Chapter 24

40 4 0
                                    

FIANCÉ

“Good afternoon.”

“Likewise.” pagbati ko sa kaniya pabalik.

Hindi ko inaasahang nagpa-reserve pa siya ng table, pagkarating ko kasi sa resort, sinamahan na ako agad ni Allison. She said that I have a meeting with Miss Lopez. I forget to tell her what time Iʼll be arriving here but then my timing is perfect. Pagkarating ko ay kakapunta pa lang niya sa restaurant. Kaka-serve lang din ng mga orders niya. Though, hindi lang iyon para sa sarili niya, nag-order din siya ng para sa akin. Saktong sakto hindi pa ako nag-aalmusal.

Sumimsim ako sa kape na nasa harap ko na batid kong akin kasabay ng pagsubo niya ng in-order niyang macaroons.

“By the way, ano ʼyung sasabihin mo sa akin?” sabi ko. Ipinatong ko ang tasang pinag-inuman ko ng kape sa may platitong pinagpatungan nito kanina.

The creamy coffee completed my morning. It was my favorite. I guess she asked Allison about what I drink early in the morning.

“But before we talk about that, thank you for this coffee, itʼs my favorite.” nakangiting saad ko saka sumimsim ulit ng kape.

“I wanted to tell you that my father wants to buy your resort.”

Nagulat ako at dahil sa gulat ay muntik kong maibuga sa kaniya ang kapeng iniinom ko. Mabuti na lang ay marunong akong magpigil.

“Why?”

I donʼt want someone to buy this because I donʼt want someone to own this except for me. This was meant to be mine someday. I am my old manʼs successor of this property.

“I donʼt know why and it freakin bothers me night and day.” sabi niya saka awtomatikong napagkrus ang braso.

“Kailan pa naisip ng Dad mo yon?” masungit kong tanong saka umorder ng tubig. Everythingʼs free kapag ako na ang umorder, because Iʼm the COO of course and my Dad wouldnʼt mind.

“Last week pa.” mabilis na sagot niya.

Matagal tagal na din pala eh bakit ʼdi pa niya sabihin sa pamilya namin ng personal nang wala na siyang pinoproblema ngayon.

“Napagusapan na ba nila ng Dad ko?”

Umiling siya. “Nope, not yet. But heʼs planning to.”

“Tell him to stop his nonsense plans that includes one of our properties.” sineryoso ko ang tono, ang mukha, at ang bawat sasabihin niya. Nang sa ganon ay maintindihan kong mabuti at mabilis akong makaisip ng gagawin para sa ganitong sitwasyon.

“But I already tried that. Heʼs unstoppable. If I stop him again, he will make me marry you.” sabi nito at ʼdi magkandaugaga sa madiin na paghaplos sa palad niya. Ang paningin niya ay kung saan saan dumadapo dahil hindi niya na alam ang halos lahat ng gagawin niya.

“Oh, you donʼt wanna stop him again because you dont want to marry me?” napangisi ako sa hindi malamang dahilan.

I only smile unreasonably when it comes to Crystal but this, this is far different from her. I canʼt even help but to smile.

“Of course! Because I donʼt like you, duh?” sabi nito.

Natawa naman ako sa inasta niya pero nang tignan ko siya pagtapos kong tumawa, masama ang tingin niya sa akin.

“Everything takes time.” makahulugang tugon ko sa kaniya. Inantay kong makuha niya ang ibig kong sabihin at bigla na lang nagsalubong ang kilay niya. Sobrang naiinis na siya siguro sa akin.

“How dare you!” sigaw nito at hinampas ako ng paulit ulit sa balikat. “Nakakainis ka Calvin!”

“So iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin kaya mo ako pinapunta dito?” pag-iiba ko sa usapan.

Owned And Treasured ✔︎Where stories live. Discover now