Pag-ka-ka-i-bi-gan

29 3 0
                                    

Ang ating masayang samahan
Ay nabuo sa isang pangyayari na hindi inaasahan
Ating pagkakaibigan ay tila ba naging masayang alaala
Alala na habang buhay kong maaalala

Ngunit dahil sa isang babae
Ating masayang biruan...
Ating masayang samahan...
Ay biglang napalitan ng alitan...

Ako ang nauna
Ngunit bakit kayo ang naging nagkakasama?
Ako ang nagpapasaya
Ngunit bakit sayo sumisilay ang kanyang tawa?

Nung una ay tila ba ako'y naguguluhan
Ngunit nang ako'y may biglang nalaman
Tila ba ang isip ko ay naliwanagan
Na sa una palang ikaw na talaga at hindi na ako...

Ngayon, ang ating pagkakaibigan ay wala na
Ang ating naging samahan ay nabuwag na
Dahil para sayo ito ay isa nalang alaala
At para sa'kin, ito ay masaya na ring alaala

Alaala na hindi pwedeng balikan
Dahil ang isa sa atin ay pwedeng masaktan
Sa ating pagkakaibigan na nauwi sa kalimutan

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now