Sa Bawat Araw

Por HerWorldAtSunset

24.6K 903 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... Más

Cast and Characters
Salubong
Unexpected Happenings
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Ang Lunch. Bow.
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Ria's Idea
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Worried
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Who's to Blame?
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Ria's Resbak

155 10 5
Por HerWorldAtSunset

Calli's POV

Hapon na and kakauwi lang ni tita Sam kanina. Parang badtrip nga eh. Kaya hindi ko na muna kinausap. Ang boring naman dito sa bahay.

Lumabas ako ng kwarto tapos napahinto ako sa tapat ng kwarto ni tita Sam kasi naririnig ko parang sumisigaw siya na hindi ko maintindihan.

"I don't care! Madali ko lang siyang makukuha. Kung hindi lang dumating yung babaeng yun eh."

"Calli." Halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko pala yung kasambahay ni tita Sam.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Nakahanda na yung hapunan. Halika na." Sabi niya kaya sumunod nalang ako.

Sino kaya yung tinutukoy ni tita Sam? Parang inis na inis siya.

~~~~

Ang boring talaga. Mag-isa lang akong kumain ng dinner. Niyayaya kong samahan ako ng mga kasama namin dito sa bahay pero ayaw nila. Mapapagalitan daw sila ni tita Sam.

Nandito ako sa kwarto at nakatitig lang sa chandelier na nakasabit sa taas ko mismo. Hayyy. Ang laki nga ng bahay, wala naman akong nakakakwentuhan. Nakakamiss tuloy yung mga late night chit chats namin ni mommy.

Hmmm. May naisip ako. Hahahaha.

I dialed mommy's phone number para makapag facetime kami. After a few rings, sinagot na niya.

"Calli!"

"Hello po!!!" Tumayo muna ako at pumunta sa balcony.

"How are you?"

"Okay naman po. Kayo po?"

"We're fine. Hahahaha. Anong ginagawa mo dyan?"
Tanong niya. Nasa kwarto sila and parang nanonood ng TV.

"Wala po. Nagpapaantok lang. " Sagot ko.

"Ahhh. We're watching a movie. Sana nandito ka."

"Hehehe. Soon po. Pag dyan po ulit ako natulog." I said. Narinig ko naman na bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako dun at si tita Sam pala.

"Can i talk to you?" Mahina niyang tanong dahil nakita niyang may kausap ako. Tumango lang ako at humarap ulit sa phone.

"Sige po mommy, dad. Goodnight!" Tapos nagflying kiss ako and they did the same.

"Ano po yun?" Tanong ko pagkababa ko ng phone ko. Umupo naman siya sa side ng bed.

"Alam mo, kung gusto mo nang kakwentuhan, you can always knock on my door." Panimula niya. Hindi ko nagegets.

"Kasi...parang mas close ka pa rin sa kanila kesa sa akin. Gusto ko sana na mas makilala ka. Kaya if you need someone to talk to, punta ka lang sa akin." Sabi niya. Ahhh okay.

"Sige po. Nahihiya lang po ako kasi parang ang busy niyo po." Tumawa naman siya.

"No. I can always make time for you. Pero for now, go to sleep na kasi may pasok ka pa tomorrow. Goodnight." Sabi niya tapos kiniss niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.

Siguro hindi ako mahihirapan mag adjust kung ganyan naman siya kabait. Hahahaha. Hindi lang talaga ako sanay sa kaniya. Though mabait naman talaga siya dahil siya pa nga yung nagligtas sa akin dun sa mga kidnappers diba? Ewan ko lang, naiilang ako eh.

~~~~

~~The Next Day~~

*yawnnnn* Hayyy ang sarap ng tulog ko. Hahaha. Tumayo na ako para makapagprepare for school. Nagshower na ako and everything tapos sinuot ko na rin yung uniform ko and I'm done. Haha. Kinuha ko na yung bag ko at bumaba ako sa kitchen. Pagdating ko dun, magkasama na naman si tita Sam and tito Wilson. Sila ba? Hahahaha joke.

"Good morning po." Bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning! Kain ka na ng breakfast then ipapahatid na kita sa school." Sabi ni tita Sam. Ngumiti ako at kumain na dahil gutom na talaga ako. Haha.

~~~~~

Ria's POV

Hello!!!! Nandito ako sa mall ngayon dahil kailangan ng grocery sa bahay. Ubos na ang stock. Si Lester naman, ewan ko kung nasan pero kasama ko siya dito sa mall. Magkikita nalang kami sa parking lot.

After kong maggrocery, lumabas na ako papunta sa parking lot habang tinutulak ko itong cart. Binuksan ko na yung trunk ng kotse ko at inilagay yung mga pinamili ko.

"Yes. Pupunta ako kay Alex. I still have to talk to him about Calli's custody." Narinig kong sabi ng babae na nakasakay sa kotse na katabi ko.

"Duhhh. As if naman na hindi ako papakinggan nun, anak namin si Calli kaya he'll listen to me." Nagmadali akong maglagay ng mga grocery bags sa trunk at sinara ko agad yun.

Sasakay na sana ako sa passenger seat ng car pero biglang binuksan nung babae yung pinto sa side niya kaya tumama sa akin.

"Aray!!" Sambit ko habang nakahawak sa braso ko. Tumingin naman siya sa akin tapos bumaba sa kotse niya. Sabi na eh. Siya lang yung kilala kong boses pa lang, gusto mo nang sapakin.

"Tumingin ka nga sa paligid mo bago ka magbukas ng pinto ng kotse." Sabi ko.

"Hindi ka rin naman tumitingin sa paligid mo ah." Sabi niya. Ahhh naghahamon siya ah.

"Ikaw pa matapang. Sa bagay, matapang ka na, hindi ka pa marunong mahiya sa asawa ng may asawa. Ang desperada mo din, pinagpipilitan mo yung sarili mo sa lalaking hindi ka naman mahal." Sabi ko. Nako nako, kahapon pa kita gustong sabunutan.

"Excuse me, hindi ko pinagpipilitan sarili ko. So nakwento na pala sayo ng bestfriend mo?" Tanong niya habang tumatawa ng nakakaloko. Ingudngod kita sa side mirror mo eh.

"Hahahaha. Oo." Sagot ko na may mapang asar na tawa.

"Sabihin mo sa kaibigan mo, huwag siyang walkout ng walkout, baka mamaya, maagaw ng iba yung asawa niya." Ay aba! Talaga naman.

"Wow! Ang galing noh? Anong skincare mo? Semento? Napakakapal kasi ng pagmumukha mo." Akala niya aatrasan ko siya?

"Hindi ko naman kasalanan na may anak kami ni Alex and he also has responsibilities sa amin. Kaya excuse me, i have to meet with Alex." Sabi niya at lalakad na sana pero hinablot ko yung buhok.

"Eh kung hindi ka lang naman isa't kalahating malandi." Hinila ko yung buhok niya kaya napaatras siya pabalik sa akin.

"Oopssss. Sorry. Sumabit sa kamay ko." Sabi ko at binitawan ko na yung buhok niya.

"Sa susunod kasi huwag kang--" Bigla siyang tumalikod kaya hinablot ko ulit yung buhok.

"Kapag kinakausap ka, huwag kang bastos!" Humarap siya sa akin at sinabunutan din ako.

"Huwag kang epal sa lovelife ng iba. Maghanap ka ng sayo." Sabi ko habang nagsasabunutan kami.

"Ouchhh let go of me!" Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko na nakahawak sa buhok niya.

"Hoy, kay Calli lang siya may responsibilidad, hindi sayo. Huwag kang ambisyosa!!"

"Ria!!!Sam!"

Hinila ako ni Lester para bumitaw kay Sam tapos inawat niya kami.

"Girls, stop!" Sabi niya. Hinawi ko yung buhok ko na sobrang gulo.

"Hahahahahaahaha!" Tinawanan ko lang siya. Mukha siyang grizzly bear dahil sa buhok niya. Bwhahahahhahha.

"Tatawa ka pa. Huh?" Sabi niya at akma pa niya akong sasabunutan pero nakapagitna sa amin si Lester kaya hindi niya natuloy.

"Kawawang Samantha." Then i slowly shooked my head at sinabayan ko ng pagclick ng tongue. "Hindi kayang maging legal wife kaya papayag maging kerida, mahalin lang." I said habang inaayos ko yung buhok ko.

"I don't waste my time on people like you." Sabi niya tapos tinaasan ako ng kilay.

"Alam mo, Alex is a great man, pogi pa, mabait at maalaga. One in a million. Kaso isa lang yung mahal niya eh at si Amara yun. Hindi ikaw at never naging ikaw. Si Amara lang ang mahal niya at kahit anong gawin mo, you can never be Amara." O diba! Pak! Slap in the face, Sam!

"I know. Amara is Amara. Samantha is Samantha. Magkaiba kami. Kaya magkaibang pagmamahal ang kaya naming ibigay kay Alex. Who knows? Baka one day, dahil sa attitude ng kaibigan mo, iwan siya ni Alex." Ayyy ayaw niya talaga magpatalo.

"Usapang attitude, anong tawag mo sa ugali mo?" Tanong ko.

"Ano? Hahahahaha. Laban pa? Kaya mo pa? Ready pa ako! Next time ha! Huwag kang lapit ng lapit sa asawa ng iba kung ayaw mo ng rematch." I said tapos tumingin lang siya ng masama.

"Sa susunod na dumikit ka kay Alex, magbaon ka na ng wig ha."

"At please lang, huwag ang mga bestfriend ko. Kundi, baka sa boxing ring tayo sunod na magkita." Warning ko. Babalik na sana siya sa kotse pero tinawag ko kaya lumingon.

"Bye Sam! Oh wait, Amara-wannabe nalang. It suits you naman." Then tumawa ako. "Sige ulit, bye Amara-wannabe! See you never!" Nagroll eyes lang siya tapos tumalikod na.

"Paroll eyes roll eyes pa eh. Kaya ko din yan. Mukha ka ngang ewan. Dukutin ko mata mo eh."

"Huy. Tama na." Sabi ni Lester.

"Eh balak pang kumabit eh. Ikaw nga, bantayan mo din yang bestfriend mo kapag magkasama kayo ah." Paalala ko kay Lester.

"Oo na. Nakipag-away ka pa dito. Sumakay ka na nga sa kotse." Sabi niya kaya sumakay na ako at inayos ko yung buhok ko sa car.

