19

51 14 3
                                    

"Kamusta prom nyo? Hindi ko na kayo nakita buong gabi pagtapos nyo umalis sa table natin ha!"


Naomi laugh then took a bite of her sandwich.


Nagtinginan si Claude at Anthony hindi sinasagot si naomi.


"Umalis na ako agad. Nairita ako may isang babae na pilit ng pilit sa akin eh." Kinamot ni anthony ang ulo nya.


Oo nga, pag alis ko sa table hindi ko na sila nakita. Buong gabi tuloy si jonas lang ang kasama ko.


"Same here," Claude spoke before drinking his chocolate milk. Umayos ng upo si anthony at ngumiti.


"Pero parang mas interested ako sa nangyari sa isa dito." Ngumiti ito ng nakakaloko at siniko si jonas na nakayuko at tinatago ang kanyang mukha.


Agad nya sinamaan ng tingin si anthony at hinampas ang dibdib nito. Tumawa ng malakas si anthony habang hawak ang kanyang dibdib.


"Wala naman nangyari. Kasama ko lang si jonas." Tinignan ko si jonas na tulala sa akin.


"Diba jonas?"


"H-ha? Ah, Oo... Magkasama kami." Nahihiya siyang nagsalita.


Bakit ba to nahihiya? Totoo naman na magkasama kami kagabi ah.


Nagtataka nga ako sa kanya dahil hindi talaga siya umalis sa tabi ko kagabi. Wala tuloy siya nakasayaw na iba lagi nya pa tinatanggihan pag may nag aaya sa kanya.


Yumuko si anthony at pinipigilan ang sarili na tumawa. Nakangiti rin na kumakain si naomi na nag eenjoy sa nakikita nya.


Anong meron? Dapat ba hindi ko sinabi? Magkasama naman kasi kami talaga!


"Hey don't tease him." Hinawakan ni vincent ang balikat ni jonas pero pinipigilan rin nito tumawa. Walang paki si Claude sa nangyayari at patuloy parin umiinom habang nag cellphone.


Hinayaan ko na lang sila at nilabas na lang rin ang phone ko. Wala rin naman ako idea kung ano pinagtatawanan nila eh.


Napatayo ako sa sobrang gulat dahil sa notification na narecieve ko. Gulat silang tumingin sa akin lahat.


"Huy," dahan dahan akong umupo hawak parin ang phone sa harap ko. "Nilabas na."


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.


"Anong nilabas?" Nagtatakang tanong ni naomi. Natigil rin siya sa pagkain dahil sa ginawa ko.


"Yung results."


Natigilan sila lahat. Gulat rin ang kanilang mukha sa sinabi ko. Ilang segundo ay nagmamadali nilang nilabas ang mga phone nila para icheck ang email na galing sa steinfield.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now