Under The Rain (Guevarra Seri...

By binibiningadik

135K 7.6K 1.8K

I always hate the rain because of the danger it could bring. Started writing: March 15, 2021 Date completed:... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 5

2.7K 187 19
By binibiningadik

"Anastacia, sigurado ka bang kaya mo nang pumunta sa school ng mag-isa?" Paninigurado sa akin ni Lola umaga ng lunes. Nasa bakuran na ako ngayon at handa nang umalis. Suot ko ang dati kong uniform dahil wala namang pinagkaiba ang uniform sa bagong school na papasukan ko at noong dati.

"Kaya ko na po. Tanda ko naman kung paano sasakay papunta roon." I smiled at her. Maging si Lolo ay hindi rin mapakali. Aniya'y ihahatid niya raw muna ako bago ako bumyahe mag-isa bukas.

Kuya Gilbert already left the house early in the morning. Bago pa lamang ako gigising ay paalis na kaagad siya. He bid goodbye to me and kissed me before leaving the house.

"Bye Lolo! Bye Lola!" Kumaway ako sa kanila habang patungo ako sa medyo magubat na daan. Muntik pa akong matawa sa mga itsura nila. Parang nahawa na sila kay Kuya na masyadong overprotective pagdating sa akin.

I assured them that I can handle myself. Paano nga naman ako matututo kung palagi silang nakabantay sa akin bawat kilos ko. Darating ang pagkakataon na hindi na nila ako masasamahan kaya habang maaga pa lang ay mabuti nang matuto ako kung paano alagaan ang sarili ko.

"Sa LNHS po." Saad ko sa isang tricycle driver na nasa unahan. Saglit pa niya akong tinitigan na para bang inaalam kung sino ako. Nahihiya akong nagbaba ng tingin dahil hindi ako sanay sa tinginan nila.

"Sakay na." Tahimik lamang akong palinga-linga habang nasa loob ng sasakyan. Pilit kong kinakalaban ang matinding kaba na nararamdaman dahil sa bagong paligid na gagalawan. Kailangan kong masanay na hindi ako kaagad tatanggapin ng mga tao. Hindi magtatagal ay masasanay din ako. Kailangan ko lang makisabay sa kanila at mag-adjust dahil ako ang bagong salta.

"Ikaw iyong transferee 'di ba?" Tumango ako sa school guard. Kakaunti pa lang ang mga estudyante. Ang iba naman ay hindi pa nahahalata na bago ako sa school na ito. "Magpagawa ka na kaagad ng I. D. mo sa admin office. Libre naman iyon."

"Salamat po." Tumango ako muli at bahagyang ngumiti sa guard. Ngumiti rin siya sa akin.

Dumiretso ako sa itunuro sa aking classroom ni Ms. Ladines noong nakaraang lunes. Nakababa lamang ako ng tingin sa lupa dahil nahihiya akong salubungin ang tingin ng mga tao. Nang makarating ako sa classroom ay malaki ang pasasalamat ko na iisa pa lamang ang tao. Babae ito at nakaupo sa unahan. Siguro siya ang may dala ng susi kaya siya ang kaagapang pumasok.

Napatingin siya sa akin at matagal akong tinitigan. Nahiya naman ako kaya mabilis akong dumiretso sa hulihang bahagi ng classroom. Maaga pa naman kaya siguro kakaunti pa lang ang mga dumadating na estudyante.

Habang lumilipas ang oras ay mas lalo akong kinakabahan dahil parami na rin nang parami ang mga dumarating na kaklase ko. Hindi ko man sila tingnan ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa akin. Naririnig ko rin ang mga mahihinang bulungan nila sa unahan. Inaasahan ko naman na talaga ito, kaso hindi ko talaga kayang masanay kaagad.

"Transferee?" Dinig kong tanong ng isa. Mas lalo akong nagbaba ng tingin sa lupa. Nahihiya akong tingnan sila. Nahihiya akong malaman na ako ang kakaiba sa mundong ginagalawan nila.

"Excuse me?" Napaangat ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Bahagya pa akong nagulat nang mamukhaan siya. Siya iyong babaeng kasama ni Kahel sa tarpaulin ng school.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Upuan ko kasi iyan." Saad niya. Nahihiya akong humingi ng paumanhin at humanap na lamang ng ibang mauupuan. Nawalan ako ng pag-asa nang makita na halos lahat ng silya ay okupado na.

Napabuntong-hininga ako saka lumabas na lamang ng classroom. Maghihintay na lang ako hanggang sa dumating silang lahat. Saka na lamang ako uupo kapag may bakante pang silya. Maya-maya lamang ay nadatnan ko si Kahel na papasok ng classroom. Tatawagin ko na sana siya kaso nga lang nahalata ko na kaagad na hindi maganda ang timpla ng itsura niya. Nakakunot na nakakunot ang noo niya at mistulang galit.

Lihim akong napailing sa kaniya. Ano na naman kayang nangyari at bakit mukha na naman siyang galit?

Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa makarating siya a sarili niyang upuan. Doon siya tumigil sa katabing upuan na siyang pwesto ko kanina. Kunot na kunot pa rin ang noo niya na animo'y handang maghanap ng away. Pero hindi naman mukhang pala-away si Kahel.

Nakita ko siyang kinausap ang isang lalaking katabi niya. Kinabahan naman ako nang bigla silang tumingin sa akin sa labas ng classroom. Kinabahan kaagad ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.

"Hinatid ka ba ng kuya mo?" Nagulat pa ako nang madatnan si Kahel na nakatayo na sa harapan ko. Nakababa ang tingin ko sa mga sapatos niya bago dahan-dahang nag-angat ng paningin. Napagmasdan ko ang maaliwalas na itsura niya habang nakasuot ng school uniform. Noon kasing wala pang pasok ay palagi lamang siyang naka-t-shirt o hindi kaya ay sando. Ngayon ay mas lalo siyang nagmukhang gwapo.

"H-hindi. Maagang umalis si Kuya kaya mag-isa lang akong pumasok-

"Ano?" Natakot ako nang makita ang galit niyang tingin sa akin. Napapaisip talaga ako kung ano na naman bang ginawa ko? Palagi kong ginugusto na magkausap kami ni Kahel ng maayos pero hindi nangyayari dahil halatang ayaw niya akong kausap. Iritado siya palagi sa akin. Kakausapin niya lang ako kapag papagalitan.

"B-bakit ba? Ayaw ko namang magpahatid pa kina Lolo. Saka kabisado ko naman papunta rito-

"Anastacia? Kahel? Bakit nasa labas pa kayo." Napatayo ako nang makita si Ms. Ladines na nagtatakang nakatingin sa amin. Napatingin ako kay Kahel na hindi nawala ang masamang pagkakatingin sa akin. "Pumasok na kayo."

Napatungo ako at sumunod na lamang kay Ms. Ladines papasok ng classroom. Tinawag niya pa ako para ipakilala sa unahan. Nahihiya ko namang sinabi ang pangalan ko lalo na at titig na titig sa akin ang mga kaklase ko. Iisa na lamang ang bakanteng upuan sa unahan kaya roon ako nagpasyang umupo.

Nagsimula ang klase kase kaya nilabas ko ang notebook para magsulat ng notes. Abala ako sa pagsusulat nang bigla akong kuhitin ng babaeng katabi ko. Namukhaan ko kaagad siya dahil isa siya roon sa grupo ng mga kabataan na nakita namin ni Kahel noong nagpa-enrol ako.

"May ballpen ka pa?" Tanong niya. Nahihiya naman akong tumango at ibinigay sa kaniya ang isa ko pang ballpen.

Nagpatuloy naman ako sa pagsusulat. Nakita ko ang katabi ko na nagpipinta lang ng kung ano sa notebook niya. Napabuntong-hininga ako. Ang akala ko pa naman ay magsusulat din siya ng mga lessons. Iyon pala ay magpipinta lang. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pakikinig. Napatingin ako ulit sa babae nang kausapin niya ako.

"Ang tahimik mo ano?" Pagpuna niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano tutugon. Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "Taga-saan ka?"

Bumaling ako muli sa kaniya bago sumagot. "Sa Manila ako galing. Kalilipat lang namin dito ng Kuya ko noong nakaraang linggo." tugon ko naman. Tumango-tango siya.

"Bakit magkasama kayo ni Kahel noong minsan? Magpinsan ba kayo?"

Umiling ako. "Eh ano? Nililigawan ka ba ni Kahel?" Ngumisi siya sa akin. Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"H-hindi, magkakilala lang kami ni Kahel. Pinakisuyuan siya ng Lola ko kaya niya ako sinamahan magpa-enrol." Ang hirap talaga sa mga ganitong pagkakataon. Paano ko sasabihin ang relasyon ko kay Kahel gayong hindi naman niya ako itinuturing na kaibigan. Literal na magkakilala lang talaga kami.

"Ah... okay." Nakangisi siyang tumango sa akin. Parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Ako nga pala si Vera. Kaibigan ko iyang si Kahel pati na rin iyong mga bugok na nakita mo noong lunes."

Natuwa naman ako sa pagpapakilala niya sa akin. Nakangiti kong inilahad ang kamay ko sa kaniya. "Anastacia. Pwede mo akong tawaging Ana." Ngiti ko sa kaniya. Inabot niya rin ang kamay ko.

Nakangiti akong nagpatuloy sa pagsusulat. Natuwa ako dahil nagkaroon kaagad ako ng kakilala. Kahit hindi man ako pansinin ni Kahel dito, at least makakausap ko naman si Vera. Dito ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa mga susunod pang taon kaya mahalagang marunong akong makibagay sa paligid ko.

Dumating ang sunod na teacher. Tinatanong pa niya ang pangalan ko dahil nakita niyang bago lang ako. Nang sumunod na subject ay ganoon pa rin. Nahihiya akong magpakilala sa mga teacher lalo na palagi sa aking nakatingin ang mga kaklase ko.

"Tara? Magre-recess?" Aya sa akin ni Vera. Alanganin akong ngumiti. Nahihiya akong sumama sa kaniya lalo na kung kasama niya ang mga kaibigan niya. "Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Mas lalo akong nahiya na sumama sa kaniya. Tatanggi na sana ako kaso nga lang nakita ko na ang mga kaibigan niya na pumunta sa pwesto namin. Sila iyong magkakasama noong lunes.

"Ano bakit kayo nagpunta rito?" Tanong niya sa mga kaibigan. Napatungo naman ako sa hiya. Narinig ko ang mga bulungan at nakita ko rin ang mga tulakan nila sa harapan ko. "Ana." Pagtawag sa akin ni Vera. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Ito nga pala ang mga kaibigan ko. "Si Emily, Nana, Jeryc, David, Jorem, Sayon." Isa-isa niyang itinuro sa akin ang mga kaibigan niya.

Ngumiti naman ako sa kanila at hindi na nagpakilala. Tinanong pa nila ako ng tungkol sa ibang mga bagay. Mabuti na lamang at hindi sila katulad ko na mahiyain. Kapag natatahimik ako ay papaulanan na naman nila ako ng mga tanong.

"Lolo mo pala iyong maraming mga alagang kabayo at kalabaw?" Tanong ni Sayon. Mabilis kong nakilala ang mukha niya dahil singkit ang mata niya at kulay itim ang buhok. Para siyang may lahing Chinese.

"Oo." Nahihiyang tugon ko. Lumapad naman lalo ang ngiti niya sa akin.

"Ayos! Pwede pala tayong pumunta sa bahay nila minsan." Sumang-ayon naman ang mga kaibigan niya. Ngumiti ako. Mukhang magandang ideya nga na pumunta sila sa bahay minsan lalo na at mag-isa ako palagi roon.

"Ano? Tara na magre-recess." Tumayo ako nang inakit nila ako. Napatingin naman ako sa ibang mga kaklase ko na nakatingin sa akin ngayon. Nahihiya akong umiwas ng tingin.

"S-sandali? Paano si Kahel?" Tanong ko bago kami makalabas ng classroom. Lumingon naman sila sa akin.