~~~~

Amara's POV

"Anoooo???? Nakipagsabunutan ka?" Tanong ko kay Ria na kausap ko sa phone habang nagtitimpla ako ng kape ni Alex dito sa office. Wala pa naman si Alex dahil may meeting siya sa conference room.

"Oo. Kapal eh." Okay i really have a cool bestfriend. Casual na casual lang yung pagkakasabi niya kanina na: 'Uy. Alam mo ba, nakipagsabunutan ako kanina kay Samantha.' Parang wala lang eh. Hahahaha.

"Dapat hindi mo na ginawa yun. Sa parking lot pa kayo ng mall nag-away." I told her while stirring the coffee. Umupo muna ako sa swivel chair ni Alex and kumain ako ng profiteroles.

"Wow. Nahiya naman ako sayo. Sinampal mo nga diba? Syempre gusto ko may resbak din ako."

Yup, kinwento ko na sinampal ko kahapon. Kaya malakas loob niya na manabunot, mas grabe daw kasi yung akin.

"Oo na. Eh teka, anong sabi?" Tanong ko. Nacurious din ako eh. Kapag bibig pa naman ni Ria ang umandar, parang double peashooter at fireworks.

"Ayun, feelingera. Akala naman niya iiwan ka ni Alex para lang sa kaniya. Hello??? Hilo ba siya?"

