Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Heartaches.

796 19 0
By WinonaSaiz

Warson

Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at paswabeng naglakad papunta sa room namin. Kay aga aga eh nabubulabog na ang kagwapuhan ko ng mga fan girls namin.

Nakipag apir ako kina Sandrex at Rosas na parehong prenteng nakaupo sa chair nila. Sinalo ko agad ang susi na ibinigay nila sa akin. Napangiti ako.

"Happy 1st Monthsarry sa inyo. Tss. Akala ko di ka tatagal sa relasyon niyo ng ex mo." Umiiling na wika ni Sandrex.

"Alagaan mo yang sasakyan ko huh. Tss. Nakakaasar. Tss." Wika ni Rosas. Halata sa mukha nila ang pagkadisgusto. Wala namang reaksyon si Harold at tahimik lang na nagbabasa ng libro niya.

"Sabi ko naman kasi sa inyo guys eh. Iba naman kasi ang kamandag ng mga Rodriguez. Haha!" Wika ko. Ipiniling nila ang kanilang ulo at dumiretso ng upo. Badtrip ba silang lahat?

Minabuti kong umalis muna para hanapin si Sam. Kailangan niyang makuha ang isang susi na siyang ipinangako ko noon.

"Guys! Hahanapin ko lang si Sam!" Paalam ko saka dinala ang bag. Dumiretso ako sa Nursing Department at doon hinanap si Sam. Nakita ko ang nakakunot kong pinsan na nakatutok sa libro na hawak niya.

"Pandak! Nasaan si Sam?" Nakasalubong ang kilay na humarap siya sa akin.

"Di ba uso ang cellphone sa inyo at ako ang ginagawa niyong lost and found corner?" Nakangiti akong lumapit sa kanya at itinaas ang baba niya.

"Hehe. Oo. Nasaan ba kasi siya?" Umayos ako ng upo at tiningnan ang binabasa niya. Fifty Shades of Grey? "Hoy! Bakit ka nagbabasa nito huh!"

Namumula ang mukhang kinuha niya ito sa akin at tinago agad sa likod niya. Para sa mga matured na tao lang dapat ang babasahin na yun ah!

"Hoy! Hindi ka pa naman 18 ah? Bakit binabasa mo yan? At paano ka nagkaroon ng libro na yan?" Bago pa siya makasagot ay agad na pumasok ang babaeng kanina ko pa hinahanap.

"Irish? Hinahanap na pala ni Maam Sanchez yung libro ng FSOG ba yun? Kukunin niya na daw."

"Sam! Nagbabasa ka rin ba niyan?!" Sigaw ko sabay yugyog ng balikat niya. Natatawang napailing nalang siya at kinuha ang kamay ko na nasa balikat niya.

"Haha. Of course not. Alam ko na naman ang nilalaman niyan. Bakit ka nga pala nandito?" Nagtatakang tanong niya. Tumingin ako sa nakangiting si Irish at hinila ang kinuha ang kamay ni Sam paalis ng department nila.

"Teka? Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya habang hila hila ko ang kamay niya.

"May ibibigay ako sayo." Mabuti na nga lang at hindi na siya nagsalita ulit. Nakarating kami sa mini park ng school. Mabuti na nga lang at wala ring masyadong tao dito. Hinubad ko ang polo ko at inilatag sa damuhan para upuan niya.

"Umupo ka." Utos ko. Mabuti na nga lang at hindi na siya umangal pa at sinunod nalang ako. Kinuha ko ang panyo ko at inilagay sa legs niyang na exposed. Tss. Sino ba naman kasing nagimbento ng palda na yan. Dapat pinapapalitan na yan eh. Tss.

"Ano ba yung ibibigay mo at kailangan pang lumayo tayo dun sa office namin?" Nakangiti niyang tanong. Umupo ako katabi niya. Mabuti nalang at hindi gaanong mainit sa parteng ito. Humiga ako gamit ang dalawang braso ko. Inihagis ko sa kanya ang susi ng Lamborghini.

"Teka? Ano to?"

"Susi ng kotse yan malamang."

"Alam ko pero ano naman gagawin ko diyan?"

"Kainin mo baka malunok mo."

"Aish. Warson!"

"Susi yan ng Lamborghini na napalanunan ko sa bet namin. Diba nasa usapan natin na kapag umabot tayo ng 1 month ay ibibigay ko sayo ang isang premyo? Ayan na."

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi manlang siya nagsalita. Nakayuko lang ito at matamang nakatitig sa susing ibinigay ko. Hindi niya ba nagustuhan yun? Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya pero hindi ko alam kung paano magbasa ng isip ng tao. Aish.

"Hey. Wala ka manlang bang sasabihin diyan?" Tanong ko. Umupo ako at tumingin sa kanya. Itinaas ko ang mukha niya at nakita ko ang nanunubig niyang mga mata.

"A-ano ba naman kasi ang dapat kong s-sabihin ngayon diba? Haha. Siya nga pala. Happy 1st Monthsarry." Nagulat ako ng makitang may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Hahawakan ko sana siya pero iniharang niya agad ang kamay niya sa mukha ko. Bakit?

"Hindi ko matatanggap ang susi na iyan Warson. Alam ko naman na pinaghirapan mo yan ng isang buwan para makuha lang. At masaya ako dahil natulungan kita maski sa ganun lang na paraan. Alam ko rin na ang pagbibigay mo ng isang kotse sa akin ay isang paraan rin ng pagsasabing tinatapos mo na ang relasyon nating ito. Isang pekeng relasyon na paniwalang paniwala ang iba." Dagdag niya. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Manghihina na naman ako at magpapadala sa damdamin ko at ako rin ang masasaktan sa huli.

"Yeah. Thank You." Nakangiting wika ko.

"Hindi mo ba ako minahal ulit Warson?" Isang tanong na kay hirap sagutin. Puso at isip ko na ang naglalaban ngayon. Hindi ko maisip ang tamang kasagutan sa tanong na magpahanggang ngayon ay hindi ko gusto sagutin. Napabuntong hininga ako at umiling sa kanya. Yumuko ulit ito at hinawakan ang bibig para hindi mapalakas ang pagiyak niya.

"Bumalik ako sa Pilipinas para bumalik sayo Warson. Pinili kong maging fake girlfriend mo para malaman ko kung mahal mo pa nga talaga ako. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganun? Ako nalang pala ang nagmamahal sa atin. Bakit ko ba naman kasi ginawa ko pang iwan ka dati. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi mo na ako mahal Warson. Bakit?"

Yumuko ako para hindi niya makita ang guilt sa mukha ko. Kapag nakikita ko siyang umiiyak ay pakiramdam ko'y dinudurog rin ang puso ko. Naglalaban ang puso't isip ko. Natatakot akong iwanan niya ulit ako kapag nagkataon. Diyan naman kasi siya magaling diba? Ang mang iwan ng tao. Ang paasahin ako.

"Mahalin mo nalang ako ulit Warson. Please. Totohanin nalang natin ang relasyon nating ito. Para may dahilan akong manatili pa rito." Wika niya. Nakaupo ito paharap sa akin at nakahawak sa magkabilang balikat ko. Pilit itinataas ang mukha ko pero hindi niya magawa.

"Tigilan na natin to Sam. Tama na yung unang beses na nagpakatanga ako sayo. Ayoko ng maulit pa yung dating nangyari. Let's move on and treat each other as strangers from now on." Wika ko.

"No. Nararamdaman kong mahal mo pa ako Warson. Alam ko. Alam ko na pinipigilan mo lang rin ang sarili mong yan. Please Son. Come back to me now." Hawak hawak nito ng mahigpit ang kamay ko. Umiiyak ng umiiyak at nagmamakaawa sa akin. Gusto ko siyang balikan pero ayoko ng mangyari pa ulit ang nakaraan.

"Ginamit lang kita. Inuto at nagpauto ka naman. Hindi mo ba alam na gumaganti lang ako sayo? Paniwalang paniwala ka naman." Agad siyang napabitaw sa kamay ko at umiiyak na umiiling iling.

