Sagot ng mga Tala

44 7 0
                                    

Sa tuwing ako'y naguguluhan
Lumalabas at titignan ang kalangitang nababalot ng kadiliman
Kakausapin ang mga tala na labis ang kagandahan
Sasabihin kung ano ang dahilan ng kalungkutan

Iiyak sa ilalim ng gabing madilim
Isusumbat lahat ng salitang matagal ng inilihim
Isisigaw ang sakit na matagal ng kinikimkim
Sabay tingin sa taas at hihilinging sana 'di na maulit ang araw na malagim

Minsan ay humihiling
Na sana isa ako sa nandoon sa taas na nagniningning
Yung handang tuparin ang mga hiling
Ng bawat taong wala ng magawa kundi umiling

Ang mga tala ang palaging sumasagot sa aking katanungan
Mga tanong na 'di ko din maintindihan
Sapagkat sobrang hirap ng nais na kasagutan
Ang mga sagot na yun, sa tala kadalasang natatagpuan

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now