Wala Ka na

26 5 0
                                    


Natatandaan ko pa noon
Kasabay kang umaahon
Kasama sa dalampasigan habang tinititigan ang mga alon
Kaibigang nandyan hanggang ngayon

Naalala ko pa ang bawat kwentong pinagsaluhan
Pati na rin ang mga kalokohan
Sabay pa tayong napapagalitan
Nagkakatampuhan ngunit nagkakaayos din kinabukasan

Subalit 'di pala yun magtatagal
Tila'y pagkakaibigan natin ay bawal
Pilit tayong pinagbubuwal
O 'di naman kaya, ako'y naging hangal

Buong akala ko ikaw ay totoo
Ngunit ginamit mo lang pala ako
Masakit man, pero yun ang totoo
Nawala ang paboritong kaibigan ko

Ilang luha pa ba ang ilalabas ng aking mga mata
Para matanggap ko na wala ka na
Para maniwala ako na totoo na
Dahil 'di ko pa din tanggap na manggagamit ka

Pano na ang mga pangarap nating dalawa?
Tutuparin ko na lang ba ng mag isa?
O pipilitin pa din kita kahit wala ka naman talagang intensyon na tuparin pa?
Wag na, hihilingin na lang sa tala na sana'y palagi kang masaya

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now