"Badtrip iyon kanina pa kaya hindi na namin inakit. Saka nakalingkis na naman sa kaniya si Fatima." Nakita kong siniko ni Emily si Vera para patigilin. Napatingin naman ako kina Kahel at Fatima na magkatabi sa upuan. Nag-uusap silang dalawa.

"Bagay sila ni Fatima..." Wala sa sariling saad ko. Maganda si Fatima at gwapo naman si Kahel. Noong nakita ko pa lang sila sa tarpaulin noong nakaraang lunes, naisip ko kaagad na bagay na bagay silang dalawa.

Narinig ko naman ang singhal sa akin ni Vera. "Anong bagay? Kairita." Umirap pa siya sa gawi nina Kahel saka hinila ako paalis. Sabay-sabay kaming nagtungo papunta sa canteen. Hindi ko alam kung saan iyon kaya mabuti na lamang at may nakasama kaagad ako.

"Dito ka, Ana." Saglit akong nabigla nang ipaghila ako ni Sayon ng upuan. Tumabi siya sa kasunod kong upuan.

"S-salamat." Nagkatinginan ang mga magkakaibigan. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya. Natahimik na lamang ako at sinimulang kainin ang sandwitch na binili.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Pagkausap sa akin ni Nana. Tumingin ako sa kinakain ko saka sa mga pagkaing binili niya. Mas marami iyon hindi hamak kumpara sa akin. Magana siyang kumain pero hindi naman siya mataba.

"Oo, para kasing wala pa akong gana kumain." Tumango siya sa akin. Paminsan-minsan ay kinakausap ako ng mga babae. Si Sayon naman ay panay ang tingin sa akin kahit nakikipag-usap sa mga kaibigan.

Napagmasdan ko ang may katamtamang laki ng canteen. Maraming estudyante ang kumakain kagaya namin. Maaliwalas naman ang paligid kahit walang electric fan o airconditioner.

Nang maubos ko ang kinakain ay bigla akong nagsisi dahil hindi ako nakabili ng inumin. Tatayo na sana ako nang bigla akong pigilan ni Sayon. "Saan ka pupunta?"

"Bibili ako ng maiinom." Tugon ko. Mabilis naman niyang inabot sa akin ang orange juice na para sa kaniya.

"Ito na lang. Huwag ka na bumili." Nahihiya akong umiling sa kaniya. Kaniya iyon at siya rin ang bumili. Hindi pa naman nababawasan pero ayaw ko pa ring tanggapin. Nahihiya ako sa kaniya.

"H-hindi na. Nakakahiya naman. Bibili na lang ako ng akin." Umiling din siya sa akin at ngumiti.

"Ayos lang sa akin. Hindi ko naman ito iinumin." Pamimilit niya. Tumanggi pa rin ako pero hindi siya nagpatalo. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan nila dahil baka ayawan nila ako bilang kaibigan. "Okay lang talaga. Huwag ka na mahiya, Ana. Saka ang daming nakapila oh. Matatagalan ka." Napatingin naman ako sa hanay ng mga bumibili at napagtanto na masyado ngang mahaba iyon.

Wala akong ibang nagawa kundi ang kunin ang ibinibigay niya. Nahihiya akong bumalik sa upuan at ngumiti sa kaniya. "S-salamat." Malapad siyang ngumiti sa akin. Bubuksan ko na sana ang bote nang biglang may umagaw sa akin nito.

Napaangat ang tingin ko kay Kahel na masama ang tingin sa akin. "Matuto kang bumili ng para sa'yo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nahihiya akong nagbaba ng tingin sa takot na masalubong ang mga tingin niya.

"Kahel, ayos lang. Hindi ko naman iinumin iyan. Binili ko talaga iyan para kay Ana." Pagtatanggol sa akin ni Sayon. Nakita ko namang mas lalong nagalit si Kahel.

Nahiya ako lalo na nang makita na nakatingin na sa amin ang mga kaibigan nila. Taka silang nakatingin kay Kahel. Siguro maging sila ay nahihiwagaan na kung bakit ganito ang ikinikilos ng isang ito.

"Tumayo ka riyan. Hindi ito kagaya ng lugar na pinanggalingan mo. Hindi ka pagsisilbihan ng mga tao rito." Saad niya sa akin.

Hindi ko naman malaman ang gagawin. Napapahiya ako sa harap niya at sa mga kaibigan niya. Kinutkot ko ang aking mga kuko sa kamay para mabawasan ang kaba.

"P-pasensiya na." Kay Sayon ako humingi ng paumanhin. Hindi na ako tumingin pa kay Kahel. Diretso akong tumayo at naglakad palabas ng canteen. Rinig ko naman na tinatawag nila ako pero hindi ako lumilingon.

Hindi ko maintindihan si Kahel. Mas malala pa siya kay Kuya. Bakit ba lahat na lang ng kilos ko ay nagagalit siya? Ano bang kasalanang ginawa ko sa kaniya?

Tahimik akong naupo sa pwesto ko nang makabalik sa classroom. Ayokong magalit kay Kahel. Pero hindi ko maiwasang sumama ang loob sa kaniya. Hindi man lamang niya ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Palagi na lang siyang galit. Hindi ko na siya maintindihan.

Alam ko naman na hindi ako ganoon kagandang maging kaibigan lalo na para sa kaniya. Palagi siyang galit at iritado sa akin. Pero kung ganoon ang nararamdaman niya, sana huwag na lamang niya akong pansinin. Sana huwag na niya akong pakialaman. Ang sakit din naman para sa akin na harap-harapan niyang ipinapamukha sa akin na hindi niya ako matatanggap bilang kaibigan.

Tahimik ako nang dumating ang panibagong teacher. Hindi ko na rin pinansin sina Kahel nang pumasok sila kanina. Si Vena lang ang kinakausap ko dahil katabi ko siya. Nang mag-lunch ay hindi na ako sumama sa kanila sa canteen kahit inaakit nila ako. May baon naman akong pagkain kaya sa classroom na lang ako kakain. Ayos lang sa akin na mag-isa ako kaysa naman iyong palagi akong pinapakialaman at kinagagalitan kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Hindi ko na pinansin ang mga tinginan sa akin ng mga kaklase kong nangingilatis. May ilang mga lumalapit sa akin at nakikipagkilala na malugod ko namang kinakausap. Sa tuwing umaalis sila ay doon ulit ako nananahimik. Pakiramdam ko ay mahihirapan akong makisabay sa mga hilig nila lalo na at nakikita ko sa mga mata ng iba na hindi nila gusto ang presensya ko.

Siguro ganoon naman talaga. May mga taong aayawan ka sa unang kita pa lang sa'yo. May mga taong magugustuhan ka kahit hindi niyo pa alam ang pangalan ng isa't-isa. Tanggap ko na iyon. Siguro hindi ko na kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa kanila. Kung sino na lang ang gustong makipagkaibigan, doon na lang ako.

"Ana! Sabay ka na sa amin!" Tinawag ako ni Vena bago pa man ako makalabas ng classroom nang mag-uwian na. Tumigil ako at tiningnan sila isa't-isa. Mukha namang ayos lang sa kanilang makisabay ako. Isang tao lang naman ang may ayaw sa akin.

"Hindi na. Baka may pupuntahan pa kayo." Pagtanggi ko naman sa kaniya. Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Vena. Ganoon din sina Nana at Emily. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil itinatrato nila ako ng maayos.

"Sumabay ka na, Ana. Mas maganda kung marami tayo." Pamimilit pa sa akin ni Sayon. Mariin akong umiling sa kaniya lalo na nang nakita ko si Kahel na tumayo na mula sa upuan niya.

"Hindi na talaga. Sa susunod na lang siguro." Ngumiti ako sa kanila at saka tumalikod. Diretso akong naglakad paalis ng hindi iniintindi ang tingin sa akin ng mga tao. Subalit napatigil naman ako nang may marinig na tumawag sa pangalan ko.

"Anastacia." Hindi ko na tinangka pang lumingon pabalik. Hindi pa man kami lubos na magkakilala ay kilalang-kilala ko na ang boses na iyon. Kinabahan kaagad ako ng matindi lalo na nang maramdaman ang presensiya niya sa likod ko. "Isasabay na kita pauwi." Saad niya.

