Chapter 5

208 12 1
                                    

INVITATION

I was walking at the hallway of my sectionʼs building when I heard the crowd yelling and cheering the name of my brother. Napakaingay.

Oh now I remember. May magaganap na competition. Finals na. Mabuti na lang at hindi ako kasali. Wala akong masyadong iisipin at pagkaka abalahan ngayon. Mas gusto ko ʼyung ganto kaso naiinggit ako sa dalawa kong kapatid dahil may tagahanga sila, ʼdi dahil sa itsura kundi sa talento. Wala naman kasi akong talento.

Matapos akong umamin kay Crystal tungkol sa isa sa mga sikreto ko hindi ko na siya muling nakausap pa. Siguro dahil sa schedule nila ni Leonardo iyon. Sa bagay hindi naman niya ako gustong kausapin. Sino ba naman ako para kausapin niya? I donʼt fit in on her interest. Not even a half.

“Go Aces! GO ADRIAN!!!” the crowd cheered.

Para namang ikinagaling na nila ang paghanga ng marami. I hate my brother Adrian more than anyone. I hate him more than my parents.

Mukhang hindi na naman ako papasok. Mas gusto ko na lang manatili sa bahay ko. Kaya ko naman magbasa ng sarili ko. Kaya ko mag-self study. I donʼt need those teachers in that academy, theyʼre nonsense. They arenʼt helpful. And I hate the world.

I just wanna live peacefully but the world doesnʼt let me.

Why is it so hard to live? When in fact, we would just die at the end of the day.

I have dreams to conquer, but I donʼt wanna live anymore. Theyʼre important to me but because of this stupid life, I canʼt even give a try. I hate the world because itʼs selfish as heck.

Umuwi na lang ako sa bahay ko. Wala naman kaming gagawin ngayon dahil may event. The whole campus is being loud so I need to go. Ayaw ko sa maingay dahil sanay ako sa katahimikan. That gave me the most peaceful days. Marami kasi akong iniisip palagi kaya mas gusto ko ng tahimik nang sa ganoon ay makamit ko ang kapayapaan na nais ko. Thatʼs all I ever wanted.

“Calvin!” sigaw ni Leonardo sa likod ko. “Hindi mo ba kami panonoorin?” Singing ʼyung pangalawa sa mga categories. Dancing kasi ang mauuna.

Liningon ko siya, “Hmm. Uuwi na lang ako.”

“Ayaw mo nga pala sa maingay.” tugon niya. Napabuntong hininga pa siya. “Sige mauuna na ako.”

Tumango ako sa kaniya at nilagpasan niya na ako. Pumunta na ako sa parking lot.

Nang makauwi na ako sa bahay ko. Dinalaw na naman ako ng matinding katahimikan. Nabagot ako dahil doon. Wala naman akong pwedeng paglibangan dito sa bahay ko. Walang malaro eh. Pero mas mabuti na ʼyung ganito kaysa naman magtilian na naman ang mga babae sa campus pag nakita ako. Ayaw ko nga kasi sa maingay.

Balak ko sanang mag-half-bath kaso biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito.

𝗡𝗼𝗶𝘀𝘆 𝗟𝗲𝗼
𝖼𝖺𝗅𝗅𝗂𝗇𝗀...

“Ano na naman kaya ang kailangan nito?” bulong ko sa sarili. Sinagot ko na lang dahil alam kong hindi ako tatantanan nito. Maingay pa naman siya kaya sinave ko ang number niya as Noisy Leo.

“Ano na naman ba?” iritadong tanong ko.

“Isesend ko na lang ʼyung video ng performance namin ni Crystal.” sabi nito. Napairap na lang ako.

Owned And Treasured ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon