Switched Bodies [EXO FF] [Com...

Від KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... Більше

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 10

2K 106 16
Від KarenKrisDeGuzman


Kabanata 10

 

Harriet POV

Omay-Geee! I’m here na sa South Korea! Grabe ang sarap langhapin ng hangin haha. 3 days ang hinintay ko para lang makarating dito. And now I’m here. It’s my time to shine! Ito na ang pagkakataon ko--- naputol lang ang paged-daydream ko ng bungguin ako ng mga kasunod ko sa pila.

“Araaay ha! Bastusan ba? Impakto!” sarcastic kong sabi. Libre magsalita haha tutal di naman nila naiintindihan eh. Oha!

Napailing na lang ako tsaka huminga ng malalim. I need to calm down. Hindi dapat masira ang compsure ko. Inayos ko muna ang aviator ko tsaka hinila ang maleta ko. Si itay ang susundo sa akin dito sa Incheon Airport.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa airport. Hindi ko na nga rin alam kung saang lupalop na ako nakarating, basta sinusundan ko lang ang mga nasa unahan ko!

At sa wakas, nakita ko rin ang receiving area kung saan nagaantay ang mga madlang people. May kanya-kanya rin silang karatula, damn asan kaya si itay?

Huminto ako saglit sa harap ng mga tao para isa-isahin ang tingin ko banners nila. Halos makabisado ko na ang mukha ng mga tao sa harap ko pero hindi ko pa rin makita si itay.

Nawalan na lang ako ng pag-asa ng unti-unting nawalan ng tao duon. Dala na rin ng sobrang kapaguran at nangangawit na rin ang binti ko sa pagkakatayo kaya naisipan ko na lang na maupo sa isa sa mga upuan malapit duon. Baka traffic or nadelay lang si itay.

Bakit kasi hindi na lang sya tumawag? Aish oo nga, kokontakin ko na lang sya. Bakit ba nakalimutan kong uso na pala ang smartphones?

Kinuha ko mula sa bulsa ng bag kong Gucci ang phone ko. Oha, Gucci yan! Class A nga lang haha, may tawad pa yan.

Agad kong hinanap ang pangalan ni itay sa contacts ko para matawagan. Agad kong narinig ang pagring nito ng itapat ko sa tenga ko ito, napakunot na langa ang noo ko ng may sumabay na ringtone.

Oh shoot! Halos mapa-pokerface na lang ako ng makita ang isang lalaki na na-indian sit sa gitna ng receiving hall. Likod pa lang ng lalaking iyon, ay alam ko na.

Kinuha ko agad ang mga gamit ko at pinuntahan ang lalaking iyon. Ng makarating ako sa likod nya mismo ay tumikhim muna ako na agad naman nakakuha ng atensyon nya.

Talking about epic moments? Pagharap ng tatay ko sa akin ay napateary-eyes agad sya. Oo tatay ko nga. Psh.

“Anaaaak! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako dito? Nilakihan ko na nga yung sulat ko sa bannger eh. Bakit hindi mo ako nakita?”

Ayaw ko na sanang sagutin ang tanong nya. Inabot ko mula sa kanya ang banner tsaka hinarap sa kanya. So now you know kung bakit.

“Ay hala, baligtad pala yung hawak ko haha. Sarreh naman anak. Naexcite kasi ako eh!” sabi nya sabay kamot ng batok nya.

Naalala ko tuloy ang unang pagkikita ko at ng EXO, ganyan din ang eksena. Siguro nga, mana mana lang yan. Phew!

Patuloy lang si itay sa pagwewelcome sa akin at sa pgbibigay ng history about Korea hanggang sa tumawag kami ng taxi. Sa hotel muna ako tutuloy dahil hindi ako pwede sa barracks nila itay.

“So, anong plano mo ngayon na nandito ka na? pupuntahan mo ba agad sila?” tanong sa akin ni itay.

Yung pagtitig ko mula sa bintana ng taxi ay napadako naman agad ang tingin ko sa kanya. Anon a nga ba?

“Hindi ko pa alam itay, siguro personal ko na lang silang pupuntahan sa SMEnt.”

“Uh ganun ba anak? Ano kasi… anak, hindi ganun kadali ang makapasok sa SMEnt. Mga artists, trainees at staffs lang ang pinapapasok duon.”

Literal na napanganga ako sa sinabi ni itay. Seriously? Pero bakit?

Mukhang nahalata naman ni itay ang pagkabahala ko. “Ganito kasi yan anak, syempre inaalagaan at iniingatan ng management ang security ng mga artists kaya mahigpit talaga sila. Pamilyar ka naman siguro sa mga sasaengs diba?” halata sa boses ni itay ang sinseridad.

Talaga ngang napakataas ng EXO, di ko sila mareach! So paano na? Baka makasuhan naman ako kapag pumuslit ako doon sa loob, at ayokong gamitin ang tatay ko. Baka matanggal pa sya sa trabaho. Haaays! Mamaya ko na lang siguro iispin iyon. Pagod ako at hindi ako makapag-iisip ng tama. Kailangan ko muna sigurong magpahinga.

