Nasaan Na Ang Tayo

34 7 0
                                    


Dati ako lang, dati isa ko lang
Ngunit ng dumating ka napunan ang kulang
Ano nga ba ang kulang? Parang ikaw lang
Kung ikaw lang ang kulang, pwede bang Akin ka na lang?

Nagsimula sa mga salitang "hi" at "hello"
Nagtapos sa salitang "paalam mahal ko"
Anong nangyari mahal ko?
Tanong na bumabagabag sa isipan ko

Maiiwan ba akong mag isa ulit?
O pwede pa rin bang maulit?
Pagmamahal mong hindi ko man lang nasulit
Pakiusap ito'y ibalik

"Nasaan na ang tayo" tanong na lagi kong banggit
Dahil sa tuwing nakikita ko ang larawan nating punit
Ang larawang punit na hindi na maaaring maidikit
Lahat lahat ay bumabalik, bumabalik lahat ng sakit

Diba masaya naman tayo?
Diba ayus naman tayo?

Siguro nga ay hindi talaga tayo ang para sa isa't isa
Sinubok lamang tayo ng mapaglarong tadhana
Ngunit salamat pa din dahil ika'y aking nakilala
Hindi ko makakalimutan na minsa'y inibig kita

The Untold Story Of Us (POETRY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora