Chapter 6

170 15 10
                                    

CURIOSITY

Kung galit siya sa akin bakit niya ako papupuntahin? Tanda ko rin ʼyung mga araw na magkasama kami, thereʼs nothing wrong with that. We ainʼt got a problem nor an argument. Then what is her problem? Iʼll take a wise guess... She donʼt want us to be exposed to my brother.

I often call Adrian my brother in my mind but if someone would ask me—do I treat him like my brother?—Iʼd say no. Because I donʼt want to.

He judged me for what he sees in me physically. He didnʼt even have a thought about my feelings. He always put his decisions wrong in the front line. Heʼs my hell.

A home where I learn to be the devil, the worst, someone who should be fear of. Yes, thatʼs me.

“So ano? Pupunta ka ba?” Tanong ni Leonardo. Akalain mo nga naman na nandito pa rin siya. Akala ko ay nilubayan niya na ako. Talagang hindi niya ako tatantanan.

“Sige.” napilitang sagot ko naman. Tumikhim siya at sinamaan ako ng tingin. Ano na naman ba ang ginawa kong masama para lahat sa mansyon na ito ay ganyan tumingin sa akin. “Itʼd be rude of me if I decline an invitation, right?”

“Kung nagpapanggap ka na talagang bukal sa kalooban mo, tigil mo na ʼyan, masyado kang halata.”

Now what? Talagang may sama ng loob sa akin ang mga tao rito sa mansyon. Hindi man lang ako kahit pa paano ngitian o batiin man lang. Tsk.

“Pupunta na nga ako ayaw pa. Tsk.” bulong ko naman habang iniiwas ang tingin sa kaniya at nagpapanggap na walang sinasabi.

“Alas sinco bukas ng hapon sa bahay nila Crystal.” pagbilin niya. “Sumabay ka na sa amin ni Adrian.”

Talaga lang huh? “Alam ko ang bahay ni Crystal kaya bakit ako sasama sa inyo?”

“Kahit kailan talaga Calvin napakasungit mo.” pagrereklamo pa niya.

Nagsimula na siyang magmartsa sa hagdanan. Umakyat na rin ako nang mapagtanto ko na nakaakyat na siyang tuluyan. Bagsak akong humiga sa kama ko nang matunton ko ang aking kwarto. Nakakapagod na araw na naman ang lilipas.

Alas sinco pala ako pupunta sa salo-salong tinutukoy ni Leo. Bakit ba naman kasi sa dinami daming kaibigan nila Crystal ay ako pa ang naisipan na imbitahan. Marami pa akong gagawin at marami akong dapat pagbalingan ng oras. Uunahin ko pa ʼyang lintek na salo salo na ʼyan. Kahit kaibigan nga sa isa sa kanila ay wala ako.

Pero sinabi ko na kay Leonardo na pupunta ako at wala nang bawian. ʼDi ko alam kung bakit ako pumayag. Out of the comfort zone na ʼyan. Kailangan ko nang magbigay ng matinding dahilan para sa sarili ko kung bakit ako pupunta bukas.

Ano kaya? Hmm... Galit si Crystal sa akin eh kaya siguro dapat ʼdi na ako pumunta. Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit at papaano. Hmm, this could be a good reason and answer to my own question.

Maybe itʼs the curiosity thatʼll drive me so near to an end.

Tumulala na lang ako sa dingding habang wala akong maisip na gagawin. Nakakatamad kasing kumilos. Bababa na lang ako sa may kusina dahil nakakaramdam ako ng gutom ngayon. Kaso kahit ganoon ang nararamdaman ko bigla akong nawalan ng gana. Babangon na sana ako sa pagkahiga sa aking kama ay naudlot pa. Bagsak ulit akong humiga sa kama.

Owned And Treasured ✔︎Where stories live. Discover now