15

55 20 6
                                    

"That's all for today's class. Huwag nyo kakalimutan yung consent form nyo para field trip."


Umalis na ang homeroom teacher namin dahil ito ang last subject sa buong araw. Sa wakas tapos na ang hellweek pwede na akong makahinga ng maluwag.


"Gusto nyo sabay sabay tayong bumili ng baon natin?" Nililigpit ko ang mga gamit ko sa bag. Lahat kami nandito sa likod, yung pwesto namin ni naomi sa room.


Dahil nga na brought up ang field trip nag aaya na naman tong si anthony na mamasyal. Oo mamasyal, hindi yan bibili gusto nya lang ng gala after school.


"Parang ang dami nyo naman babaunin. Isang araw lang tayo don uy!" sagot ni jonas sa kanya.


Umiling rin ako at sinabi na next time na lang. Apat na araw pa naman kasi ang layo ng field trip. Isa pa, gusto ko na rin umuwi dahil pagod na pagod talaga ako ngayong araw.


Ang dami namin ginawa. Puro test, exam, seatwork. Ramdam ko na talaga ang pagiging graduating students namin.


"Sige na nga." Ngumuso sya. Walang nagawa si anthony dahil ayaw rin ng iba na umalis. Baka pagod rin kagaya ko.


Sabay kaming lahat naglakad palabas ng school at isa isa rin kaming nagpaalam ng nagsidatingan ang mga sundo nila.


Pag uwi ko dumiretso agad ako sa kama at binagsak ang sarili ko.


Ganito ba ang signs of aging? Sobrang worn out na ng utak ko dahil sa mga school works grabe! Buti na nga lang at katulong ko sila vincent kaya napapadali kahit papaano ang mga subjects. Nakakasagot ako sa lahat. Kung ako siguro mag-isa maiiyak na talaga ako.


Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil ayoko pang tumayo sa kama. Hindi ko namamalayan na naka idlip pala ako at ala sais na ng gabi ako nagising.


Nagising ako dahil sa ingay ng niluluto ni mama sa labas.


"Ang bango naman." Lumapit ako sa kusina at tinignan ang niluluto nya.


"Anong ulam?"


"Pork chop." Hindi nya ako tinitignan dahil binabantayan nya ang niluluto nya. "Ang sarap, kain ako ha!"


"Magbihis ka na. Malapit na rin ito matapos."


Nag ok sign ako at pumasok ulit sa kwarto para magpalit ng damit pantulog. Simula nung nagtalo kami ay parang mas naging close ko na ang mga magulang ko.


Hinahayaan nila ako sa mga gusto ko gawin at napaka supportive nila. Sinabi nila sa akin na ayos lang kahit hindi na mataas, basta huwag ko lang papabayaan ang pag aaral ko.


Which I am doing right now. Natuwa ako dahil hindi na nila ako kinukumpara sa kahit kanino.


 Dahil sa pag open up ko ng feelings sa kanila ay mas naiintindihan namin ang isa't isa. And it all thanks to Claude.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now