Akala ko nung una
Tatanda tayo nang magkasama
Tatanda tayo na masaya
Pero lahat nang iyon akala ko lang palaNagbago ang lahat nang makilala mo siya
Ating masayang samahan nawala sa isang iglap
Ating masayang kwentuhan
Mauuwi nalang sa limot nang nakaraanSabi mo sakin walang iba
Sabi mo sakin ako lang sapat na
Pero bakit kapa naghanap nang iba
Kung sa huli ako lang pala maiiwang mag isaAno bang pagkukulang ko?
Ano bang nagawa kong mali sayo?
Ano ba ang naging kasalanan ko?
Bakit mo ako ginanito?Isang araw
Ako'y nagising sa katotohanan
Katotohanan na kailanman
Hindi kana babalik magpakailanmanKaya sa araw na ito
Ang araw na huli kitang masisilayan
Ang araw na huli kitang mahahagkan
Ang araw na hinding-hindi ko malilimutanMasakit man para sakin
Pero ito ang kailangan kong gawin
Masaktan man ang puso ko
Wala na akong magagawa kundi tanggapin itoHeto ang araw na huli tayong magkikita
Heto na ang huling araw na tayong dalawa ay magkakasama
Heto na ang huling araw na tayo'y mag uusap sa isang lugarLugar kung saan sasabihin ko na...
Malaya kana...
Pinapalaya na kita...
आप पढ़ रहे हैं
The Untold Story Of Us (POETRY)
कविता"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter