Hanggang sa langit,aking sinta

24 5 0
                                    

Ang iyong pagkawala ay di ko inasahan
Labis labis akong nasaktan
Mga luha na paulit ulit nagbabagsakan
Dahil hindi ko kayang matanggap ang katotohanan

Paano na ako ngayon kung wala kana?
Sino na ang makakasama ko sa panahon na kailangan kita?
Sino na ang mahahagkan ko hanggang umaga?
Bakit ang bilis mo akong iniwan aking sinta


Dahil sa iyong pagkawala
Tila ang buhay ko ay nag iba
Ang dating kong buhay na puno ng saya
Napalitan ng mga luha na dumadaloy galing sa aking mga mata


Alam ko na masaya ka na
Alam ko na tahimik ka na
Alam kong maayos kana
At sana sa muli nating pagkikita, sana ako ay maalala mo pa

Ang iyong paglisan ay malaking kawalan
Kawalan para ang puso ko ay maging sugatan
Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto sa akin ng iyong kamatayan
Ngunit ang maipapako ko lang sa iyo aking mahal


Ikaw lang ang mamahalin at wala ng iba
Ikaw lang ang paulit ulit na pipiliin at hindi sila
Hanggang sa muli nating pagkikita
Hanggang sa langit aking sinta

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now