Nakilala sa 'di inaasahang pagkakataon
Nagmahalan ng 'di maglaon
Nawalan ng komunikasyon
Kaya't nasasaktan hanggang ngayonSana pwede pa tayong dalawa
Sana maulit muli ang lahat ng saya
Sana masilayan muli ang iyong pagtawa
Sana mahawakan muli ang iyong mukhaMinahal ka ng lubusan
Ngayon nama'y naiwang luhaan
Naging mapusok, kaya nasaktan
'Di na muling ipaglalabanKung tama na ang panahon
Ibabalik natin ang saya noon
Susulitin natin ang pagkakataon
Sabay nating sasalubungin ang bagong taonTatandaan pangakong binitiwan
Yun pa din ang aking panghahawakan
Alam kong dadating ang araw ng katuparan
Hihintayin pa din kahit matagal ang pagitanNangakong hindi hahanap ng iba
Nangakong hihintayin ako kahit ilang taon pa
Nangakong mamahalin ako hanggang sa pagtanda
Nangakong tatanggapin ako mula sa simulaWag kang mag alala
Hihintayin kita hanggang kaya ko pa
Hanggang sa ako'y magsawa
Sana kung pwede na, pwede pa
![](https://img.wattpad.com/cover/233908186-288-k619093.jpg)
YOU ARE READING
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter