But I Sent You away, Oh Mandy...

By lovingly_yours007

1.2M 30.2K 661

More

Chapter one
chapter 2
chapter 3
Chapter 4 Iniingatang Sikreto
chaprer 5
chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53

Chapter 42

20.9K 478 7
By lovingly_yours007

Chapter 42

Amanda's POV

Hindi ko mapigilang mapaluha nang pumasok kami sa mansyon ng mga Guevarra.
Parang kelan lang dito ako nakatira at nagsisilbi sa kanila.
Walang ipinagbago dito, ganun pa rin kagaya noon.

Sa tinutuluyan kong kwarto noon kami pinatuloy ni senyora at nagulat ako dahil ganon pa rin ang itsura nito nang umalis ako. Malinis ito at nandito pa rin ang mga gamit ko.

"Regular kong ipinalilinis ang kwarto mo hija. Nandyan pa rin ang mga damit mo kung sakaling gusto mong magpalit, nag utos na rin si Fernan na ibili ng damit ang mga bata." Nagsalita si senyora na nasa likuran ko pala.

"Thank you po." Masyado akong speechless sa ipinararamdam nila sa akin. Pakiramdam ko ay napaka halaga ko sa kanila para gawin ang mga bagay na ito.

Dumating na rin ang doctor na ipinatawag ni tito Fernan para matingnan si Adryan.
SAlamat at simpleng lagnat lamang ito.

Matapos makatulog ng kambal ay nagdesisyon akong kamustahin sina manang Lydia.

Umiiyak na niyakap ako nina manang Lydia at ate Martha na hindi makapaniwalang buhay pa ako.

Pagkatapos ng kamustahan ay pumunta ako sa living room kung saan nakaupo ang mag ina. Wala si tita Mabel dahil pinuntahan daw ang mag ina ni kuya Lawrence.
Nakakatuwang isipin na silang dalawa ang nagka tuluyan.

"I see na nakatulog na ang mga bata?"
Ngumiti ang senyora na pinaupo ako.

Saglit namayani ang katahimikan bago ako nagpasyang ikwento sa kanila ang nangyari noong umalis ako. Pakiramdam ko ay kailangan nila ng explanation.
Ang pagpunta ko sa ampunan, ang pagkakakilala namin ni Rosie at ang dahilan kung bakit suot nito ang kwintas ko at ang tungkol sa pamilya ng inay ko. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa ginawa ni mam Allysa na itinago nito at sinabing naglayas ako nang mamatay ang inay. Kapamilya pa rin nila ito at ayokong ma guilty sila dahil sa mga ginawa nito.

Taas baba ang dibdib ni tito Fernan sa paghinga hanggang sa matapos akong magkwento habang ang senyora naman ay umiiyak na naman.

"Nagkaroon po ng mabuting pangyayari sa pag alis ko at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya dahil sinaktan nya ako." Alam kong alam nila kung sino ang tinutukoy ko.

"Akala ko nun sinabi ni Adelle ang del Rio ay may asawa ka na hija."

Ngumiti ako dito.

"Sa tulong na rin po ng pamilya ko ay mabilis pong napalitan ang family name ko. At ngayong alam na po ninyo ang totoo ay gusto ko pong papalitan ang pangalan ng inay sa puntod nito at ganun din po si Rosie at ang anak nito."

"Kung ganon ay handa ka na rin makausap si Bryan hija? Magtataka iyon kung makikita nyang pinalitan ang pangalan mo" Tanong ni senyora. Napansin kong malalim ang iniisip ni tito Fernan kaya tahimik lang ito.
Pumupunta pala sya sa cemetery?

"May karapatan syang malaman na buhay ka at lalo na sa mga anak ninyo."
Nagulat ako sa sinabi nito.
Alam nila?

Tumango ito na parang nahulaan ang nasa isip ko.

"Pero kahit hindi siguro namin alam hija ay malalaman agad namin dahil kamukhang kamukha ni Adryan si Bryan."

"Pasensya na po pero kailangan ko ba talagang ipaalam sa kanya? Ayokong magulo ang pamilya nila ni Annalise?" Kahit ang pagbanggit sa pangalan ng babaeng iyon ay nagdudulot ng pait sa aking bibig.

Tanggap ko na ang lahat ng nangyari sa amin pero hanggat maaari ay ayokong magkaroon ito ng kaugnayan sa mga anak ko.

"Hindi sila nagpakasal hija, nun araw ng engagement party ay umalis si Bryan para hanapin ka nang sabihin ni Heleina na buntis ka."
Alam nya din?
Parang puputok ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Paano nagawa ni Lei na ipagkanulo ako?
Siguro ay kailangan na talaga namin umalis pag maayos na ang pakiramdam ni Adryan.

Hindi ako makaramdam ng tuwa sa kaalamang umalis ito sa engagement party nila nang malamang buntis ako.

Siguro ay pakiramdam nito na obligado lang sya sa magiging anak namin nang panahong iyon. Kilala ko si Bryan at alam kong hindi nito gugustuhing lumaking walang pamilya ang magiging anak nya kaya nya ako hinanap.

"Marami kang dapat malaman apo, at sana ay Patawarin mo kami sa lahat lahat." Bumaling ito kay tito Fernan na nakatingin lang sa akin.

Magsasalita sana si tito Fernan nang biglang sumulpot si manang Lydia .
"Senyora! Si mam Allysa po inaatake na naman po yata.!" Humahangos na tawag nito

Agad tumayo ang dalawa at mabilis na tinungo ang guest room sa baba.

"Lydia tumawag kayo ng ambulance!" Malakas na sigaw ni tito Fernan.
Sumunod ako sa mga ito at para akong ipinako sa kinatatayuan ko.

Kung hindi sinabi ni manang Lydia na si mam Allysa ito ay hindi ko ito makikilala.

Buto't balat ito at wala na din itong buhok na maraming kung ano anong nakakabit na aparato dito.

Anong nangyari sa kanya?

Parang nilipad ng hangin ang lahat ng galit at pagdaramdam ko dito noon at napalitan ng awa.

Nagingisay itong tinatawag ang pangalan ni Bryan.

"Allyssa anak hold on dadalhin ka namin sa hospital." Umiiyak na tawag dito ni senyora.

"B-bryan.. Anak.. I'm sorry" hirap na hirap nitong bulong na parang ibinubuhos ang buong lakas para lang makapag salita.

May lumapit na nurse at may itinurok sa dextrose ni mam Allysa.

"Senyor, kailangan na po talaga nyang manatili sa hospital, sobrang dumadalas na po ang pag atake niya." Wika nito kay tito fernan.

Tumango lang ito Bago lumapit kay mam Alyssa na ngayon ay medyo kumakalma na ang pangingisay ng katawan. Marahil ay umepekto ang gamot na itinurok ng nurse.

Umakbay ito sa umiiyak na senyora bago ginagap ang kamay ng kapatid.
Hinalikan nito ito sa pisngi bago inilapit ang bibig sa may tainga ni mam Alyssa na bumulong.

Parang dinudurog ang puso kong makita ang mag-iina sa ganitong kalagayan.

At nasaan si Bryan?

Nagpahid ako ng luhang lumapit sa kanila at niyakap ang mga ito.

"I'm so sorry, hindi ko po alam."

Lumapit ako kay mam Alyssa at ginagap ang isang kamay nito.
Malamig ang kamay nito.

"Mam Alyssa, si Amanda po ako, natatandaan mo ba? Yun anak ng bestfriend mong so Veronica? Alam mo bang laging sinasabi sa akin ng inay noon kung gaano ka nya kamahal? Mahal na mahal, at kahit kailan hindi po sya nagtanim ng galit sa inyo. Kahit po ako kahit marami akong bagay na hindi maintindihan dati hindi ko nagawang magalit sayo. Siguro kasi naranasan ko rin minsan na maging importante sa'yo noon,at siguro dahil ikaw ang mommy ng Bestfriend ko. Alam mo bang may twin apo ka? Magpalakas po kayo para ma meet ka ng babies ko." Patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Siguro nga ay kaya hindi ko magawang mamuhi ng labis sa kanya ay dahil mahal na mahal ito ng inay ko.

Halos sabay dumating ang ambulance at ang mag anak ni kuya Lawrence, at gaya nila senyora at tito Fernan, ay naging emotional kami.

Sumama sumama sa ambulance ang mag ina ni tito Fernan at senyora habang kami naman ay susunod na lang.
Laking gulat nang mag Asawa ni kuya Lawrence nang makita ang kambal ko.

At parang himala ay biglang bumuti ang pakiramdam ni Adryan. Marahil ay gusto talaga ng Diyos na makilala nito ang lola nya.

Nagpahatid na lang kami kay manong Carding at habang daan ay panay ang tanong ni ate Maya tungkol sa nangyari noon kaya gaya nang sinabi ko kanina kina tito Fernan ay pahapyaw kong ikinwento ang nangyari.

Gusto kong magtanong kung nasaan si Bryan pero naduwag ako.

Nang makarating kami sa ospital ay umiiyak ang senyora sa masamang balitang sinabi ng doktor.
Na hindi na tinatanggap ng katawan ni mam Alyssa ang mga gamot na itinuturok dito. At tanging ang mga aparato na lang na nakakabit dito ang nagsisilbing lifeline nito.

"Lawrence kausapin mo ulit si Bryan huwag mong hayaan bawian ng buhay ang tita mo na may bigat sa dibdib." Pakiusap ni senyora.

"I'm sorry Lola, ilang beses ko na sinubukan pero matigas talaga si Bryan, unless kung si Amanda ang makiki usap I'm sure papayag yun."

Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ni kuya Lawrence bago tumingin sa akin.

Napapikit ako ng mariin kasabay ng mahabang buntong hininga.

Bakit ako?

Ganito ba kabilis?

Isang araw pa lang nila nalalaman na buhay ako pero ang dami nang nangyari ay ngayon ay gusto nila akong magpakita sa taong dahilan ng paglayo ko?

"Ok, I'll do it for mam Alyssa."
Para sa lola ng mga anak ko at para sa bestfriend ng inay ko.

Isinama ni ate Maya ang mga anak ko sa bahay nila. Mabuti na lang at pumayag ang mga itong magpaiwan kasama ang anak nila ate Maya na mukhang kasundo na agad ng dalawA.

Pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga habang lulan ako ng kotse. Nagpahatid ako kay manong Carding kung saan ito nagta trabaho.

______________
Bryan's POV

Pagkatapos kong mag gym ay nag ready na ako sa work.
I work at my dads company bilang Vice President.

The famous ex actor Miguel Velez really did a good job on his passed career. He saved his money and build this company.

Ganito lang umiikot ang buhay ko for five years. Gym, work, bar at magdala ng babae sa condo ko.

I lied ng sabihin ko kay Lawrence that I'm moving on, dahil kahit kailan ay hindi ko kayang mag move on. I'm doing this to show them that I'm still alive kahit ang puso ko ay kasamang ibinaon sa hukay ng babaeng pinakamamahal ko at ng anak ko.

Mainit ang ulo kong pumasok sa trabaho sa hindi malamang dahilan.
Ako ang acting CEO ngayon dahil may conference na pinuntahan si dad abroad.

"Good afternoon Mr Velez." Bati sa akin ng secretary ko.

Tiningnan ko ito ng masama.
Kailangan talagang batiin ako na afternoon na?

"Pag may naghanap ma babae sa akin papasukin mo agad at ayoko ng abala. Maliwanag?"

"Y-yes sir."

Pagpasok ko sa opisina ko ay tinawagan ko agad ang isa sa mga babae na nakalagay sa contact list ko.

I need a hard Fvck.

_____________
Thank you for reading.

Vote.Comment.Fan

lovingly_yours007

02,26,2015

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
933K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.5K 165 24
my NINE DAYS WITH HIM are the happiest days in my life ...
149K 1.2K 14
One shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang...