Love Shot by CatchMe (Complet...

By CatchMeStories

63.6K 1.3K 52

Love Shot by CatchMe "Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, 'could I have this kiss forever?' Ayoko ng kiss... More

Sneak Peek
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Wakas
Rest in Peace, Neszie

Chapter 23

1.5K 18 0
By CatchMeStories

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 23

KANINA pa nakatitig si Neszie sa pares ng sapatos na binili niya.

Binili niya iyon kanina nang mamasyal sila ng ate at papa niya. Ireregalo kasi niya iyon sa darating na kaarawan ng nag-iisang itinitibok ng puso niya. Si Jz. Birthday na kasi nito apat na araw mula ngayon. Napakagat labi siya. Hindi kasi niya sigurado kung magugustohan nito ang ireregalo niya.

Bahala na.

Napadaku ang mga mata niya sa bugkos ng pulang rosas na nakapatong sa table niya. Inilagay niya iyon sa puting flower base at dinala nga rito sa kwarto.

Gusto kasi niyang nasisilayan ang kauna-unahang bulaklak na bigay ng mahal niya. Nagpakawala siya ng napakalalim na hininga.

Kailan pa kaya mahuhulog ang puso ng mahal niyang asawa sa kanya? May pag-asa pa kaya na umibig ito sa kanya?

Pabagsak siyang humiga sa malambot niyang kama.

Sana, umibig naman sa kanya si Jz. Nang sa gano'n ay kompleto na ang buhay niya. Siya, kasama ang ate Ruzielle at papa niya. At love pa siya ng lalaking matagal nang itinatangi ng puso niya.

Hayy...kung magkatotoo man sana ang pangarap niya na makatuluyan si Jz Zamora, tiyak na siya na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

"Jz, honey...kailan ka pa ba iibig sa akin? 'Pag di ka pa iibig sa akin, kukulamin na kita."

Parang sira na kausap niya sa sarili at niyakap ang sapatos na binili niya.

"Sana, magustohan niya ito." nasambit niya nang maalala niyang tawagan ang kaibigang si Jhoana.

Ipapaalam kasi niya rito na papasok na siya bukas bilang P.A. ng asawa niyang si Jz Zamora.

"BHE, TARA NA!"

Napatayo si Neszie matapos ayusin ang suot niyang sandalyas saka niya inabot ang nakabalot niyang regalo para kay Jz. March three pa lamang at may inihandangadvance party ang JTS Management para sa birthday celebrant ng alaga nitong Takeoff.

Nakasanayan na kasi ng management na bigyan ng advance party ang mga alaga nito dalawang araw bago ang kaarawan ng celebrant. Kaya kahit na March five pa ang birthday ng mahal niyang si Jz ay pinaghandaan na ito ng maaga ng JTS Management. Nang sa gano'n ay mailaan ng celebrant ang importanteng araw na iyon sa mga mahal nito sa buhay.

Kaya napagdesisyunan niyang ibigay na lamang sa gabing ito ang regalo niya sa binata at baka hindi pa niya iyon maibigay sa araw mismo ng kaarawan nito.

Hindi kasi niya alam kung magkikita pa sila ng binata sa araw na iyon o uuwi ito sa probinsya nito para makasama ang pamilya sa kaarawan nito. At para sure siya na maibigay niya ang regalo niya ay ibibigay na lamang niya iyon mamaya sa binata.

"Tara," sagot niya sa kaibigan at sumunod na rito. Sumakay sila sa Taxi para mapabilis ang pagpunta nila sa venue.

Ilang minuto silang nag-byahe at ilang sandali lang ay narating na nila ang lugar kung saan idinaos ang party ng binata. Maraming tao na ng dumating sila at dinig na dinig nila ang maingay na musika.

Nang makababa sila ng Taxi ay tuloy tuloy na silang pumasok sa loob. Sinalubong sila ng mga nakilala nilang kaibigan na sina Jo Anne Bolasco Abella, Aisha Elicano Luna, Mary Grace Vecino at Jhuday Arias na certified Takeoff fanatic. Agad na nagbeso-beso sila na siyang nakakasanayan nila tuwing nagkikita sila. Saka sila nito isinama sa table ng mga ito.

Uupo na sana siya nang may magsalita naman sa likuran nila. Isang baritono at pamilyar na boses na kahit nakapikit siya ay kilala niya kung sino ang may-ari no'n. Kaya malawak ang ngiti niya nang lingunin niya ito at masayang binati.

"Happy birthday, Jz. Pasinsya na at ngayon lang kami. May dinaanan pa kasi ni Jhoana," aniya na inabot dito ang dala niyang regalo. "Here, sana magustohan mo."

"Wow! Thanks, nag-abala ka pa. Anyway, dito ka na lang sa table namin. Kami lang naman doon eh. At saka Jhoana, kanina ka pa hinihintay ni Raffy. May pag-uusapan yata kayo." Baling nito sa kaibigan niya na agad namang pumayag.

Matapos makapagpaalam sa iba pa nilang kaibigan ay sumunod siya kay Jz sa table nito. Nagliwanag ang mukha niya ng malamang nandoon din pala ang kaibigang si Marivic. Masaya silang nagyakap at nagkamustahang dalawa bago siya ipinakilala ni Jz sa isa pa nilang kasama.

"Oo nga pala, Nes. Meet my younger brother, si Jhun."

"Hi, Neszie. Finally, I've meet you. Kumusta ka?" bati nito na itinataas ang kanang kamay.

Finally I've meet you?

Nalito yata siya. At kahit nahihiya man siya rito ay napangiti na lamang siya na tinanggap ang kamay ng kapatid ng mahal niyang asawa na si Jz. Or should she say: her future brother in law?

Hmmm..

"Okay lang, ikaw? Oo nga pala, nice to meet you too."

Sandali rin silang nagkukwentohan ng kapatid ni Jz kasama ang kaibigang si Marivic nang agawin ang pansin nila ng talent manager nina Jz na si sir James. Ang head ng JTS Management na siyang nagmamanage ng career ng kinabibilangan ng sikat na boy group ng bansa. Ang Takeoff.

They sang a birthday song to him then he blew his candle on his cakes saka nagbigay ng mensahe sa lahat ang birthday celebrant. Sa mga dumalo sa inihandang party nito, sa management na humahawak sa career nito, sa mga kaibigan, fans at sa kapatid nitong si Jhun na nagsadya pa sa Maynila para dumalo sa party nito.

"And to Neszie..."

Biglang uminit ang mukha niya when he mentioned her name. Napigilan tuloy niya ang paghinga nang mapadaku sa kanya ang tingin ng binata at gusto niyang itago ang mukha niya dahil halos nasa kanya na nakatingin ang lahat na naroon.

Kung bakit kasi napatigil pa sa pagsasalita ang mahal niya eh! At may patitig-titig pang nalalaman!

Hayon tuloy lumakas ang tibok ng puso niya na kung 'pwede lang na dukutin niya iyon at patahimikin ay sana ginawa na niya para hindi siya mabingi sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.

"Thanks for always there for me."

Nakangiti na't kumindat pa sa kanya ang binata dahilan ng pagtuksohin sila ng mga naroon. At ang puso niyang malakas ang kabog at gusto nang tumalon palabas dahil aminin man niya at sa hindi eh, kinilig siya ng bonggang bongga na para bang matutunaw ang puso niya.

Ewan nga ba niya. Hindi niya maipaliwanag ang mixed emotion na nararamdaman niya.

Napakagat-labi siyang ngumiti rito at napayuko. Nang sa gano'n ay maitago niya ang naghuhumiyaw niyang puso dahil sa kindat nito. At para iwasan na rin ang mga mapanuksong tingin ng karamihan na naroon.

Lalo na sina Marivic at Jhoana na nag-uumapaw ang boses sa panunukso sa kanila.

Ilang sandali pa at sinumulan na ang unlimited na kainan ng iba't ibang uri ng masasarap na pagkain. Pagkatapos ay bumaha naman ang iba't ibang inumin. Kaya nagsama na sila sa iisang mesa nina Jhoana dahil enjoy na enjoy rin ang kaibigan niya sa party.

Ngunit ang kasayahang nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay unti-unting naglaho nang dumating ang bruhilda sa buhay niya na walang iba kundi ang ex-girlfriend ng mahal niya. Si Manilyn kasama na naman ang mga alagad nito na nagparada.

Nagkatinginan sila ni Jhoana nang mawala ang ngiti niya. At tulad niya ay nawala rin ang ngiti ng kaibigan niya at 'di pa nito napigilang mapaismid dahil sa presinsya ng bruhilda sa buhay niya.

"Invited din pala ang babaeng 'yan?" bulong ni Jhoana na siyang sinenyasan niyang hayaan na lamang ang mga ito.

Natahimik siya nang lumapit sa kanila ang grupo ni Manilyn. At napatayo naman si Jz na sinalubong ang ex nito bago pa man ito makalapit sa kanila. Ang puso niya sinalakay na naman ng selos ng yumakap si Manilyn kay Jz. Malamang ay binati nito ang mahal niyang asawa. Okay lang naman sana sa kanya kung yumakap lang ito sa mahal niya. Pero hindi pa yata nakuntinto ang bruhildang babae sa yakap at pinilit pang halikan ang mahal niyang lalaki. At ewan niya kung saan tumama ang halik nito dahil mabilis siyang napayuko ng kanyang mukha. Hindi kasi niya kayang tingnan ang gano'ng eksena dahil pakiramdam niya ay nasusugatan ang puso niya.

Bakit ba laging ganito? O natural lang na ganito ang nangyayari kapag masaya ka?

Madalas kasing nangyayari sa kanya na kapag sobrang masaya siya eh, kasunod no'n masasaktan na naman siya? Hindi niya naiwasan ng malalim na paghugot ng hangin. At nang kanya iyong pakawalan ay pakiramdam niya may namuong luha sa mata niya. Pinilit lang niyang labanan na huwag lumabas iyon at baka lumabas siyang katuwa-tuwa sa mga taong naroon.

Sandali siyang nagpaalam kay Jhoana na pupunta lang muna siya sa comfort room para magbawas. Kahit na ang totoo ay gusto lang niya umiwas. Pero sa pag-angat niya ng kanyang mukha ay hindi na niya nakita ang bruhilda. Pati ang pinakamamahal niyang si Jz ay nawala na. At tanging ang nasilayan niya ay ang mga alagad ng bruhilda na sa ngayon ay nasa isang mesa na. Mas lalo siyang nasaktan na hindi niya maintindihan. Para kasing nilagyan ng suka ang sugatan niyang puso at sobrang hapdi no'n. Gusto niyang sumigaw para ilabas nag tunay niyang nararamdaman pero...may dahilan ba para gawin niya iyon?

Bakit? Sino ba siya sa akala niya? May karapan ba siya para gawin iyon? Isa lamang siyang hamak na personal assistant nito na ika nga ng ate Ruzielle niya noon ay isa lamang siyang atsay ng isang Jz Zamora. At wala siyang ni katiting na karapatan para magselos dahil isa lamang siya sa libo-libong fans ng binata na nahuhumaling dito. Naghahangad at nangangarap ng gising na tapunan siya ng kunting tingin. At kahit nga siguro maglakad siya ng paluhod sa Quiapo ay hindi pa dinggin ang imposible niyang hiling na sana...si Jz na lang ang mapapangasawa niya.

Sobra kasi siyang mag-assume eh! Sobra siyang umasa na magugustohan at iibig sa kanya ang binata. Kaya heto siya, nasasaktan ng hindi man lang nalaman ni Jz alam ang dahilan.

Lihim tuloy niyang kinastigo ang sarili habang patungo sa comfort room. Ngunit hindi sinasadyang masilayan niya ang hinahanap ng kanyang mata ang dalawang tao sa medyo tagong lugar. Hindi niya alam kung anong pinag-uusapan ng mga ito. At ang klaro lang sa malungkot niyang mga mata ay umiiyak ang bruhilda.

Did she plead an another chance to Jz? At pinagbigyan din kaya ito ng binata?

Napakagat labi siya.

Ano ba itong walang kwentang bagay na iniisip niya? Para tuloy nilalakumos ang mahapding puso niya. Kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtungo sa comfort room para doon ilabas ang hinanaing ng puso niya.

Agad siyang pumasok sa isang cubicle doon at hindi niya napigilan ang mga luha. Tila kasi ihi iyon na atat na lumabas sa pantog niya. At nang lihim siyang umiyak sa loob ng cubicle ay saka pa medyo gumaan ang loob niya.

Ilang sandali siyang nanatili roon at hinayaan ang sarili na bumalik sa normal ang nararamdaman ng puso niya. Pero aabutin pa yata siya ng umaga roon ay hindi mawawala ang sakit at kirot ng puso niya dulot ng bruhilda.

Dahil kahit pilitin man niya ang sarili na kalimutan ang nakita niya ay tila naman iyon nagsusumiksik sa isipan niya.

Useless din ang ginagawa niya sa loob ng cubicle kaya napilitan na lamang siyang lumabas doon at muling inayos ang sarili.

Nagretouch siya at nagsuklay ng kanyang buhok saka nagspray na rin ng paborito niyang pabango. Presentable na sanang tingnan ang ayos niya pero hindi niya maitago ang kalungkutan sa mga mata niya. At ang kirot sa puso niya ay hindi pa rin nawawala.

Napabuntong hininga siya na nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Mukha siyang namatayan sa nakikita niyang mukha sa salamin kaya mapait siyang napangiti.

"Kaya mo 'to, Neszie... Kaya mo 'to." Muli siyang napabuntong hininga bago lumabas ng comfort room.

Continue Reading

You'll Also Like

184K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
81.3K 546 7
He's a mess.. a complete mess. He's broken, devastated, a total wreck. He's ruthless. But I know he just wanted to be loved. And I would do everythin...
61.5K 1.3K 42
She lived almost a perfect life... That was she thought. Sa isang aksidente, mababago ang buhay ni Jane. In the midst of her struggle, isang lalaki a...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...