"Hayyy. Oo hilo siya. Kaya hayaan mo na." I said.

"Ok po. Bukas punta ako dyan sa office para makapagkwentuhan tayo!"

"Sige. Nandito naman ako bukas. Dito ka nalang sa office ni Alex dumiretso."

"Surely!!! Sige bye!"

"Bye!" Then binaba ko na yung tawag.

Alam niyo, may advantage din yung pagiging ganyan ni Ria. Hahahahaha. Ang tapang niyan eh. Ewan ko nga paano napasagot ni pareng Lester eh halos lahat ng manliligaw niyan dati, titigan lang niya, umaalis na eh.

Pero seriously, sobrang thanful ko na may kaibigan akong handa akong ipaglaban sa iba. Pero huwag naman sana siyang makipagbugbugan at sagupaan. Ibang level na yun. Though nagawa niya na yun pero high school pa kami nun. May tinadyakan yan na bully eh. Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha yung confidence pero i like it. Hahaha.

"Done with the meeting?" I asked Alex pagpasok niya ng office. Tumayo ako from the swivel chair para makaupo siya.

"Yes." He said then sinandal niya yung ulo niya sa sandalan ng upuan. Tapos minamasahe yung temple ng ulo niya.

"Ako nalang." I said then ako na nagmasahe ng sentido niya.

"Thank you." He said habang nakapikit at nagrerelax. Sobrang busy niya kasi pati trabaho ko, ginagawa na rin niya.

"Here's your coffee." Nilapag ko sa harapan niya and hinawakan niya yung kamay ko habang minamasahe ko yung sentido niya.

"Salamat, hon. Kumain ka na ba?" He asked.

"Yes. Kumain ako ng profiteroles tsaka brownies. Ang tagal ng meeting mo eh kaya ang dami kong nakain." I said then natawa siya.

"Sobrang busy mo na sa work." I told him. Tinanggal ko muna yung salamin niya kasi humaharang.

"Kailangan eh. But don't worry. I'll take a break kung kailangan ko." He said.

"That's good. Buti naman at alam mo yun."

"Of course, hindi ako pwedeng mastress kasi aalagaan ko pa kayo ni baby Aleara." Ayieeeee. Pinatong ko yung mukha ko sa balikat niya at sinandal ko sa side ng mukha niya.

"Sweet ka masyado? Hahahaha." I asked him then kinuha niya lang yung kamay ko.

"Yes. Since birth. Wait. I'll take a picture nga." Sabi niya then he intertwined his hand with mine and tinaas yun tapos pinicturan niya.

"Sussss. Palusot ka lang para mahawakan mo yung kamay ko eh." Pambibiro ko.

"Hindi ah. I wanted to post a picture of our rings and our hands."

"Bakit?" I asked.

"Because I want them to know whose hand I'll be holding for the rest of my life." Yieeeeee. Kinilig ako dun ah. In fairness.

"Yieeee. Stop na nga. Quota ka na sa pagpapakilig mo." I told him.

~~~~~

A/N: So alam kong marami sa inyo ang gigil na gigil kay Samantha and sana naenjoy niyo itong update na to! hahahahaha. Kulang pa yan sa mga pinaggagagawa ni Samantha at sa mga gagawin pa niya 🤔🤫🤭. Hihihihi.

Most of the savage Ria lines came from ate _kettlewrites and imissF so thank you for that and credits to the both of you!!!! Sobrang galing niyong mag-isip ng lines. I love it! Hahahaha. Thank you ulit! Yung 'see you never' talaga yun eh. Thanks ate kettle!

It's also nice to know yung mga saloobin niyo sa characters like, unahin na natin si Samantha. Thank you sa mga feedback niyo. Sobrang nakakatulong siya sa characterization.

Thank you for reading!!!

And o m geee. Si Barang yata yung lola ni Joy at Mira!!!! Hahahahaha.

Seguir leyendo

También te gustarán

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.3K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...