Chapter 17

76 10 0
                                    

GAVE ENOUGH

"Adrian, mahal na mahal kita..."

Iyon ang huling sinabi ni Crystal sa cellphone niya.

"No, Iʼm choosing you over him."

Nagpaulit-ulit sa isip ko iyong sinabi niya kanina. Naglaro ito sa memorya ko at nakakasiguro akong hindi ko agad iyon makakalimutan. ʼYung sinabi niya ngayon lang ay hinding hindi ko maitatanggi na aabutin ng maraming araw bago makalimutan at tuluyang maalis sa isipan.

Nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha kong namuo sa mata ko. Sa pagsunod-sunod nito ay halos hindi na mapigilan dahil sa bawat pagpunas ko rito ay mayroong tumutulo ulit.

Siguro magpapanggap na lang ako na hindi ko narinig ang mga sinabi niya kasi nasasaktan ako eh. Nagsimula akong humiling sa taas na sana hindi ko na lang narinig ang mga salita niyang binitawan sa akin. Sana hindi ko na lang narinig kung paano niya sabihin sa kapatid ko kung gaano niya ito kamahal.

"Calvin?" agad akong hinanap ng tingin niya. Napalingon naman ako sa kaniya agad. "Are you crying?" tanong niya.

"Iʼm not crying." kasabay ng pagsisinungaling ko pagdating sa nararamdaman ko ay ang pagpapanggap ko na wala akong kahit isang salitang narinig.

"Ahm, by the way, dinner is ready. Letʼs eat." aniya. Iniangkla niya sa braso ko ang kamay niya. How sweet of her...

Hinila niya ako sa dining area at sabay kaming umupo sa harap ng table. Bumungad naman sa akin ang putaheng batid kong niluto niya. It has porkchops and itʼs brown. It has oil under those porkchops and it has something mixed on the oil. I donʼt know what itʼs called. It also has some thin-chopped onions. Kumunot naman ang noo ko habang tinitignan iyon.

"Hey, diamond?" Nilingon ko siya. Nasa tabi ko lang siya at nagsisimula na siyang kumain samantalang ako kanina ko pa tinitignan ang ulam.

"What?" tanong nito at ʼdi man lang ako nilingon nito. "Kumain ka na." aniya.

"What do you call this dish?" tanong ko habang tinuturo pa ang ulam. Iʼm dying to know what itʼs called fuck!

"Ngayon ka lang nakakita ng ganiyan?" natatawang tanong nito.

"I wouldnʼt mind asking If I know this." I rolled eyes on her like a pissed guy who hates to be laugh at.

"Itʼs Adobong baboy." simpleng sagot niya.

"What does it taste like?" tanong ko pa ulit. Iʼm just new to this food.

"Take a bite para malaman mo." sarkastiko niyang tanong sa akin.

"What if itʼs poisonous?" paniniguro ko naman.

Tumigil siya sa pag-kain. Tumayo siya at hinampas ako sa balikat. Ang sakit ah. "Anong poisonous sinasabi mo? Edi dapat kanina pa ako nalason, tsk."

Nang bumalik siya sa pagkakaupo ay saka ko lang naisip na sumagot. "I may be allergic to that, you know?"

"ʼYung ingredients na ginamit ko ay galing lahat sa stocks mo. Donʼt even tell me na bumili ka ng mga pagkaing alam mong allergic ka?"

"Fine Iʼll eat it!" Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor at nagsandok ng ulam sa plato ko. "Siguraduhin mong masarap ʼto ha!" dagdag ko pa bago ko hiwain ang porkchop. Sumubo ako ng maliit na piraso, maliit lang muna baka kasi ʼdi ko magustuhan ang lasa at masayang ko lang ito.

Nang kumagat ako sa karne ay grabe na lang ang gulat ko dahil masarap ito. "Oh ano? Masarap luto ko?" tanong nito na halos ʼdi ko maintindihan dahil ngumunguya siya.

Owned And Treasured ✔︎Where stories live. Discover now