Humarap naman ako at sinalubong ang mga mata niyang walang bakas ng anumang emosyon ngayon. "Hindi na. Kaya ko ng mag-isa." Natakot ako bigla nang makita ang pagtatangis ng bagang niya.

"Ipinakisuyo ka sa akin ng kuya mo." Mariing saad niya. Hindi ko alam pero ramdam kong may kakaibang lungkot na dumaan sa sistema ko ng dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na ito dahil sinabi na sa akin ni Kuya. Kaso kung napipilitan lang siya... wala namang problema kung hindi na niya gawin.

"Hindi ako matututong mag-isa kung isasabay mo ako." Pilit kong pinagmukhang matapang ang boses ko sa harap niya. Siya mismo ang nagsabi sa harap ko mismo at ng mga kaibigan niya na huwag akong umasa sa tulong ng iba. Na hindi ako pagsisilbihan ng mga tao. Tapos siya naman ito ngayong mag-aalok na isasabay na niya ako? Kung susumbatan niya rin lang ako, huwag na lang.

"Hindi ikaw ang masusunod dito." Nabigla ako ng higitin niya ako sa kamay at iginiya ako papaalis sa lugar na iyon. Maraming tricycle na nakaabang sa labas kaya hindi kami nahirapan ng masasakyan. Pinapasok niya ako sa loob saka siya tumabi sa akin.

Tahamik naman ako dahil sa sama ng loob. Buong byahe ay hindi ako nagtangkang kausapin siya. Wala akong balak kausapin siya. Daig pa niya ang kuya ko. Napakabossy niya. Pakiramdam ko ay kinakaya-kaya niya lang akong utos-utusan dahil hindi ako tatanggi o lalaban sa kaniya. Wala naman talaga akong laban. Kaya mananahimik na lang ako.

Sinamahan pa niya ako hanggang sa papasok sa gubat. Kung ganoon ay balak pa niya akong ihatid hanggang sa amin. Siguro ay takot siyang mapagalitan ni Kuya kaya niya ito ginagawa.

"Salamat sa paghatid." Walang ganang saad ko saka diretsong tumakbo paakyat sa bahay. Ni hindi ko na siya tinangka pang lingunin. Hindi na rin naman niya ako tinawag pa. Dumiretso ako sa kusina at hinanap si Lola. Naabutan ko siyang nagluluto ng sinaing.

Nagmano ako sa kaniya. "Kumusta ang skuwela?" Tanong niya. Pilit ko namang ginawang masigla ang ngiti ko.

"Ayos naman po. Nasaan si Lolo?"

"Nasa pastulan. Pabalik na rin iyon." Tumango ako at nagpasya munang uminom ng tubig bago magbihis. Umupo rin ako sa isang silya na naroon at pinanood si Lola habang nagpapahinga.

"Nagkita ba kayo ni Kahel kaninang umaga?" Tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

"Opo." Ang sama nga kaagad ng tingin niya sa akin kaninang umaga pa lang.

"Pumunta iyon dito kaninang umaga. Isasabay ka raw niya pagpasok. Ang tugon ko naman ay kanina ka pa umalis. Napakabait talagang bata ni Kahel at naisip ka pang isabay sa pagpasok. Sayang nga at nauna ka nang umalis."

Gulat naman akong napaahon sa pagkakaupo dahil sa narinig. "Oh bakit, apo? May problema ba?" Umiling ako at diretsong tumungo sa labas ng kusina upang sumilip sa bintana. Nagbabakasakaling maabutan ko pa siyang naroon pero wala.

Nakaalis na siya. Nasapo ko ang noo dahil sa pagsisisi.

Pumunta pala siya rito kaninang umaga para isabay ako?

Continue Reading

You'll Also Like

23.1K 961 34
College Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Je...
50M 2M 38
Hadley Jamison doesn't know what to think when she hears that her classmate, Archer Morales, committed suicide. She didn't exactly know him, but that...
147K 9.7K 17
"Draw me like one of your french girls." - smutwarning {♡} ~inspired by Titanic~ cover credit @MeerOcean9
60.3K 431 116
Gabriel Alexandra Elizalde & Jack River Dela Vega Started On: September 29, 2021 Ended On : April 29, 2022