20

47 13 2
                                    

Bakit? Anong kinaseselos nya? Magkausap lang naman kami kanina.


Ah, baka nagseselos siya dahil may iba akong kausap. Baka nga yun yon!


"Ano ka ba! Hindi mo kaylangan magselos don!" Pag aasure ko sa kanya dahil nakuha ko na bakit siya nag kaganon.


Nakatingin parin ito sa baba. Para siyang aso na nanghihingi ng atensyon sa kanyang amo.


"Kayo parin naman kaybigan ko kahit may kausap na akong iba. Hindi niyo kaylangan magselos."


He immediately looked at me kaya nahinto ang paghawak ko sa kanyang ulo. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.


May sinabi ba akong mali? Diba yon naman talaga yon? Nagseselos siya kase akala niya magkakaroon na ako ng ibang kaybigan.


"Bakit?" I asked, smiling but confused because of his face. Napasapo ito ng noo kaya nagulat ako.


"Wala." Kinuha nya ang kamay ko at tumalikod. "Kain na tayo."


Pumunta kami sa pinakamalapit na mall dito sa steinfield. Isang kanto lang naman ang layo at kaunti lang ang lalakarin. Kumain kami sa japanese restaurant. Hindi na kami nagtagal dahil may shooting pa siya. Hinatid niya ako sa sakayan bago kami naghiwalay ng landas.


Habang papalapit ang panahon mas lalo namin nararamdaman ang pag alis namin sa Montessori. Wala na kaming klase at tanging practice sa pag akyat na lang stage ang pinapasok namin sa school araw-araw.


Last day ng practice namin, inabot kami ng gabi dahil ito na ang pinaka huli. Bukas totoong huling araw na namin sa Montessori. Naka hiwalay sa amin si Jonas, vincent at Naomi dahil with high honors ang tatlo.


Hindi ko nararamdaman ang pagod kahit na gabi na. May parte sa akin na parang ayoko umalis dahil ang daming alaala ang nabuo ko dito pero meron rin na gusto ko sumubok ng bago.


Nagsalita ang head teacher sa amin sa stage at pinamigay ang toga na gagamitin namin bukas. Binati nya kaming mga graduates at nagsabi ng inspiring words bago nya kami dismiss.


"Tara na uwi na tayo!" Umakabay agad si naomi sa akin dahil kagagaling nya lang siya stage. Kasunod niya sila jonas at sabay sabay kaming umuwi.


Paguwi ko sa bahay pinatulog agad ako nila mama dahil araw ko iyon. Gusto ko nga sana matulog ng maaga pero hindi talaga ako makatulog.


Gising parin ang utak ko. Iniisip kung ano ang mangyayari bukas. Alas tres na nung nakaramdam ako ng antok.


Maaga ako ginising ni mama dahil kaylangan ko pa mag ayos. Gusto daw nila ay maganda ako sa graduation dahil isa ito sa mga hindi ko makakalimutan sa buhay ko.


Ayon nga ang ginawa ko. Pagtapos ko kumain ay naligo ako. Inayusan ako ng buhok ni mama. Naglagay rin ako ng make up pero konti lang dahil baka mawala lang sa pawis mamaya.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon