ko.


"Jonas is not my... boyfriend." Naging mahina ang boses ko bandang dulo but she still heard it. I saw she immediately react and said sorry. Umiling ako at ngumiti sa kanya and said it was okay.


"I thought he was your boyfriend. Diba siya yung lagi mo pinupuntahan?" Tumigil siya sa pagupit para tignan ako. "You look lovely together pa naman!"


I forced myself to smile. "Anong ibig sabihin mo pala doon sa tanong mo?" I tried to change the subject dahil na a-awkward ako bigla sa sinabi ni Althea.


"Oh, kasi nung binigay niya yung binili mo mukha siyang malungkot. So I thought maybe you guys have lq."

The Art of Stars (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon