Chapter 19

68 7 0
                                    

DINNER

As I walked straight along the hallway I heard cheers from the window I passed by. But then, as I heard those, I started hearing gossips too.

“Congratulations Aces!” sigaw ng karamihan lalo na ang kababaihan. May mga banner pa at ang nakasulat doon ay ang mga pangalan ng mga miyembro.

Nagtipon-tipon lahat ng mga fangirls nila roon sa may open field. May performance kasi sila roon. Free style kung tawagin nila.

Narinig ko sa paligid ko ang pag-uusap ng iba pang studyante. Mapababae man o lalaki. They are all talking about Adrian. Kakapasok ko pa lang sa campus iyon na agad ang narinig ko. Nasira na agad ang araw ko.

Dumire-diretso na lang ako sa hallway at hindi na pinansin ang mga naririnig ko na may kinalaman sa kapatid ko. Naisip ko rin kasi agad na ako pa rin ang sarili ko kaya dapat wala akong pakialam sa paligid ko.

Habang naglalakad ako, nagulat ako nang bigla akong napatigil. Tila ba nagkusa ang paa ko sa pagtigil sa paglalakad.

There was someone calling my name. And based from the voice, I know who it is and itʼs my younger brother.

“Saan ka pupunta?” agad na tanong nito. Malakas ang boses niya at hindi na nagbabago iyon. Kahit nasa malayo ka at kahit na hindi ka niya sigawan ay maririnig mo siya gamit ang normal na lakas para sa boses niya.

“Sa klase ko.” walang emosyon ko namang sagot. Natawa siya at napailing sa sinabi ko. May mali ata sa sinabi ko para mapailing siya ng ganoʼn habang natatawa pa. Is he playing a game with me? Well I donʼt have time for that.

“Your class is this way, sir.” aniya at umakto pang tila isang butler na pinagsisilbihan ang amo nito. Iniyuko niya ang katawan at iginiya ako patungo sa kabilang direksyon. Nagtaka naman ako agad sa ikinikilos niya.

Uhm no, my class is where Iʼm heading to, not at his.

“My room is this way.” turo ko sa kanang bahagi ko. “Your room is that way.” turo ko naman sa kaliwang bahagi.

“Nakalimutan mo na ba na sa simula ngayong lunes ay lilipat ka na sa kurso namin?” tanong nito. Natawa ulit.

“Ngayon ba talaga ʼyon o sa susunod na lunes pa?” tanong ko rin sa kaniya. Kinaklaro ko pa ang bagay bagay.

“Bro, ngayon ʼyun.”

Wala naman na akong magagawa at hindi na ako makakaatras pa. Nagsimula na akong lumakad at ramdam ko namang sumunod na siya sa akin.

Pagdating ko sa classroom, pumasok agad ako at bumungad sa akin ang mga abala na mga magiging kaklase ko. Dahil alam kong kasama nila si Crystal, siya agad ang hinanap ko. Lumingon lingon ako sa paligid at parang hindi siya pumasok dahil wala siya, hindi ko siya makita.

Sinubukan kong igala ulit ang tingin ko sa buong silid baka hindi ko lang siya napansin pero wala talaga. Hindi ba siya pumasok?

Hindi ko na naisip na itanong kay Leonardo na kakapasok lang halos. Nauna akong makarating dito at makapasok dito. Hindi ko na tinanong sa kaniya dahil baka mahalata niyang mayroon kaming ugnayan ni Crystal.

Kung ayaw ni Diamond na ipaalam kay Adrian na magkakilala at malapit kami sa isaʼt-isa, mas lalong ayaw ko. Kasi batid kong kapag umabot sa kaniya ang impormasyon na iyon, paniguradong hindi lang siya ang makakaalam, maari kasing sabihin niya kay Dad o ʼdi kaya ay kay Mom. Pero hindi ko na dapat isipin kung malalaman ni Mom dahil alam na talaga niya. Sinabi ko na ang tungkol doon kaso nga lang hindi ko binanggit sa kaniya ang pangalan ni Crystal. I just said I like her.

Owned And Treasured ✔︎Kde žijí příběhy. Začni objevovat