Ako ay isang simpleng tao
Isang tao na maraming hinahangad sa mundo
Kahit gaano Pa kagulo ang mundong ginagalawan ko
Ako ay mananatiling taga hanga moHindi mo man ako kilala
Pero sana alam mo na tuwing nakikita kita
Ang araw ko ay nabubuo mo na
At tila ba nakakalimutan ko lahat ng problemaAko ay isang taga hanga mo
Wala akong ibang gusto
Kundi ang masilayan ng personal ang mga ngiti mo
At maipakita ko sa iyo kung gaano ako kasaya sa narating moNgunit bigla kong naalala
Na hindi pala tayo pwedeng magkita
Na walang posibilidad na ang landas natin ay magtagpo pa
At wala akong kasiguraduhan kung ako ay iyong makikilalaDahil tayong dalawa ay magkaiba
Ikaw ay iniidolo ng karamihan sa iba't ibang bansa
Habang ako ay isa sa kanila
At ako ay mananatili na lamang na taga hangaDahil tayo ay magkaiba
Ikaw ay isang kilalang artista
Artista na pinangarap kong makasama
Ngunit iyon ay hindi maaaring mangyari dahil ikaw at ako ay hindi magkakilala
VOUS LISEZ
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poésie"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter