Chapter 23

33 2 3
                                    

SUCCESSOR

“Sir Calvin, dala ko na po ang breakfast niyo.”

Narinig ko ang katok mula sa pintuan. Dinig kong si Allison na iyon.

Nakadapa lang ako sa kama ko habang nagbabasa ng librong nakita ko sa table. It was all about poetry and quotes. Some of it naman ay nakakarelate ako but mostly hindi.

Tumayo ako sa kama at inayos ang damit. Pinagbuksan ko si Allison. “Good morning.” bati ko.

Buti na lang at maaga akong nagising at nakapaghilamos. Para naman magmukha akong kaaya-aya sa kanila.

“Good morning Sir Calvin, enjoy your breakfast.” sabi nito, inilalahad ang tray sa kaniyang dalawang kamay. Kinuha ko agad iyon nang hindi siya mangalay at hindi lumamig ang pagkaing batid kong kakaluto at mainit pa. Saka yumuko na pinaparating na aalis na siya at babalik na sa trabaho. Tumango naman ako sa kaniya at nginitian siya.

Nagsimula akong kumain nang makita ko ang oras, 6:30 am. Maaga aga pa pala. Mamayang kaunti ay babalik na ako sa bahay. Nameet ko naman na si Bliss. Hindi ko rin akalain na magkakilala sila ni Crystal. Tila napatunayan lang na napakaliit ng mundo para magkakilala kami.

Nang matapos kong maigayak ang sarili, lumabas na ako sa silid at bumaba na sa lobby. Pagkarating ko roʼn ay agad kong nakita si Bliss kaya lumapit ako sa kaniya.

“Ang aga kong nagising.” aniya habang naghihikab pa. Bagong gising lang siya at antok na antok pa.

“Good morning.” agad na bati ko at napatalon siya sa gulat nang mapansing nandito pala ako.

“Calvin! Wag ka ngang manggulat.” saway niya sa akin. Mahina ko naman siyang tinawanan.

“Anong oras ka ba dapat magising huh?” tanong ko pa.

Tinignan naman niya ako habang inaayos ang buhok niyang medyo magulo. “I wake up usually at 11:00am.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sagot niya. Talaga bang ganoʼn kapag mayaman? Gumigising ng tanghali? Mayaman din naman ang pamilya namin pero ni hindi man lang ako nahuli ng gising. Siguro dahil sa nakasanayan ko lalo na noong mga araw na may trabaho ako. Maaga ang shift ko kaya maaga rin dapat magising. Unlike my brothers, nararanasan lang nila ang maagang magising kapag may pasok.

“What the heck?!” gulantang na tanong ko. “E bakit nga ba maaga kang nagising?” dagdag ko pa.

“Siguro dahil sa nangyari kagabi?” hindi siguradong tugon niya. Pero ako, nasisiguro kong ang tinutukoy niya ay ang paglibot namin sa buong resort. “I enjoyed a perfect moment last night. Even though Iʼm not with the one I like the most, I still get to experience one of the perfect moments of my life.”

Napangiti siya kaya napangiti rin akong bahagya.

“Did you know, I was on the way to depression but you came and saved me. I really owe you one.” nakangiting saad nito.

“Thank you for making me realize something.” Tugon ko.

Kumunot naman ang noo niya. “Hmm? What is it?”

“That I have a reason to love my self.”

“Then youʼre welcome.” sabi niya saka umastang tila nasa palasyo at iniyuko ang ulo.

Owned And Treasured ✔︎Where stories live. Discover now