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa pagbyahe hanggang sa makarating kami sa hotel na tutuluyan ko.

Kinausap muna ni itay ang receptionist bago kami tumuloy sa kwarto kung saan ako pansamantalang titira. Si itay na ang nagbukas sa pintuan at tinulungan akong maipasok ang mga gamit ko. Hindi na ako nagabalang busisihin ang buong kwarto, masyadong pre-occupied ang isip ko para sa diskarte kong makalapit sa EXO. Nakakita ako ng sofa at agad na naupo doon, hinayaan ko na lang na bumagsak ang katawan ko. Nakakastress!

“Sasamahan muna kita ngayon hanggang sa isang araw. Nagleave kasi ako ng 3 days.” Malambing na sabi ni itay tsaka umupo sa tabi ko. Naglean naman ako sa tatay ko at yumakap sa kanya.

Marahang sinuklay ni itay ang buhok ko. “Huwag mo munang isipin ang EXO, ibigay mo muna kay tatay ang atensyon mo hanggang sa isang araw. Nagsisimula na akong magselos dahil mas love mo na ata sila.” Pangungulit sa akin ni itay na syang nagpangiti sa akin.

“Itay ikaw pa rin ang first love ko noh! Tinutulungan ko lang ang EXO dahil may malasakit ako sa kanila.” Paliwanag ko sa kanya, alam kong nagsisinungaling na lang ako sa sarili ko dahil ang totoo ay may iba pa akong dahilan. Dahilan na ako mismo ay hindi ko alam.

Sa ginagawa ko ngayon, pagmamalasakit pa rin ba ito? Kasi feeling ko hindi na bagkus ay mas may malalim pang dahilan.

~

Nagdaan ang dalawang araw na tinuon ko ang atensyon ko sa pagbobonding namin ni itay. Nakatulong naman ito dahil mas makakapagisip na ako ng tama sa kalagayan ko ngayon.

Ngayon na din ang araw ng pagbalik ni itay sa barracks, may duty na ulit sya bukas. At sa oras na bumalik doon si itay, kailangan ko na ring pag-isipan ang hakbang na gagawin ko para makalapit sa EXO.

Speaking of EXO.

Bakit simula ng dumating ako dito ay wala akong nababalitaan mula sa kanila. Mainit pa rin ang balita ukol sa mga failed performances nila pero bakit hindi man lang sila gumawa ng statement. Kahit saang shows, wala silang guestings. Nakapagtataka naman ang biglaang pagkawala nila.

Kung nagkataon ngang wala sila ay mas malaking problema na naman iyon dahil hindi ko na alam kung saan ko sila hahagilapin.

“Anak, aalis na ako. Ikaw na ang bahala dito, magiingat ka lagi. Yung mga bilin ko sayo. At isa pa, wag mong masyadong i-risk ang buhay mo para lang makalapit sa EXO.”

Siguro mga 12 times ng nasabi ni itay yan sa akin, kaya tuwing inuulit na naman nya iyon ay napapa-irap na lang ako.

Hanggang sa labas ng hotel ko na lang hinatid di itay, sya na daw ang bahala. Ng makaalis na sya ay agad naman akong nagtungo sa kwarto at inopen agad ang laptop ko.

For the first step, kailangan ko muna i-stalk ang EXO. I need to confirm na nasa SMEnt pa rin sila.

Hindi ako nakuntento sa pagkakaupo ko kaya tuluyan na akong dumapa sa kama habang nasa harap ko ang laptop. Mas kumportable ako sa ganitong posisyon.

Nagbrowse lang ako sa ng news sa kanila, pati ang blogsites, at fanpage at forums at kung anu-ano pa para lang mahagilap ko sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga comments ng matuon ang atensyon ko sa isang picture na kuha mula sa dorm nila. Napangiti na lang ako dahil kahit stolen shot iyon ay nakangiti pa rin sila, anumang problema ay dinadaan pa rin nila sa matamis na ngiti.

Wala ng guestings at shows ang EXO! Whhhhyyy?

Maybe they’re preparing for their comeback…hopefully.

I saw them at SM town yesterday.

I have a cousin na nagtatrabaho there, the weird thing is nasa training room sila with the rookies and other trainees.

Maybe they are training again because they’re not good enough.

Napangiwi na lang ako sa mga nababasa ko. Imba talaga ang level ng mga fans dito sa Korea, daig pa ang stalker, alam agad ang balita.

Ng makabuo na ako ng plano ay agad kong sinara ang laptop ko. I’ll start my operation-tuksuhin ang EXO este lapitan ang EXO tomorrow.

~

“We love you E.X.O!”

Patuloy lang ang pagchachant namin sa harap ng SMBuiliding. Oo namin, nakiFC na ako sa mga exostans dito. Pinipilit nilang palabasin ang EXO. Nakikiusap sila sa management na bigyan ulit sila ng mga shows at tv guestings.

“Wala ang EXO dito. Magsiuwi na kayo.” Sita ng isang guard. May kasamahan pa syang apat na guard na nasa likod nya.

Dahil sa sinabi ng guard ay mukhang lumabas ang mga tinatagong sungay ng mga fans kaya sinugod nila ang mga ito para pagtulungan. Yun naman ang naging cue ko para pumuslit papunta sa entrance.

Yes! Makakapasok na ako! Yes! YE---?

“Miss sino ka?” uh-oh! May dalawang guard pa pala sa entrance, totoo ngang mahigpit ang security dito. Naman oh! Andun na eh, nasa  hall na ako eh! Tsk!

napapikit na lang ako tsaka dahan-dahang humarap sa kanila. Nagpeace sign lang ako pero hindi sila nagpatinag at agad na dinaluhan ako.

“I.D mo?” ng wala akong naipresent na id ay agad nilang hinablot ang magkabilang braso ko at binitbit sa labas.

Habang papalabas ay pinilit ko pa silang bigyan ng mga reason para papasukin ako sa loob. Leshe, saksakin ko na sila ng taking ng sapatos ko eh. Ayaw pa rin akong paniwalaan.

“Tae, may kakilala ako sa loob. Kaya papasukin nyo ako!”

“Kaibigan ko ang EXO! Kakausapin ko lang sila.”

“Hoy, humanda kayo dahil major investor ako ng SM Entertainment!”

“I will sue the two of you for this! Em gonna call my lawyer to file a case!”

“Hey damn you! I’m a representative from VMA committee, may appointment ako with the CEO!”

“Hayup kayo! Ako ang kabit ni CEO!”

Kung anu-ano na lang ang dinahilan ko habang patuloy sila sa pagbitbit sa akin palabas.

“Hoy bitiwan nyo ko! Leshe!” sigaw ko, tinapat ko yun sa tenga nung isang bumibitbit sa akin. Mabingi ka sanag impakto ka!

“Akala mo makakalusot ka ha, marami ng gumawa ng ganyang diskarte!” sigaw din ng guard sa akin.

Ng maibaba nila ako ay inayos ko agad ang sarili ko sa harapan nila. Uhuh, akala nyo ha. No choice, plan B nah!

“Uhm, sige na oppa. Puleaaash! Makukuha pa naman ito sa magandang usapan diba?” I said with a sweet but fierce tone. Tsaka ko pinagapang ang kamay ko sa balikat nilang dalawa. halos masuka ako sa pinaggagawa ko. Pero desperada na ako.

Kita ko naman na napa-gulp sila. Konting-konti na lang ay bibigay na sila. Yan nga!

Magtatagumpay na sana ng biglang may tumawag sa kanila. Isa ata sa mga kasamahan nila. Bwiset! Napalayo tuloy ako sa kanila. Ieew!

“I-Ikaw! Wag ka ng magtangka na makapasok! Hinding-hindi ka makakapasok dito!” sigaw sa akin nung isa. inirapan ko lang sya pabalik. Gegu!

Padabog na lang akong naupo sa sahig na malapit sa entrance. Shitness lang, paano ba ako makakapasok doon?

Nakanguso lang akong nakatitig doon habang pinagmamasdan ang mga taong pumapasok doon. Mga staffs sila.

Aalis na sana ako doon ng makuha ng atensyon ko ang isang babae na hinarang ng guard. As usual hinanapan sya ng id.

‘Ay hindi pa kasi narerelease and i.d ko. New trainee lang kasi ako dito, isa ako sa mga nakuha sa audition last week.’

Tumango lang yung isang guard na nagpaalis sa akin kanina at pinapasok ang babae.

WTF! Ganun lang yun? Aba, mas mukha pa akong artista dun sa babaeng iyon ah! Bakit pinapasok nila agad? Ambilis naman nilang maniwala.

Kasunod nya ay ang isang bakla na mas oa pa kay BB gandang hari ang get up. Katulad ng nauna ay hinarang din sya at hinanapan ng id pero wala din syang naipresent.

‘Duuh! Ako ang make-up artist ng f(x)! hindi ko kailangan ng i.d noh. So chupi na nga kayo, dadaan ang diyosa!’

Pagkatapos nyang sabihin yun ay pumasok na sya sa loob ng walang kahirap-hirap. Hindi man lang sya binawalan ng dalawang siokoy na guard. Bastusan? Kanina, andami kong dinahilan pero hindi ako pinapasok!

Pero sa mga nakita ko kanina ay nakabuo ako ng isang plano. Mula sa babaeng new artist daw at sa baklang tagamake-up. Now I know what to do.

Be prepared… cause I will return! Tss.

--------------

Продовжити читання

Вам також сподобається

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
42.9K 1.8K 18
COMPLETED. UNEDITED. One Australian boy. One Filipina Girl. Two hearts. One answer. Boss and an employee. How would thing end up, kung sila ay magsas...
16.3K 342 53
Two pure hearts, two pure souls. Hundred memories. Thousands of craziness. Million promises. Countless smiles. Jokes that have never gone out of styl...
80K 2.2K 25
Sagrado ang kasal kaya dapat kung sino ang mahal mong totoo ay siyang dapat mong pakasalan.. "Oo nagkamali ako na hindi pagsipot sa kasal, at pinagsi...