Salamat at Nakilala Kita

47 10 0
                                    


Oh aking mahal na ginoo
Napakarami kong pagkukulang sayo
Ngunit salamat dahil ika'y nakukuntento
Sa kung anong meron tayo

Salamat at 'di ka humanap ng iba
Habang tayo'y malayo sa isa't isa
Sana'y 'di ka magsawa
Dahil sandali nalang, tayo'y magkakasama na

Salamat ako'y iyong hinintay
Kahit na ako sayo'y nawalay
Salamat sa mga kantang iyong inalay
Kahit na minsan ika'y mataray

Buti na lang ika'y nakilala
Binago mo ang nadarama
Dinamayan mo sa pagdurusa
Pinakalma mo sa pagwawala

Nilunasan mo ang pusong nagdurugo
Pinunasan mo ang luhang tumutulo
Minahal mo ako ng buong buo
Tinanggap mo ako bilang ako

Salamat at nandyan ka
Kahit na inaaway kita
Kahit na ginagalit kita
Kahit na inaasar kita

Salamat at nanatili ka
Kahit na mahirap na
Kahit na masakit na
Kahit na magulo na

Salamat at nakilala kita
Mahal na mahal kita
Simula ngayon, bukas, at kahit kailan pa
Mamahalin kita hanggat kaya ko pa

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now