Chapter 18

83 7 0
                                    

PATHETIC

“Bro, ayos ka lang?” tanong ni Leonardo sa kabilang linya. Kapansin pansin ba ang pagiging tahimik ko. What I meant is lagi naman talaga akong tahimik pero minsan ay ʼdi na talaga umiimik.

Isang araw na ang lumipas nang umasa akong darating siya dahil sinabi niya sa akin iyon pero it ended up na walang Crystal na dumating. Kahit ang mensahe mula sa kaniya ay wala akong natanggap.

“Ha?” para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses ni Leonardo. Hanggang ngayon kasi umaasa ako na pupuntahan niya ako rito.

“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”

“Wala ako sa mood makinig sa mga walang silbi mong kwento, okay?” Sarkastiko ko siyang sinagot.

Nakikinig naman ako kanina sa kaniya pero biglang nawala ako sa focus sa mga sinasabi niya. Naalala ko pa ay nagkukwento siya about sa audition ng magaling na panganay namin. Like hell I care with him. Wala naman akong kahit kalahating interes sa kanilang dalawa, maliban na lang kung may kinalaman kay Crystal.

“Okay ka lang bro?” Tila naulit lang ʼyung tanong niya kanina. Hays... Nawala talaga ako sa sarili ko.

“Ah oo.”

“Talaga?”

“Nagtanong ka pa kung ʼdi ka maniniwala. Tss.”

Binaba ko na lang ang taʼwag dahil hindi ko kinaya ang pakikipag-gaguhan sa kaniya. Itʼs like tumawag siya at akala ko maiksing usapan lang ang magaganap pero pinahaba pa ng isang oras. Grabe ʼyung mga kwento niya tumagal ng ganoon.

Sinubukan niyang tumawag ulit pero hindi ko ito sinagot. Pinatay ko na lang ang cellphone ko nang wala na talagang makatawag sa akin. Gusto ko lang ʼyung laging tahimik.

Nagtungo ako kay Jamie upang pakainin siya tulad ng lagi kong ginagawa at hinayaan na siya kumain nang maisalin ko na ang pagkain niya.

Patungo na ako sa maliit na garahe ng bahay ko para tignan ang loob ng kotse ko kung dapat ko na bang linisan pero napagtanto kong malinis naman ito. Nang lumabas ako sa kotse ko nakarinig ako ng halakhak mula sa labas ng gate—na halos kaharap lang ng kotse ko—boses babae iyon. May narinig din akong boses ng lalaki at siguro ay nagkukwentuhan sila kaya natawa na lang ang babae. Maya maya ay unti-unti nang humihina ang mga boses na iyon at naririnig ko iyon sa bandang kanang direksyon.

Kanang direksyon...

Teka...

Kanang direksyon din ang bahay nila Crystal...

“Hindi kaya...”

Agad akong napatakbo palabas ng gate upang silipin kung sino ang narinig ko kani kanina lang. At halos matumba ang katawan ko, muntik itong mawalan ng balanse dahil tila naestatwa ang katawan ko habang pinapanood ang babae—na humalakhak kanina lang—na nakahawak sa kamay ng lalaking batid kong nagmamay-ari ng boses na narinig ko.

“Namamalik-mata lang ba ako?” tanong ko sa sarili ko habang kinukusot kusot pa ang mata ko upang maklaro. Para kasing kilala ko ang mga iyon.

Si Crystal... Kahawak kamay niya... Si Adrian.

Nabura ang lahat ng masayang bagay na tinira ko sa isipan ko. I canʼt think straight anymore. What the fck?

I canʼt stare at them for a long time so I went back so I can think about it inside instead of letting my tears fall while staring at them. I donʼt even wanna be caught and called dumb. Sa bagay totoo ʼyon kung magkakataong mangyayari iyon.

Owned And Treasured ✔︎Where stories live. Discover now