Polar Opposites

Por JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... Mais

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Living Improbability

12.9K 485 38
Por JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 12
Living Improbability

Habang naglalakad ako papuntang school ay napapaisip ako tungkol kay Alec. Hindi ko kasi malaman kung bakit niya ako tinutulungan nitong mga nakaraang araw. Hindi pa rin kami masyadong nagkakasundo sa mga klase dahil patuloy pa rin ang mga debate namin pero outside the classroom ay hindi na niya ako ginugulo.

Pagdating ko nga ng classroom ay naabutan ko siyang naglalaro sa cellphone niya sa pinakadulong upuan. And as usual, bakante ang mga upuan malapit sa kanya dahil sa takot ng mga kaklase namin.

Umupo na lang ako sa upuan mejo malapit sa mga kaklase namin. Gusto ko kasi makinig ng maayos sa lecture ngayon. Napagtanto ko kasing makulit si Alec pag nagkakatabi kami sa klase. Palagi niya akong kinakausap at kapag ganoon ay hindi ko masyadong maintindihan yung lecture.

"Sophie!" Dinig kong tawag sa akin ni Alec.

Nilingon ko siya at nakita na naman iyong pangil niya. May kung anong kinang sa mga violet eyes niya.

"Dito ka," Tawag niya at tinuro iyong upuan sa tabi niya.

"Dito na ako, Alec." Ngiti ko.

"Sige na, may itatanong lang ako."

"Ano ba yun?" Tanong ko mula sa upuan ko. Hindi ako gumalaw para lumipat sa tabi niya. Wala akong balak na makatabi siya ngayon dahil nga gusto ko makinig sa lecture mamaya.

"Dito ka muna,"

"Alec, ang korni mo. Ikaw may kailangan ako lalapit?"

"Sophie," Bumaba ang tono ng boses niya at parang nababadtrip na siya.

"Alec,"

Pinagtitinginan na naman kami ng mga kaklase namin. Syempre, kami lang naman kasi naguusap tapos magkalayo pa kami.

"Sophie, dito ka na umupo."

"Ayoko nga kasi,"

"Isa!" Banta niya.

"Dalawa!" Bilang ko din.

"Sophie, lumipat ka na." Narinig kong bulong ng isang kaklase namin.

"Oo nga," Parang nagdadasal pa yung boses ng isa.

Napatingin ako sa mga kaklase namin at nakitang kinakabahan na sila. Tiningnan ko ulit si Alec at nakitang tinitingnan na rin niya ang mga takot naming kaklase.

"Sophie, lipat ka na." Ngisi ni Alec sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, nagmamatigas pa rin. Ano ba naman kasing trip netong si Alec ngayong araw? Eh ayoko nga kasi siya katabi, di niya ba maintindihan yung meaning ng ayaw?!

 Pumasok na ang ilang mga kaklase namin at sumunod na dumating ay si Sir Chua.

"Guys, okay lang ba kung maki-sit in yung iba kong estudyante sa ibang section? Wala kasi sila nung naglecture ako at kailangan 'to for your exams." Anunsyo ni Sir Chua.

Tiningnan ko yung grupo ng taga-ibang section. Mga sampu din sila, sakto sa bilang ng bakanteng upuan.

"Okay lang, sir." Sagot ng klase.

Tumingin si Sir Chua kay Alec. "Ms. Imperial, okay lang ba sa'yo?"

"Okay lang, basta sa tabi ko uupo si Sophie." Sagot ni Alec.

Nanlaki ang mga mata ko. Tingnan mo 'tong bampirang 'to! Ayaw paawat!

"Sophie?" Nakikiusap na tingin ni Sir Chua sa akin. Napatingin din ako sa ibang estudyante niya at nakitang gusto talaga nilang maka-attend sa lecture na ito.

"Sige na nga," Tumayo ako at kinuha yung gamit ko para lumipat sa tabi ni Alec.

Ngiting ngiti si Alec sa paglipat ko habang ako nama'y tahimik na sinusumpa iyong mga estudyante ni Sir. Sa susunod kasi wag na sila aabsent nang alam nila kung anong ilalagay ni Sir sa exams! Nakakainis, nadamay pa tuloy ako. Pag ako kinulit ni Alec, baka ako yung walang maisagot sa exams!

"Sophie," Kalabit ni Alec sa akin.

"Ano?' Parang sumusuko na yung tono ng boses ko.

"Wow, ayaw mo talaga ako katabi no?"

"Wag mo na lang kasi ako kulitin, please?"

"Hindi naman kita kinukulit eh."

"That's for you to say, hindi ikaw yung naiistorbo."

Natahimik si Alec sa sinabi ko kaya nakinig na lang ako sa lecture namin. Nagsusulat din ako ng notes pero si Alec naglalaro na naman sa cellphone niya.

Matapos ang ilang minuto ay nanghingi ng yellow pad si Alec. Binigyan ko naman siya.

"Sophie, pahiram akong ballpen."

Napakunot ang noo ko. Ano ba naman 'tong henyong 'to. Pumapasok sa school na walang papel at ballpen!

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng notes. Nang tingnan ko si Alec ay nakita kong nagdodoodle lang siya. Napailing ako't nakinig na ulit sa lecture.

Mga ilang minuto pa ulit ang makalipas nang marinig ko si Alec. "Ang tagal naman..."

Ayan na. Nabobore na siya, maya maya guguluhin na niya ako.

"Sophie," Tawag sa akin ni Alec.

Sabi ko na nga ba eh.

"Sophie, may tanong lang ako." Tawag niya ulit sa akin. "Napansin mo ba na kanina pa may nakasabit na kulangot sa ilong ni Sir?"

Napatingin ako kay Alec at nakitang nagpipigil siya ng tawa. Tiningnan ko si Sir at nagfocus sa ilong nito. May maitim ngang something sa ilong niya pero hindi ako sure kung kulangot nga iyon o nunal lang na hindi ko pa napapansin.

"Sophie, tingnan mo si Julian Hong. May chikinini siya sa leeg oh. Just near the collar." Dagdag pa ni Alec.

Napatingin nga ako sa kaklase namin pero di ko makita yung sinasabing chikinini ni Alec, medyo mataas kasi ang collars nito.

Di ko na muna ulit pinansin si Alec at nagfocus na ako sa lecture kahit na medyo napapatingin ako sa ilong ni Sir. Nakakabadtrip naman kasi tong si Alec, kung ano anong napapansin.

"Break na ata si Caitlyn saka si Edu. Di na suot ni Caitlyn yung singsing na bigay sa kanya ng boyfriend niya..." Puna na naman ni Alec.

Napatingin ako kay Caitlyn at sinilip ko yung kamay niya. Tama si Alec, walang singsing pero pano naman niya nalaman na may singsing na suot si Caitlyn in the first place? Di ko nga siya masyadong napapansin eh.

Nakinig na lang ulit ako kay Sir, pilit na tinatanggal sa isip ang ideyang aware si Alec sa lahat ng nangyayari sa classroom. Nakakabother isipin na sinusubaybayan niya kaming mga kaklase niya.

Nagdoodle na lang ulit si Alec at narinig kong naghu-hum siya, constant din yung pangunguyakoy niya na para bang hindi na makapaghintay na matapos na ang klase.

Napaisip na naman ako kung paano ba naging henyo 'tong si Alec eh halata namang tamad na tamad siya sa klase. Kung matalino nga siya, bakit hindi niya makita ang importansya ng pakikinig sa lecture?

Baka naman mahirap talaga makuha yung atensyon niya at kapag may napaginteresan siya, di na niya yun tatantanan?

Parang ako?

Napailing ako at kinopya na lang yung sinulat ni Sir sa board. Wala siyang interes sakin. Pinagtritripan lang ako ni Alec.

Pero di ba't interes na din yun? Di nga lang maganda ang naidudulot sa akin.

"You bite the side of your right hand pag nagiisip ka, you know." Bulong ni Alec sa tabi ko. "Anong iniisip mo?"

"Wala." Bulong ko pabalik sa kanya at napatingin sa kamay ko. Tama siya, kinakagat ko nga yung kamay ko pag napapaisip ako sa isang bagay. Namumula na iyon sa pangangagat ko.

"Kinakagat mo ba yan para paalalahanin ka sa sakit ng realidad?" Tanong pa ni Alec.

Hindi ko siya pinansin at hinimas ko na lang yung kamay ko habang nagsusulat.

"O baka naman kinakagat mo para masaktan ka at maalala mong, 'uy di pala to panaginip!'" Dagdag pa niya.

Napakunot ang noo ko. Matagal ko nang ginagawa yung pangangagat sa kamay ko pero ni minsan hindi ko inisip kung bakit ko nga ba ginagawa yun.

"Okay, that's all. Time na kasi kaya itutuloy ko ang lecture sa susunod na meeting. Yung naki-sit in wag na kayo aabsent sa susunod kasi hindi ko na kayo papayagan ulit ng ganito." Anunsyo ni Sir.

Nagsitayuan na ang mga kaklase namin at ako nama'y nagayos na lang ng gamit. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko na naintindihan yung dulong part ng lecture dahil sa panggugulo ni Alec.

"Sophie," Tawag ni Alec sa akin.

"Please lang, Alec. Wag mo na ako guluhin."

"Hindi naman kita ginugulo ah?"

"Anong hindi? Hindi ko kaya naintindihan yung last part ng lecture kasi kung ano anong binubulong mo sakin!"

"Kasalanan mo yun at nakikinig ka sakin."

"May kasalanan ka din kasi di naman kita mapapansin kung hindi ka nagpapapansin!"

Tumayo na ako at naglakad papalabas ng room pero sumigaw si Alec sa likuran ko. "Hindi ako nagpapapansin!"

"Eh bakit kanina mo pa ako kinukulit? Hindi mo ba magets na ayaw kitang katabi kanina, na ayaw kitang kausapin?" Sagot ko sa kanya. Yung ilang kaklase namin ay napatigil at pinanuod kami samantalang yung iba'y kumaripas na ng takbo, takot na madamay pa sa paparating na galit ni Alec.

"Buti nga kinakausap kita eh! Hindi mo ba alam na ang daming nagkakandarapa sa atensyon ko?!" Pagmamayabang niya.

"Alam ko, pero wag mo akong isali sa mga iyon. Di ko kailangan ng atensyon mo!"

Nagulat siya sa sinabi ko at umiwas na lang ako ng tingin. Matapos niya akong samahan sa birthday ko, ito ang igaganti ko sa kanya?

"Sino ka ba sa tingin mo ha?!" Parang di na alam ni Alec kung anong sasabihin sa akin.

"Bakit, ikaw. Sino ka ba sa tingin mo ha?" Balik ko sa kanya. "Alec, kung ikaw kaya mong makapasa with high grades sa isang class kahit di ka nakikinig, wag mo akong idamay kasi pinaghihirapan ko yung grades ko. Hindi lahat kasing swerte mo!"

"SWERTE?!" Galit na sigaw niya. "Nasaan ang swerte sa akin, Sophie?!"

Hindi ako makasagot kasi alam naman niya kung anong tinutukoy ko.

"Tong utak ko? Sa tingin mo ba swerte akong naaalala ko lahat?" Pagpapatuloy ni Alec. "Hindi mo alam kung anong parusa na maalala ko in clear detail lahat ng nakikita at naririnig ko, Sophie! Okay lang yun sa magagandang memories! Pero yung masasama? Sa tingin mo ba hindi ko nakakalimutan yun?"

Naguilty ako sa sinabi ko. Hirap na hirap pala talaga si Alec sa buhay niya and to think na wala siyang kasamang kaibigan o kapamilya sa pagharap sa araw araw niya.

"Don't you ever think na maswerte ako, Sophie. Kasi kung anong tingin niyo sa swerte ko, parusa yun para sakin."

Nauna na siyang maglakad pa palabas ng classroom at wala na akong ibang magawa kundi ang pagsisihan ang mga sinabi ko. Sana pala pinakinggan ko siya, sana nagkaintindihan kami.

----------------

A/N:

Hala, sige. Mag-away pa kayo! Magsasawa din kayo jan! And when that time comes, nakoooooo, ewan ko na lang sa inyo! hahahaha

Continuar a ler

Também vai Gostar

389K 14.5K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
65.5K 4.7K 25
"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na...
Garnet Academy: The Game Por Cai

Ficção Adolescente

32.7K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...