"Hindi talaga kita minahal Sam, ginamit lang kita. At yun ang tandaan mo." Tumayo ako saka iniwan siyang umiiyak at nasasaktan doon. Nasaktan rin naman ako. Mas doble ang sakit sa akin ngayon dahil alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang nagmamay ari nitong puso ko.

-----------------

"Son! Ano tong nabalitaan ko sa school na break na daw kayo ni Sam! Totoo ba yun?!" Pinatay ko ang music sa iPod ko at hinarap si Irish.

"Oo." Sagot ko. Humiga ako sa kama ko at ginamit ang kamay para maging unan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dumiretso ako sa bahay agad. Hindi ko akalain na kakalat agad ang break up namin ni Sam. Iba talaga ang nagagawa ng makabagong teknolohiya.

"Huh? Akala ko ba mahal niyo ang isa't isa? Paano nangyari yun. Teka? Paano. Hindi ko maintindihan." Naguguluhang wika niya.

"Ginawa ko lang yun para ganitihan siya. Pinaibig at iniwanan. Kagaya ng ginawa niya dati sa akin. Hindi ko alam na ganyan pala kayo kadaling utuin para mapaniwalang mahal ko talaga siya. Lahat ng yun ay kasinungalingan lang naman. Ha.ha.ha." Sagot ko ng walang kaemosyon emosyon.

"Akala ko. Akala ko mahal mo talaga siya. Gago ka ba! Bakit ginawa mo sa kanya yun! Nahihibang ka na ba! Nakakagago ka talaga kahit kailan! Bakit kailangan mo pang gawin yun sa kanya! Baliw ka talaga! Aargh!" Pinanghahampas niya ako ng unan sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya para tumigil sa panghahampas sa akin.

"Pumayag naman siya sa ganun set up eh. Ang tanga nga eh. Hindi manlang naisip na maari ko siyang gantihan. Malaking tanga." Natatawa kong wika. Hinampas niya ako ulit at pinagsasampal.

"Jerk! Sana di mo pagsisihan yang ginawa mo. Aalis na si Sam pabalik ng States for good. Sabagay, ano nga naman palang pakialam mo diba? Well, I am just informing you okay? Go to hell Son! Jerk!" Sinampal niya pa ako bago ulit lumabas ng pinto.

Isinarado ko ang pinto at dahan dahang umupo dito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Okay lang pala ang sinabi ko sa kanya kanina.

Sasabihin niya na mahal niya ako pero iiwan niya lang pala ako ulit? Nakakabanas. Ano bang tingin niya sa akin? Uto uto na pwedeng utuin na kung kailan niya ako gustong balikan ay babalik siya? No way!

Hindi kami laruan. May damdamin rin kaming nasasaktan.

Naiinis ako at lagi nalang ganito ang nangyayari sa love life ko. Si Sam lang ang palaging nangiiwan sa amin.

Bakit ba kasi ganun siya? Bakit kailangan niya pa akong iwan? Hindi ba niya pwedeng sabihin sa akin ang rason? Clueless pa rin ako.

Damn you Sam.

I hate you for giving me this heartache.

----------

Wattpad, movie marathon and pizza is my date today.
How 'bout you guys?
Hahahahaha!
Happy Independence Day guys!
Este Happy Valentines pala.

Keep on supporting guys!

xoxo,
redbons.

Continue Reading

You'll Also Like

276K 4.1K 17
Ok how about I will make 5 exclusive paperback copy of this? will you be interested?
601K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
72.8K 1.5K 36
Ma-arranged? Sa taong Hindi mo mahal! Masakit kaya? Pero paano kung mamahalin ko siya? Kaso nga lang plaboy siya. Masasaktan kaya ako? -Sharlene San...
86.1K 1.7K 34
Mission: Kill her Clue: Sacrifise is better than his life. The Mission ♥ The heirs of Suo family meets the Daughter of Mr. & Ms. Cheon Mafia vs. Gove...