Pagpaparaya

62 8 1
                                    

Sa mundong puno ng sakit
Sa mundong puno ng lungkot
Sa mundong puno ng luha
Pagpaparaya ang tanging magagawa

Mahal kita, pero mahal mo sya

Gusto kita, pero mas gusto mo sya
Ako ang iyong kasa-kasama
Pero sya ang hinahanap-hanap ng iyong mga mata


Luha galing sa aking mga mata
Hindi mo alam na iniiyakan kita
Sa bawat pagpatak ng aking luha
Pagmamahal mo sa iba aking naalala

Bawat segundo
Bawat minuto
Ika'y laging nasa isip ko
Ika'y laging nasa puso ko

Masaya ka sakin
Pero mas masaya ka sa kanya
Tumatawa ka kapag tayo'y magkasama
Pero pag kausap mo na sya ako'y baliwala na

Eto naba ang oras?
Oras para ako'y magparaya na?
O dapat ko munang alamin ang iyong nararamdaman
Kung ako'y iyo bang gusto o kaibigan lang talaga

Oras naba para ibalik kita sa tunay na minamahal mo?
Oras naba para ibalik kita sa unang nakilala mo?
Oras naba para ibalik kita sa taong minamahal mo ng sobra?
Oras naba para ako'y magparaya na?

Kung ito na ang oras
Handa na ako na palayain ka
Basta tandaan mo, pag sinaktan at iniwan ka ulit niya
Andito ako handang tanggapin at mahalin ka muli ng sobra

The Untold Story Of Us (POETRY)Kde žijí příběhy. Začni objevovat